Margareth POV. Naging abala kami ni Marco sa buong maghapon dahil na rin sa paghahanda para sa Luna ceremony kinabukasan. Halos mahilo ako sa mga gown na dinala ng stylist nito at mga high-heel na ilang ulit kong pinalitan. Hindi kasi ito ang uri ng mga sapatos na karaniwan na sinusuot ko sa tuwing may okasyon. Dati nakapag suot ako ng mga formal evening gown kaya lang ang lahat ng mga gown na nasa harap ko ay napaka-daring para sa taste at style ko. Kung hindi mababa ang neckline at halos lumuwa dibdib ko ay ang tataas naman ng slit na maexpose ang buong hita ko. Halos hindi ko masikmura na tingnan ang sarili ko sa huling gown na sinukat ko dahil konting galaw ko lang ay luluwa talaga ang dibdib ko sa baba ng neckine at may hiwa pa hanggang sa pusod ko. Ano bang klase ng style