"HINDI mo naman sinabi sa'kin Fin na kilala mo pala ang President and the oh-so-yummy brother s***h Director. Hihihi. Big time ka pala besh!" ngiting pusa sa kanyang nakaharap si Axel. Kanina pa ito nagsasalita about what happened at kahit pa sagutin ni Infinity ang lahat ng tanong nito ay nasusundan na naman ng panibago.
"Wala yun. I'm just a nobody kaya hindi na dapat ikwento. Nakakahiya." humarap muli ito sa desktop niya. Napakarami pang tambak na trabaho kaya wala siyang panahon para pag-aksayahan ng oras na ikwento ang past niya.
The more she talk, the more she tell lies. Hindi naman pwedeng sagutin nito ng purong katotohanan si Axel dahil first of all, she doesn't trust her. Ilang araw palang silang magkakilala pero gusto na nitong malaman halos lahat tungkol sa buhay niya.
She manage to ignore her by being busy pero hindi pa rin natigil ang kwento ng katrabaho.
"Kanina when I served them coffee, it was so satisfying! Alam mo ba tumitig silang dalawa sakin, gosh pakiramdam ko naglago bigla ang panty ko!" tinapik siya nito sa balikat na ikinagulat niya.
"Tapos nung nakita kong masaya silang nag uusap na dalawa. Gosh! Boses palang nila nasa heaven na ako. Pwede na akong mamatay sa sarap nilang dalawa."
Napabuntong hininga si Infinity. She really admired them so much, she's the exact opposite of her.
"Suicidal Maniac!" sigaw ni Valerie. Ang tahimik at seryoso nilang katrabaho.
"Yun lang ba talaga ang naisip mo Axel o baka naman sa isip mo nag three---"
Isang malakas na sapok ang narinig ni Fin. Napailing nalang ito saka nagtawanang lahat ng nasa loob ng silid. Nagreklamo naman agad si Dee sa sapok na natanggap mula kay Axel.
It's confirmed. Mga baliw talaga sila.
Di nagtagal ay nawala na din ang excitement ng paligid at nagsibalikan na silang lahat sa trabaho. Gustuhin mang magpahinga ni Fin ay hindi nito magawa. She needs to be busy, she can't afford to have an idle time. Konting pahinga lang ay pwede ng gumawa ng paraan para muli nitong maisip ang nangyari kanina.
"Hello! This is Infinity Grace Villegas of Affinity Co. How may I help you?" Malumanay nitong sagot sa telepono.
Lihim itong napabuntong hininga, akala niya ay makakapagpahinga na siya sa pagsasalita dahil kanina lamang ay nagtawag na ito regarding collections.
"How are you my Infinity?" Napaawang ang mapupulang labi nito ng makilala kung sino ang nasa kabilang linya.
It was a deep, handsome, manly voice. Kung dati nagbibigay kulay ang boses na ito sa buhay niya ngayon ay nakakapanghina na ito ng loob.
Hindi umimik ang dalaga.
"How's the ice cream cake? Nagustuhan mo ba?"
Parang biglang sumakit ang lalamunan niya sa narinig. Hindi siya nakatanggi kanina ng inalok ito ng ice cream cake ng mga kasama. Napangiti pa nga siya ng mapansing favorite flavor niya ang hugis pusong cake na nasa harapan.
"Sorry, mali po ata kayo ng tinatawagan." Mabilis na wika niya dito. Akmang ibababa na sana nito ang telepono ng makitang inoobserbahan pala siya ng team leader nila.
Pinilit niyang ngumiti at magsalita. Double na ang pressure na nararamdaman nito. "How are you sir? I hope you're doing fine. Maraming salamat po pala for informing us regarding the available collection. Can I ask for the schedule?"
Saglit na natigilan ang dalaga ng marinig ang mahinang tawa mula kay Rave. "I just want you to know na wala akong balak pakawalan ang opportunity na'to. I promise, I'll win you back."
Hindi maintindihan ni Fin ang panginginig na nararamdaman nito. Ngayon niya lang muling naramdaman ang ganitong kaba at nerbyos.
"Thank you sir." Maiksing sagot nito. She's trying to maintain her composure gamit ang maiksing sagot. Ang totoo ay kinakabahan siya, parang sasabog ang puso niya sa kaba.
"s**t! Don't say thank you. I miss hearing you say I love you. Will you answer me back kapag sinabi ko sa'yong I still love you?" Hindi na nito napigilan ang sariling huwag ibaba ang telepono.
Alam nito sa kanyang sarili that he's a liar. Kahit malaki na ang pinagbago nito ay isa pa rin itong manloloko.
Napatingala na lamang siya sa kisame, sinusubukan niyang pigilin ang nangingilid na luha at paninikip ng dibdib.
He's lying Infinity. He's playing with your emotions.
9:00 in the evening - -
Imbes na magpasundo kay Adrian ay mas minabuti niyang maglakad lakad muna hanggang sa lumampas ito sa maingay na parte ng syudad. Tahimik na kapaligiran at ang malamig na hangin na lamang ang dumadampi sa balat niya. Wala na ang mga taong naguunahan para makaayat ng MRT at mga workers na nagmamadaling umuwi.
Gusto niyang maghanap ng isang coffee shop na may matapang at nakakagising kaluluwang kape para mawala ang kahibangang pumasok sa isipan niya. Pwede na din ang milktea, aniya habang nag iisip.
She's still confused about her honesty, baka kasi mas magandang piliin nalang nito na itago muna ang nangyari kanina to avoid him from worrying. Will she tell Adrian na nagkita sila ng kanyang ex? Paano kung bigla siya nitong sabihan na magresign?
Aalis ba siya sa bagong trabaho kahit na kelangang kelangan ito ng pamilya niya to survive dahil lang sa maguudyok ito para magkita sila palagi ni Rave?
She needs her job.
She's the breadwinner.
She loves Adrian so much.
"You!" napalingon siya ng marinig ang boses ng isang lalaki sa di kalayuan. It was firm and manly at the same time.
She saw the guy standing at hindi siya nagkakamali kung sino ang kasama nito.
It's Axel.
Medyo madilim man sa sulok na iyon ay aninag niyang nakangiti ang katrabaho while he is pinning her against the wall.
Napailing nalang si Infinity sa kanyang sarili.
You're hopeless Axel. Napakadami namang murang motel dito, bakit sa eskinita pa. Hindi makapaniwala si Infinity kung gaano ka-wild ang bagong katrabaho niya.
Di nagtagal ay narinig niya ang hagikgik mula sa kaibigan. She envelope her arms around the guy's neck at nilapit ang sarili nito. "Do you like me to kiss you more Sir Fierro?"
Tila nagyelo ang buong paligid ng marinig ni Fin ang salitang Sir Fierro. Sino kaya ang kasama ni Axel? Are they making out? Tanong ni Fin sa sarili.
She shook her head to erase the thoughts. She can even feel her heart breaking apart while looking at the cup of her coffee. Mas lalong nagising ang dugo niya sa aromang taglay nito.
Hindi siya makapaniwala sa nakita. It was really Axel and with the body built and height ay possibleng si Rave ang kasama nito. Hindi siya maaring magkamali. Hindi man niya nakita ang mukha ni Rave ay alam niyang siya ang lalaking ka-make out ng katrabaho.
They're hopeless.
"Hays. Ang swerte mo naman pala besh." yan ang sinabi sa kanya ni Axel kanina habang nakatulala at hindi sinasagot ang tawag ng client nito.
Siya swerte?
Tahimik na buhay lamang ang macoconsider ni Infinity para masabing swerte ang buhay niya. Maybe kung ipinanganak siyang mayaman at hindi naranasang masaktan ng minamahal ay swerte na ding matuturing 'yon. Yung tipong mahal ka ng taong gusto mo kaya ginagawa niya ang lahat para hindi ka masaktan. Yung tipong kaya kang pangalagaan sa paraang sa tingin niya ay tama at hindi ka nalang basta basta ipagpapalit.
Sabi nga nila nabibili na daw kahit pagmamahal. Kaya kung mayaman ka, siguradong kayang kaya mong bilhin lahat ng taong gusto mong manatili sa tabi mo. Hindi ka magugutom, hindi ka maghihirap, di ka rin mag-iisa, dahil may pera ka na pambili ng makakasama mo sa buhay.
"You're friends with the Fierros. Si Baby Rave, he's a billionaire and a cop. Kaibigan ka ng hot bachelor na kayang gawing reyna ang sino mang babaeng magustuhan nito. His company earns billions in one month. Maliban din sa policeman ito ay nagkalat pa ang mga investments niya. You're so lucky. Kung ako sa'yo nilandi mo siya noong college days niyo, ang hina mo girl!"
Kitang kita niya ang inggit sa mga mata ni Axel kanina. How her eyes wish na sana siya nalang si Fin. Naglaho ang pagiging jolly nito to the point na parang nahihibang na ito sa frustration. Hindi maiwasang mainis ni Fin sa mga nangyari kanina.
"Nag isip ka talaga ng plano Axel." she told herself bitterly. Muling nag flashback sa isipan nito ang mga nakita sa sidewalk. She was convinced na nahigitan ni Axel ang expectations niya.
"Hindi mo alam kung anong gulo ang pinasok mo. He's not a perfect man. He's a damn cassanova."
Kung alam lang sana nila ang nangyari. Kung alam lang sana ni Axel kung gaano kasakit malaman na ex siya nang nilalandi nito.
Paano kaya kapag nalaman nilang the most admirable man in the city ay isang walang kwentang lalaking nagawang saktan ang dating ex girlfriend? May maniniwala kaya sa kanya? Kung alam lang sana nila that...
Loving Rave isn't that easy.
Forgetting him isn't that easy too.