Closure 11

1200 Words
MABIGAT ang loob ni Fin habang naglalakad ito ng mag-isa mula sa trabaho. Bagsak ang balikat na napabuntong hininga ito dahil sa dami ng gawain. Nais nitong dumaan saglit sa Convenient Store ng pinsan para humingi ng payo at maglabas ng sama ng loob. Kanina pa kasi nito tinatanong ang kanyang sarili kung bakit iba ang kanyang kutob sa lahat ng nangyayari. Naisip pa ng dalaga na marahil ay dala ito ng pagod sa trabaho o dahil na din sa isang linggo nang pangungulit ng ex-boyfriend niya. Napabuntong hininga na lamang siya ng malalim ng marating ang isang bus stop. Hindi kaya sobra ko lang siyang namimiss? Tanong nito sa sarili. Noong wala pa itong trahabo ay balewala lang naman sa kanya sa tuwing hindi nakakabisita si Adrian dahil sa busy nitong schedule. Minsan nga umaabot pa ng isang linggo na hindi sila nagkikita dahil umaattend ito ng kaliwa't kanang conference at business meetings. Ngunit ibang pangungulila ang nararamdaman niya ngayon. Kahit araw araw niya itong nakakasama sa trabaho. Isang araw palang silang hindi nagkikita ng kasintahan, pakiramdam niya ay isang buwan niya na itong hindi nayayakap o nakakausap. She really miss him. Hinahanap niya ang malambing nitong boses at effort sa tuwing hinahatid siya pauwi. Napangiti nalang si Fin ng matanaw nito ang paparating na bus mula sa di kalayuan. Sa wakas ay may makakausap na din ito tungkol sa kanyang problema. Ngunit napaatras nalang ang dalaga ng humarurot ang isang kulay asul na sports car. Kinilabutan siya nang mapansing papunta ito sa kinaroroonan niya. Not now please, pagod na ako. Hindi siya pinakinggan ng tadhana. Nilagpasan ito ng bus na tumigil malayo sa kinatatayuan niya. Naiwan sa harapan niya ang isang mamahaling kotse. "Babylove." May excitement ang boses na narinig niya bago tuluyang bumaba ang windshield ng sasakyan. Mula dito ay nakita niya ang nakakalokong ngiti mula sa kaharap. Napayukom na lamang si Infinity. Kinamumuhian niya ang boses na iyon. Sawang sawa na siya sa pangungulit nito. Hindi niya ito pinansin at mabilis na naglakad palayo. She knew it. It was Rave! "Can I drive you home?" Nakangiti nitong turan habang sinusundan si Fin. Bilisan man ng dalaga ang paglalakad ay mabilis itong naabutan ng binata dahil lulan ito ng kanyang kotse. "Where's your boyfriend? Don't tell me, you two broke up?" She heard him chuckled na lalong kinainis niya. "Ihahatid na kita. Can you please stop?" Denedma niya ito. Alam niyang kapag pinansin niya ang binata ay mas lalo itong mangungulit. "Sorry, if I'm too persistent. I just want..." She gasped. Inis nitong hinarap si Rave. Pinutol niya ang pagsasalita nito gamit ang masamang tingin. Kung pwede lang sanang matunaw ang binata gamit ang titig niya ay ginawa na nito. "Wala ka bang magawa sa buhay mo? Bakit mo ba sinisira ang buhay ko!" She screamed in frustration. Natahimik si Rave. Nakatitig lang ito kay Infinity. Mata sa mata, abot kamay niya na ang babaeng pinakamamahal niya. Punong puno ng galit ang mga mata ni Infinity habang pag-asa naman ang laman ng titig ni Rave. Minsan na ding natanong ng binata ang tanong na iyon sa kanyang sarili. Isa lamang ang sagot na laman ng puso't isipan niya. "Because I love you and I want your forgiveness." Madiing sambit ni Rave. Hahawakan na sana nito ang kamay ni Fin pero iniwasli ito ng dalaga. "Then please stop. Huwag ka ng bumalik sa buhay ko." Mabilis na sagot ni Fin sa kanya. Ngunit hindi sapat ang mga salitang narinig ni Rave. "Can you reject fate?" "I don't believe in fate, not even in destiny. Tao ang gumagawa ng paraan para sumaya ang buhay nila." malamig na wika ng dalaga. "Then It's my pledge to make you happy. Gusto kong makitang nakangiti ka araw araw." "Nakikiusap ako. Masaya na'ko Rave! Maayos na ang buhay ko! May nagmamahal na sa'kin!" Nanginginig na turan ni Fin habang dinuduro ang dibdib nito. Napapakagat labi ito dahil alam niyang konti nalang ay tutulo na ang luha mula sa kanyang mga mata. Ramdam niya iyon dahil bumibigat na ang mga ito, tila may sariling isip na gustong ilabas ang sakit na nararamdaman niya. Naiiyak siya hindi lamang dahil kay Rave kung hindi dahil kay Adrian. Gusto na nitong magpahinga. Gustong gusto na nitong makita ang comfort zone niya. Binalot silang dalawa ng katahimikan. Tanging hangin lang at busina ng mga sasakyan ang naririnig. Tiim bagang napayuko si Rave. "Inayos ko ang sarili ko to make sure that you'll be happy with me when the moment comes. I did all those shitty jobs just to be successful. I want you to be proud of me Infinity." "You did that for yourself Rave. Hindi mo na kelangang balikan ang isang commoner na tulad ko." malamig na sabi ni Infinity. "Gago ako kung susuko ako sa'yo Infinity. I promised myself to make you mine, to marry you and make you happy." "Sumuko ka na Rave." "I won't waste those five years Infinity." Ramdam ng dalaga na garalgal na ang boses ng nasa harapan nito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Infinity. If this is closure then she will gladly accept it. Kung ito lang ang tanging paraan para matahimik na ang buhay niya. "Do you still love me?" Napalunok si Infinity ng marinig ang tanong na iyon mula kay Rave. Pinilit nitong ngumiti sa binata. Takot man ay dahan dahan nitong inabot ang buhok ni Rave, carefully brushing it backwards. Tulad ng ginagawa niya noong sila'y magkasintahan pa. Nakita niya kung paano namula ang mga mata ni Rave. Kung paano lumalim ang paghinga ng lalaking nasa harap niya. Hindi siya maaring magkamali, sa apat na taon relasyon nila ay kilalang kilala niya na ito. "I have a boyfriend. He's a good man." Kalmado niyang sagot kay Rave. Alam niyang maiintindihan siya nito. Mabuti itong tao at naging isa itong responsableng boyfriend sa kanya noon. Sadyang immature lang sila ng mga oras na 'yon, mapusok at madaling mahulog sa tukso. "That's not the answer. Do you still love me?" hinawakan nito ang mapupulang pisngi ng dalaga. Tila ninanamnam ang malambot nitong balat. Finally, after five long years ay nagawa din ni Rave na mahawakan ng malapitan si Infinity. Sa loob ng binata ay kanyang hinihiling na sana ay hindi na matapos ang gabing iyon. Sana'y maging oo ang sagot ni Infinity para magawa na nitong umpisahan ang plano para sa kinabukasan nila. Sisiguraduhin niyang magiging buhay reyna ito sa piling niya. Gagawin niya ang lahat para huwag na itong umiyak, kung iiyak man ito ay dahil na sa labis na kaligayahan. "Silence means YES." aniya. Hindi na nito napigilan ang kanyang sarili. Sadyang nakaakit ang mala-rosas na labi ng dalaga, pigilan man ay sumisigaw ang puso niyang angkinin ang labi nito. Rave gave Infinity the most passionate kiss he can offer. "Inuulit ko ang tanong ko sa'yo noon, did you feel something?" Seryoso niyang tinitigan ang dalaga. Kabado man pero umaasa si Rave na mahal pa rin siya nito. Napakagat labi lang ang dalaga. Ramdam nito ang mabagal na pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. Hindi niya mawari if it's because of Rave's kiss o dahil nakita niyang napadaan ang sasakyang pagmamay-ari ni Adrian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD