Margareth POV. Naging masaya ang maghapon namin ni Marco, pinagsawa namin ang sarili sa paglangoy matapos ang mainit na tagpo sa loob ng kweba. Puro prutas na nakuha nito sa gubat ang tanging kinain namin sa buong maghapon. Papadilim na kami nakauwi at nagpasya na sa glass house na din magpalipas ng gabi. Buong magdamag nakontento kaming magkayakap ni Marco. Yakap na napakahigpit na tila ba mawawala ako kapag binitiwan ako nito. Naging masarap ang tulog ko magdamag habang tila musika sa pandinig ko ang mahinang t***k ng puso ni Marco. Kinabukasan kahit na masakit ang katawan ay maaga pa rin akong gumising. Maaga kaming nakauwi sa pack house dahil kailangang pumasok ni Marco sa opisina. May bigla kasing tumawag dito mula sa opisina nito at sinabing may emergency itong kailangan na har