Sorry 4

1285 Words
UNANG titig palang ni Rave ay alam niyang she's the one. She's the love he was searching for a long time, ang babaeng minahal pero sinaktan niya ng lubusan. "Long time no see Infinity." alam niyang he don't have the right to smile at her, but he still tried his best. "I really mi--" She cut him off with her angelic smile. Wala man lang bahid ng sama ng loob ang mukha ng dalaga. Dalisay at punong puno ng determination ang mga mata nito. Nakaramdam ng kakaibang pakiramdam sa loob ng sistema si Rave, tila sasabog na ang puso at buong pagkatao nito dahil sa wakas ay nakaharap niya na ang babaeng matagal niyang hinanap. "Good day Mr. Fierro, I'm Infinity Villegas." pagpapakilala ng dalaga na halos ikabaliw naman ng diwa ni Rave. Her sweet tempting voice covered the whole room, at wala itong kaalam-alam na dahan dahan nang inaalipin ng boses niya ang puso ng lalaking kaharap. He smiled again but this time kinakain na ng kaliwa't kanang tanong ang isipan nito. "I just started working here a week ago. Thank you you much, I feel so blessed dahil sa opportunity na ibinigay sakin ni Sir Alfred." binaling ni Infinity ang mga mata kay Alfred na tahimik lang na nakatayo sa tabi ni Rave. Infinity smiled at him, tipid naman itong sinuklian ni Alfred. Tila himig sa puso ni Rave ang boses ng dalaga. He wanted to ask her so many questions but he knew that this would serve as a test of character for him lalo na't mukhang ibang iba na ito sa dating Infinity na minahal niya. 'Di tulad ng ibang mga babaeng nasaktan niya noon ay hindi na mamon ang puso nito kung kaya't gustuhin niya mang yakapin si Infinity ay alam niyang impossible. Saying a simple sorry is not enough. She survived the pain and wouldn't take risk to face it again. Muli, sa loob ng ilang taon ay muli niyang naramdaman ang kakaibang guilt sa puso niya. Lalo na sa tuwing makikita ang ngiti ng dalaga. "Just call me Fin." Wala ring ideya ang lalaki kung paano tatanggapin ang offer nito for a shake hand. That's why he let the flowers speak for him. Inabot niya ito sa dalaga. She smiled again, ngiting parang hindi man lang nito naaalala kung sino ang lalaking nasa harapan niya. Hindi mapigilang maghintay ni Rave sa reaction ni Infinity. He can't also help himself from looking at her pink lips. He really miss Infinity's smiles and kisses. Will she gave him a smile or say thank you? Napatiim baga na lamang ito ng makitang hinawakan ni Fin ang bouquet ng red roses at mabilis na ibinalik ito sa lalagyang box na nasa kanan niya. Nag mukha tuloy na may dalang virus ang mga bulaklak kaya mabilis na inihiwalay ng dalaga sa katawan nito. Damn! What's wrong with her? What's wrong with the flowers? Nakita nitong nakangiti pa rin ang dalaga. Ang ngiting 'yon. Ang mapupulang labi nitong perpekto ang pagkakalikha. Hindi ba't ibig sabihin ay natuwa man lang siya kahit konti sa flowers? Hindi ba't nakuha naman nito ang kiliti niya? Pero bakit ganun nalang ang ginawa ni Fin? Hindi malaman ni Rave kung mapapakamot siya sa ulo o mababaliw sa kakahula. Hindi niya maisip kung ano ba talagang iniisip ni Fin sa mga oras na ito. It's too hard for him to read her. She's cold as snow. "Sorry Sir but I don't accept flowers lalo na kung hindi galing sa boyfriend ko." Ang mga salitang yun ang naging daan para magbago ang expression ni Infinity. He saw hatred in her eyes. Kahit hindi ito magsalita ay kita na sa lalim ng mga titig neto na kinamumuhian niya ang lalaking kaharap. "Can't you remember me? I'm a better person now." mahinang boses na sabi ni Rave. Kahit pa sabihing nasaktan nito si Infinity ay hinahangad pa ring marinig ni Rave ang papuri mula sa dalaga. He keep on asking himself, hindi ba't dapat ay matuwa rin ito sa mga pinagbago niya? How he matured and manage to make himself this successful? Ngunit mukhang ang pagbabagong 'yun ay hindi sapat para mapatawad siya nito. And he knew na hindi nito kayang alisin lahat ng sakit na naiwan niya noon, alam ni Rave that it was his fault rather. He broke her heart into million pieces and ngayon hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. "I was your..." napatingin siya sa mga petals na nahulog sa sahig. "You're Sir Alfred's brother right? The Director of Raven's Construction Co?" she answered with a cold voice. Muling ibinalik ni Rave ang mga mata sa dalaga pero hindi na ito nakatingin sa kanya. He closed his fist, he's trying to control his temper. Matagal na siyang nagising sa katotohanan. Hindi na nito kelangan pang ipamukha na tapos na silang dalawa. And worst, she's acting like she doesn't know him. "I'm really happy at nagkita tayong muli. You and Sir Alfred used to treat me like a princess during our college days." "Infinity..." Hindi man lang siya nito hinintay na matapos magsalita. Kung may kapangyarihan lang sana siyang gawing bato or bingi lahat ng taong nasa paligid nila ay ginawa niya na. Hindi niya kasi inaasahang magiging ganito ang unang pagkikita nila ni Fin. Nakilala niya ito bilang tahimik, sweet at iyaking babae. Pero not now...Nanginginig lang siya habang nakatitig dito. Para siyang may kaharap na bombang naghihintay na lamang ng ilang segundo bago sumabog. She's unbelievably strong and fragile! "Sayang lang dahil we ended up breaking...parting dahil kinailangan kong magdrop-out." She sighed. So do Rave. "Sorry." maiksing sagot niya sa dalaga. Isang mapait na ngiti lang ang sinukli sa kanya ni Fin. It left him speechless. Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa dibdib sa tinuran nito. Sabagay, sino nga ba siya? Paano ba magiging sapat ang sorry lang di'ba? He's just a part of her past na nagpupumilit makapasok sa present nito. He's just someone who wants to win her back kahit mahirap. "Geez." Sabay na napaigtad ang dalawa nang pareho silang inakbayan ni Alfred, may baon itong pekeng ngiti sa labi habang dinidiin ang pagkaka-akbay nito. "Both of you. Ibig sabihin ba nito we have a reunion? Kung gusto niyo mag-usap nalang tayo sa office ko. Ayts?" he whispered to them dahilan para manahimik ang dalawa. Para silang nabuhusan ng malamig na tubig. "No, it's fine now Sir. Babalik na po ako sa trabaho, I really want to contribute great accomplishments to your company. If you'll excuse me." Kumalas mula sa pagkakaakbay ni Alfred ang dalaga. They left them speechless at wala man lang nagawa si Rave para mas patagalin pa ang oras nito with Fin. She inhaled deeply. Muntik nang makalimutan ni Fin na napapalibutan sila ng mga officemates niya and lahat ng ito ay walang kaalam-alam sa past niya with the Fierro brothers. She calmed herself upon thinking carefully about the situation. Who would have thought that a commoner will be friends with those Billionaires di'ba? Baliw nalang ang taong magsasabing totoo ang mga nakita nila kanina. "You did well Infinity." she said to herself pagkapasok na pagkapasok niya sa rest room. She proudly smiled. She did her best not to freak out. Nagawa pa rin nitong magpanggap na walang epekto ang pagkikita nila ni Rave. She washed her face with water. Hindi nito mapagkakailang uminit ang katawan niya sa eksena kanina. Isa-isa kasing bumabalik sa utak niya ang mga imahe ng mga nangyari noon sa pagitan nilang dalawa ni Rave. Ang mapupusok nilang mga gawain at kung paano nasira ang mga pangarap nila dahil sa pagiging makasarili ni Rave. Napabuntong hininga ito. She managed to control a disaster. Job well done Infinity!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD