[Fin's POV]
HIYANG hiya akong pumasok ng opisina kanina dahil ito ang unang beses na nahuli akong pumasok sa trabaho. Nagising lang naman akong walang ayos sa sarili at hindi ko din mabilang kung ilang beses kong pinag-isipan kung maliligo ba ako o liliban muna.
Affinity Co. hindi ka lang isang simpleng kompanya, ikaw ang saksi sa lahat ng ganap ng buhay ko.
I waved my hand at Ate Chelle in dismissal. Sabi nito ay susunod daw siya sa meeting na dinaluhan din ni Adrian. Hindi ko naman maiwasang huwag mastress dahil report ko ang isasalang niya doon.
I solemnly screamed my joy within the four walls of this building. Mabuti nalang magaling akong magcontrol ng sarili ko at mabuti nalang sinagot nito ang panalangin ko.
I should learn how to be independent. Kelangan kong lakasan ang loob ko kahit pa wala si Adrian sa tabi ko.
I love you, babe.
Abot tenga ang ngiti ko ng mabasa ang maiksing text message mula kay Adrian. Hindi man ako nito naihatid sa trabaho dahil sa kaliwa't kanang meeting nito ay sapat na saking mabasa ang I love you mula sa kanya.
He's calm. Wala akong natanggap na sumbat mula sa kanya, walang galit o kahit pagtatampo man lang.
Hindi din ako tinanong ng mga kasamahan ko sa trabaho. Walang imik si Axel sakin, alam ko hindi maiiwasang magkaroon ito ng sama ng loob sakin. I'm the ex-girlfriend of her fantasy, sino bang gugustuhing makipag-kaibigan sa isang threat? Wala na din siyang imik about the Fierro's. Parang isang iglap lang ay biglang nagbago ang jolly personality niya.
Nang sa tingin ko ay kumalma na 'ko muli sa kasiyahan ko ng malamang hindi galit sakin si Adrian ay lumakad na ako pabalik sa loob.
Marami pa akong dapat gawin, kelangan kong kumita. Hays. Importante sakin ang trabahong ito dahil ilang taon akong natenga sa pangakong tutulungan ang pamilya ko. Ayoko silang madisappoint. Sawang sawa na akong maging disappointment.
Minsan kasi pumapasok sa buhay natin ang frustration. Dahil dito ay bumababa ang self-esteem natin at passion sa mga bagay na gusto nating abutin. That's also the reason why we keep on asking ourselves kung bakit tayo naging ganito? May kulang ba sakin? Kulang ba ang hardwork ko? Kulang ba ang pinag-aralan ko? Bakit ba hanggang ngayon I keep on failing and failing?
"Sorry Miss, are you okay?"
Napa-awang ang labi ko nang makita ko ang babaeng nasa harapan ko. I'm on my knees dahil napalakas ata ang pagkakabanga namin sa isa't isa.
"Opo." Yun lang ang nasabi ko dahil namesmerized ako sa ganda niya. She's gorgeous, napakaganda ng hugis ng mukha nito, nakakaakit ang mga mata niya at napakaputi ng balat. Mas maganda pa siya sa mga artistang nakita ko sa personal. She's wearing a white lace semi-formal dress na mukhang pinasadya pa sa isang sikat na designer.
"Sorry nagmamadali kasi ako, hindi na'ko nakatingin sa dinadaanan ko." She smiled at me. Bahagya pa itong napakamot sa kanyang ulo.
Ngumiti nalang din ako at itinayo ang sarili ko. Tinulungan naman ako nitong ayusin ang mga nahulog kong documents. Napakabait niya, sobrang down to earth kahit mukhang mayaman.
"It's okay Ma'am. I'm an employee here, wala po kayong dapat ihingi ng paumanhin."
Lalong lumiwanag ang mukha niya. Kahit saang anggulo ko siya tingnan she's so beautiful.
Labis na ikinabigla ko ng hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "That's great! By the way, here's my business card. Please text me, I'll make it up to you."
Inabot nito sakin ang isang rosy pink calling card, na agad ko namang kinuha.
"Magkikita naman tayo ulit. See you!" Masigla nitong sabi. Hindi ko maintindihan pero parang ang gaan ng loob ko sa kanya.
Ano kayang pangalan niya?
Sinilip ko ang ibinigay nito sakin.
Bless Sylvia Fierro, the CFO of Raven's Construction Corp. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko ng makita ang pangalan niya. Isa din pala siyang myembro ng pamilyang kinakatakutan ko.
"I hope you'll marry Rave soon." Bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ang sinabi nito bago naglakad palayo.
Naupo ako sa table ko ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang babaeng nakabangga ko sa lobby kanina. Hindi ako makapaniwalang may alam ito tungkol samin ni Rave. Hindi ko ito maalala, kilala ko naman lahat ng kapatid ni Rave maging ang mga magulang nito. Is she a new member?
Nagpatuloy ako sa paggawa ng financial report na kelangan kong matapos bago sumapit ang alas singko ng hapon. Konting konti nalang ay matatapos na ako ng biglang umalingawngaw ang ingay mula sa labas.
"Hello everyone. I brought you some snacks." My eyes grew wide. Iniluwa ng sliding door namin ang isang matipunong lalaking nakasuot ng kulay itim na police uniform. The uniform suits him well, parang sinadya ito para sa kanyang matipuno at matikas na katawan. Hindi ko pa man lubusang tinititigan ay kilala ko na kung sino ito.
Nagkatitigan kaming lahat. Tila walang may lakas na loob na kunin ang inaalok nitong isang bucket ng fried chicken at isang pan ng lasagna. Napansin kong tinitigan ako ni Dee ngunit tinalikuran ko ito. Hinarap ko muli ang computer ko.
"Nako. Thank you sir, kung alam niyo lang gutom na gutom na kami. Di'ba guys?" Nagulat ako ng bigla akong kinalabit ni Dee para sumenyas na tumayo ako.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi pwedeng hindi ako sumunod. I saw Rave staring at me, baon na naman nito ang pilyo niyang mga ngiti.
Naglakad ito papunta sa kinaroroonan namin. Nang malapit na siya sa kinatatayuan ko ay napayuko nalang ako. Sana hindi niya ako pansinin. Sana maging hangin nalang ako sa mga oras na ito.
Kung bakit ba kasi kelangan naming magbigay ng respeto kapag nandito sila ng kapatid niya. Bakit kelangang nakatayo kaming lahat at required na magpakita ng ngiti sa kanila.
"I miss you Fin." maikling sambit nito.
I didn't answered him pero laking gulat ko nang niyakap niya ako. Mahigpit ang yakap nito sakin.
Itutulak ko ba siya?
"Rave."
He stared at me. He stared at me like crazy, kulang nalang kainin ako ng mga titig niya. Those pearl white teeth na akala mo tatlong beses sa isang linggo kung magpa-cleaning.
"You can't resist my charm Fin. Hahaha. Ang cute mo talaga." kumalas na ito sa pagkakayakap sakin at tumayo siya sa tabi ko, aatras pa sana ako pero nakahawak na siya sa braso ko. Gosh! "You're so cute to the point that I wanna eat you." He whispered pervertly.
I clenched my teeth. Pinipigilan ko ang hininga ko as I closed my eyes with a prayer. Parang kasabay nun ang pagharumentado ng puso ko.
"Stop it Sir Rave. Maraming nakatingin, baka anong sabihin nila. I have Adrian, my boyfriend. You're just my ex." Para akong naparalyze sa saglit kong pagtitig sa mukha niya. Kita ko kung paano sumampok ang kilay niya sabay bitaw sakin. His eyes, it was full of hatred and possessiveness.
Kung nakaya niyang lokohin ako noon as his girlfriend pwes hindi ko magagawa 'yon with Adrian. I know how it feels to be hurt and betrayed.
I heard him laugh saka ito muling nagpatuloy to greet my fellow workers. He's unbelievable! Isa siyang malaking higad, manloloko at manggagamit. Sinasadya niya talagang inisin ako.
Muli kaming nagpatuloy sa trabaho. I posted uncountable payments, halos takpan ko ang sarili ko ng malabundok na sales invoice, hindi ko din alam kung ilang follow-up for collection ang ginawa ko. Hindi ako mapakali, para akong nasa loob ng titanic na malapit ng lumubog. Ilang beses din akong nakatanggap ng mura dahil sa hindi ko masagot ang mga tawag ng ibang clients namin.
Kung bakit ba kasi umupo ang Rave na ito sa likuran ko.
Naka-dekwatro pa siya kahit alam naman nitong nakakaistorbo siya ng ibang tao. I know he's a billionaire pero napaka-pathetic ng ginagawa niya. Mukhang komportable pa itong pinagtitinginan kami ng lahat ng dumadaan.
"Sir Rave, gusto niyo ho bang dalhin ko kayo sa office ni Sir Alfred?" may paggalang kong sabi dito. Naalibadbaran talaga ako dahil parang binabantayan nito lahat ng galaw ko.
He smirked at me. "I'll stay here. Aarestuhin pa kita mamaya." nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan ng kumindat ito.
Napailing ako. He's unbelievable. "Kung gusto niyo pong makipaglaro dadalhin ko kayo sa leisure area." Konti nalang talaga at mauubos na ang pasensya ko. Bubulyawan ko na ang isang 'to.
"Pinapaalis mo ba ako?" Biglang tumaas ang boses ni Rave. Nakita ko kung paano nabigla ang mga kasamahan ko, hindi ko maiwasang hindi mamula sa kahihiyan na dinadanas ko.
"Hindi." may inis na sagot ko dito.
Napaatras na lamang ako ng bigla nito akong nilapitan. Ipinakita niya sakin ang hawak hawak na posas. "Kapag pinaalis mo ako, gagamitan na kita nito at ikukulong kita sa puso ko. Okay?"
Tanginalungs!
Kelan ba siya mapapagod sa pangungulit sakin?
"You don't know how much I love you and how much I want to win you back...Love will lead you back, love will lead you back to my arms." tawang tawa ang mga kasamahan ko sa pinagsasabi ni Rave.
Oo, alam kong kumakanta siya pero hindi naman yata parte yung unang nilapatan niya ng music.
And love? Alam niya ba ang ibig sabihin ng salitang love? Letseng love 'yan. Naranasan niya bang magmahal ng totoo para masabi niya ang salitang love?
He is a fake lover and he doesn't deserve to sing that song.