Margareth POV Sulit ang pagsama ko kay Marco mamasyal, talagang napakaganda ng lugar na pinagdalhan nito sa akin. Dinala ako nito sa isang talon na talaga namang nagustuhan ko ang ganda ng kagubatan. Tama nga si Marco, magugustuhan ko dito napakamagical ng lugar at ramdam ko ang kapayapaan ng paligid. Iba talaga ang lugar kapag hindi pa pinapakialaman ng tao. Napakalinis at napakalinaw ng tubig na dumadaloy dito hindi ko mapigilang hindi tumakbo papalapit sa ilog at maligo. "Masarap maligo dito love, dito muna tayo," sabi ni Marco na nasa likuran ko na pala at nakapagpalit na ng anyo. "Oo nga, ang ganda dito Marco," sabi ko habang ang mga mata nakatutok sa tubig na walang sawang dumadaloy mula sa itaas ng talon. "Mas maganda ka Luna," sabi ni Marco na ngayon ay nakayakap na mula