Almost 9

1773 Words
(Fin's POV) BECAUSE of what happened tonight, mayron na akong maituturing na most controversial party of my life. It's was so satisfying and stressful at the same time. Dahil sa gabing ito, may isang pangarap akong natupad ngunit naging kapalit naman nito ay ang muling pagbalik ng mga ala-alang pilit ko nang kinalimutan. My parents asked me what happened dahil nagpaalam kami na baka madaling araw na kami makakauwi pero napaaga ito. Binigyan ko nalang sila ng ngiti with an assurance that everything's fine. Wala silang dapat ipag-alala because I'm with my prince charming. "Okay. Kung hindi mo lang kasama si Adrian, hindi kami makakampante." my mom signaled an approved sign to my dad, kaya naman tumalikod na ito at nagpatuloy sa panonood ng paborito nitong palabas sa telebisyon. Ikinabigla ko naman ang biglang pagyakap ng mama ko sakin sabay bulong sa kaliwang tenga ko. "Nasa tamang edad naman na kayong dalawa. Bakit hindi niyo pa kami bigyan ng apo?" nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa sinabing 'yon ni mama. Napakibit-balikat lang ako sa kanya. Kung pwede ko lang sanang gawin ang bagay na iyon pero hindi pa pupwede. Nakagapos pa ako sa dami ng mga utang namin at hindi pa ako pwedeng magpahinga hanggang sa hindi ko natatapos na bayaran lahat ng ito. Kasalanan ko din naman at nagmadali akong matupad ang pangarap nila, ginawa kong paraan ang pangungutang para magkaroon kami ng sariling bahay at lupa dahil pinapalayas na kami ng mga panahon 'yon ng may-ari ng inuupahan namin. Hindi pa nakakapasok ng kolehiyo ang bunso namin, napakarami ko pa talagang responsibilidad na dapat gawin. I know they trust Adrian so much. Kahit pa noong una ay tumututol sila sa relasyon naming dalawa lalo na ang mama ko. Pero di nagtagal ay tinanggap na din nila ito at si Adrian ang pangalawang lalaking pinagkatiwalaan nila. Una ay si Rave pero sinira niya ang pagmamahal at tiwalang ibinigay ng mga magulang ko. My mom is my witness kung gaano ako nasaktan ng mga oras na 'yon, kung gaano ko pinagsisihan na minahal ko siya at inalay ko sa kanya ang buong pagkatao ko. I thought he's deserving enough for all my pain and sacrifices kaya naman ng mangyari ang kasalanang 'yon ay tila gumuho na din ang mundo ko. He didn't cherish the love we had, instead he choose to leave it in vain. Napahiga na lang ako sa kama dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Ganun din naman si Adrian, humiga ito sa sofa bed na nasa gilid. I don't have the strength para alisin ang mga hairpin sa buhok ko, tinatamad na rin akong tumayo para maghilamos, bukas ko na aalisin ang make-up ko. Wala din namang makakakita kung kalat ang eyeliner ko sa umaga di'ba? I know Adrian, hihintayin lang nitong makatulog ako at aalis na naman ito without a trace. Minsan ko na ding nahuling hinalikan ni Adrian ang noo ko bago ito umalis, lihim ako napangiti with his sweet gesture. He's a gentleman at pinag-iisipan nito ang bawat galaw niya. Labis akong natuwa dahil nirerespeto niya ako kahit pa hindi na ako birhen ng maging kami. He is my angel. At isa na ang gabing ito to prove how sincere he is. Kahit pa it was cursed by Rave's doing pero blessing in disguise parin dahil nag effort si Adrian to make me beautiful tonight. He never failed to support me at kitang kita ko 'yon sa mga mata nito habang kumakanta ako kanina. "I'm so happy tonight Fin. Sir Alfred acknowledged my hardwork." Hinarap ko lang si Adrian at nginitian ito. Kitang kita ko sa mukha nito ang satisfaction, tumango nalang ako sa kanya. I'm his girlfriend, I should be happy for him as his number one fan. "I'm so proud of you. Konti nalang at maabot mo na ang pangarap mo Adrian. You can stand on your own now." "Hindi ko mararating ang lahat ng ito without you at kung hindi sa tulong ng kompanyang pinanapasukan ko." kalmadong wika nito. I sighed. I can't deny the fact na sila nga ang tumulong kay Adrian para maging ganito kasuccessful sa kanyang career. Alfred Fierro treated him as an A-Player and a valuable asset in his company, wala itong ibang ginawa kung hindi purihin at irecommend si Adrian sa lahat ng tao. He is treasured and well compensated habang ako, heto at walang ibang ginawa kung hindi matakot kapag naririnig ko ang apelyidong Fierro. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. I think I suffered from a lucid dream. At pakiramdam ko ay mas lalong akong nahihirapan ngayong wala man lang sinasabi si Adrian tungkol sa mga narinig niya mula kay Rave kanina. Wala ba siyang tanong about it? Hindi niya ba ako susumbatan dahil sa ibang tao pa nito nalaman ang past ko? Kunsabagay, maging ako ay wala ding lakas ng loob para umpisahan ang topic na 'yon sa kanya. Flashback "Like it?" Rave gracefully brush his hair using his bare hand. Iniwas ko nalang ang tingin ko dito dahil kumabog ng malakas ang dibdib ko. I bite my lower lip, pakiramdam ko kasi tinatawag na ako ni San Pedro ngayong nasa harapan ko siya. Pwede bang mamaya ko na siya sagutin? Sa sobrang dami kasi ng mga kantang napakinggan ko, parang sasabog na din ang utak ko sa dami ng ala-alang bumabalik noong college days namin. Ang sakit sa bangs mag-isip. Hindi ito nagpatalo at tumayo siya sa kinaroroonan ng paningin ko. "Speechless?" He frowned at me. Inangat ko ang paningin ko, iyong tipong sa noo niya nakafocus ang mga mata ko. I don't want to look at him. Ramdam na ramdam ko kasi ang bigat sa tuwing napapatitig ako sa mga mata niya. "I'm mesmerized with the songs Mr. Fierro kaya naman wala akong maisip na salita to describe how grateful I am that I was able to meet them in person." Imbes na matuwa ito sa sagot ko ay inis itong napatitig sakin. Alam ko ang ibig sabihin ng mga titig niya, he want me to praise him for singing that song for me. "That means you didn't hear me." Nakita kong napamulsa ito. Aalis na ba siya? Thanks G! I sighed in relief. Well, wala na akong ibang maisip sabihin at ayoko ding malaman niyang narinig ko lahat ng mensahe niya para sakin kanina. "But I can still declare this night a success dahil napasaya kita. Right?" kinindatan niya ako saka ito ngumiti sakin. "Can I have your heart now my Infinity?" Narinig kong may umubo sa tabi ko, it's Dee. Inikot ko ang tingin ko sa paligid, nagtataka na talaga lahat ng tao sa paligid namin. Gosh! Nakatingin pa naman din si Adrian sa kanya. Ano nalang ang sasabihin ng mga kasamahan ko sa trabaho? Nakikipaglandian ako kay Rave kahit may boyfriend ako? Complete silence filled the place. "You're such a joker, Sir Rave. Hindi lang ako ang sumaya kung hindi pati ang Adrian ko at lahat ng mga kasamahan ko sa trabaho. My heart belongs to him and syempre mas matutuwa ako kapag siya ang kumanta para sakin." Gusto kong matawa sa sarili ko. Gumawa talaga ako ng napakahabang palusot. Tinapik ko nalang siya sa balikat sabay tingin kay Adrian. Everything seems awkward, parang gusto ko ng magtago sa kabilang buhay dahil sa kabang nararamdaman ko. Natatakot akong malaman ni Adrian ang nakaraan naming dalawa. Ano nalang ang magiging reaction niya? Hindi ako matatahimik hanggang nasa likuran namin si Rave. F*ck him at ang mga palabas niya. "Am I really a college friend to you? Wala ka bang naalala about us?" napakunot noo ako. Us? Is he drunk? Saan niya nakuha ang lakas ng loob to say those words to me kahit kaharap namin ang boyfriend ko. Hinarap niya kaming dalawa ni Adrian at sarcastic na tumawa. Inagaw niya ang shot na dapat ay iinumin ni Adrian. "Hey bro! Take good care of her for me." muli siyang tumawa. "She's my-no, our princess. I wasn't able to make her happy that time. I'm a jerk. That's why I'm here to win..." Pakiramdam ko mahihimatay na ako anytime. Ayoko ng pakinggan ang mga sinasabi niya. Lalo nang ayokong makita ang reaction ni Adrian. This situation is worst than what I've expected. Mabuti nalang at may alak sa harapan ko to comfort me. Nagawa kong balewalain si Rave at inumin ang vodka sa harapan ko. Bottoms up! Hindi ko ito tinigilan, this is the only way for me to escape this crisis. This is the only way para hindi ko marinig ang iba pang sasabihin ni Rave. Wala na akong pakialam ngayon. Nagmukha akong basura sa mata ng ibang tao pero Adrian managed to tame me, inagaw nito ang basong hawak ko and insisted to take me home. End of flashback I didn't notice na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pag-iisip ko. Nagising akong wala na si Adrian at may nakatakip na kumot sa katawan ko. I can't help myself. Naghahalo ang guilt at takot sa puso ko. I know nasaktan ko si Adrian pero bakit napakabait pa rin nito sakin? Niyakap ko ng mahigpit ang unan upang patahimikin ang paghikbi ko. I felt so vulnerable and guilty. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Adrian bukas, paano ako papasok sa companyang pag-aari ng pamilya ex ko? Paano ko magagawang ngumiti sa harapan ng taong minamahal ko? Kung kelan naguumpisa na akong mamuhay ng maayos, kung kelangan sinasanay ko na ang sarili kong magtiwala sa iba at kung kelan bumalik na ang bilib at tiwala ko sa sarili ko. How I am supposed to live in a world na kasama si Rave? Things would always be this complicated dahil hindi ko din kayang nasasaktan si Adrian dahil sakin. "Am I that weak?" I whispered to myself. "Yes." My silent tears turned into muffled sobs. Para akong pinapatay ng guilt na nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Umiiyak ba ako dahil sa kanya o umiiyak ako dahil takot akong masira na naman ang buhay ko? I shook my head. Dahan dahan kong pinunasan ang mga mata ko. Hindi ako pwedeng umiyak, kapag nasaktan ako ibig sabihin noon ay ako ang talo. Hindi naman siya Diyos, he's not that powerful di'ba? Tao lang din naman si'ya. Pero bakit ba takot na takot ako sa kanya? Kapag ba minahal mo ng sobra ang isang tao noon, magkakaroon ka din ba ng takot na possible niyang masira ulit ang buhay na pinaghirapan mong completuhin ngayon? Worst is the possibility na muli kang traydorin ng puso mong tinuruan mo nang huwag tumibok para dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD