Shift 3

1572 Words
COMPRESSED schedule - 8am to 6:30pm, Monday to Friday. Day off is Saturday and Sunday. Napangiti ang dalaga sa bago nitong schedule, kahit sabihing gabi na ang uwi nito araw araw ay tuwang tuwa pa rin ang dalaga dahil nadagdagan ang araw ng pahinga niya. Maliban dito makakapagfocus siya sa trabaho dahil the ambiance is quiet and peaceful kapag nakauwi na karamihan ng nasa loob ng opisina. Minabuti ni Fin magpahatid ng maaga sa boyfriend para mabigyan ito ng mahabang oras para makapagpahinga. Day off ng binata but she managed to please him na dumaan muna sila sa convenient store na pagmamay-ari nang pinsang si Erin. Balak niyang bumili ng snacks and coke panlaban sa antok na possibleng kakaharapin sa mahabang schedule sa trabaho, kahit sabihin pang malakas ang immune system niya ay hindi pa rin totally comfortable ang katawan nito sa sunod sunod na puyat dala ng overtime. "So araw araw ka na bang dadaan dito para bumili ng snacks?" nakangiti ang pinsan habang isa isang nilalagay sa eco bag ang mga pinamili ni Fin. Nagpacute pa ang pinsan habang nakatayo sa Cashier's Area. She stares and pose like a model, sa height na 5'5 at bouncy curly hair nito ay makikitang di rin papatalo ang ganda ng pinsan. Sa pamilya Villegas ay tinatawag siyang Living Barbie. "Yup. Bibili pa ba ako sa iba e, nandito naman ang negosyo mo." Fin answered her sabay kuha nang bag na may lamang mga pagkain. She only have an hour left bago magumpisa ang shift niya, napahikab na din ang nobyong nasa tabi. "You never failed to support me." kita sa mga mata ng pinsan ang tuwa nito sa pinapakita ni Fin. Siya lang kasi sa kanilang lahat ang mas piniling magpatayo ng sariling business imbes na maghanap ng trabaho. She never dreamed to have an employer or boss, mas gusto nitong magtrabaho para sa sarili kesa sa ibang tao. "Kahit may trabaho at boyfriend ka na." napansin ni Fin na nakatingin ang pinsan sa boyfriend. Sinapak niya si Erin nang makita niyang napakindat ito kay Adrian. "Psh. Magboyfriend ka na rin kasi. Bitawan mo na ang pagiging NBSB, twenty four ka na o. Tatanda kang dalaga niyan." bakit kasi may mga taong napakachoosy pagdating sa mamahalin nila. Yung tipong standards muna bago puso ang pinapairal. "Magpapayaman muna ako. Okay?" she showed her a money sign. "Naku naman, aanhin mo naman ang pera kung walang magmamahal at mag-aalaga sa'yo?" kunot noo na sabi ni Fin. Nagkibit balikat lang ang pinsan. Ngumiti lang ito. "Do whatever you want. I'll go to work then." Kung tutuusin nga mas successful pa sa kanya ang pinsan, may sarili na itong 24/7 convenient store at mayron nang sariling kita. She deserve to have someone who will love her and take care for her. Sayang kung tatandang dalaga si Erin, yan nalang ang nasabi ni Fin dala ng paghihinayang. Hindi lingid sa kaalaman ni Infinity na antok na antok na si Adrian at pinipilit nalang nitong labanan ang tawag ng pahinga para lamang mahatid siya, kaya mabilis ng nagpahatid si Fin sa office. She didn't bothered him to accompany her papunta sa 8th floor dahil sa takot na baka abutin pa ito ng antok sa daan. Uso pa naman ang vehicular accidents na lasing or inaantok ang involved. "Your too early today." bungad ng team leader ng grupong napasukan niya. Ngumiti lang siya dito at nilapag na ang dala-dala sa assigned desktop. "Kelangan e. Ayoko namang madisappoint ang employer natin. I want to be like you na pumapasok ng 5am sa trabaho." She heard him smirked at napakamot pa ito sa ulo. Nabalot ng halimuyak ng kape ang paligid. Alam naman ni Fin na ang reason kaya maagang pumapasok ang Team Leader nila ay para iwasan ang misis nito. Hindi niya nga lang sinabi ang dahilan kung bakit. Nilapag na lamang ni Fin sa harapan ng cubicle ang Coke at Nova bilang konsumo niya. "What's that besh, panlaban sa antok?" napalingon siya dala ng biglaang pagtapik sa balikat nito. Napatango nalang siya. Siya ang unang naging kaibigan ni Fin sa grupong ito, she's Axel. Liberated at mahilig sa lollipop. "Ikaw lang ang nagdadala ng pagkain dito. Your weird." Nakatanggap siya ng malutong na smirk mula sa kaharap. Ginulo ni Axel ang buhok niya. "Gusto mo bang malaman kung anong panlaban ko sa antok?" gumagalaw ang magkabilang kilay ni Axel habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Kita ang konting blush sa cheeks nito habang nagkwekwento. Magsasalita palang sana ito pero tinakpan ng kamay ng team leader nila ang bibig niya. "Energizer kasi niyan ang younger brother ng director natin." he winked at me. Ngayon alam ko na kung bakit siya namumula. Hmm. Sino kaya sa kanilang magkakapatid? Apat kasi silang lalaki, ang alam ko may tatlo pang mas nakababata sa panganay na si Alfred at kasama na si Rave doon. Mahigpit na ang pagkakahawak ni Axel sa mga braso ng team leader nila. "Isang beses palang siyang nakita nitong besh mo pero ilang libong beses na ata niyang pinagpantasyahan. Baka nga kinasal na sila sa panaginip niya eh." Fin laugh at them. Sadyang makukulit ang mga kasamahan niya kahit medyo seryoso kapag working hours na. Sa tingin niya ay ipinanganak ang mga ito para magsilbing ice breaker ng grupo nila. "How dare you Dee!" nang-gagalaiting sumigaw si Axel. Tawang tawa siya dahil wala itong pakialam kahit unti-unti nang dumarating ang iba pa nilang mga kasamahan. Hindi naman mapakali sa pagkakaupo si Fin dahil napapagitnaan siya ng dalawa. Hindi niya tuloy maisip kung sinong papakinggan niya. "Look at this! Sabihin mo sakin kung hindi totoo ang sinasabi ko Infinity. She's obsessed with him. He's the only person she thinks and talks about." iniharap ni Dee ang phone ni Axel sa kanya. Fin's heart skips a beat just by looking at the wallpaper. Hindi siya pwedeng magkamali kung sino ang lalaking kinahihibangan ng kasamahan niya. Si Rave. "Ito palang ang pangalawang beses na bibisita ang kapatid ng Director dito. I wondered why, may urgent kaya?" Namula ang pisngi ni Fin. Bibisita? Urgent? Hindi kaya siya ang urgent na yun? Impossible, it's been five years. Siguradong nakamove on na si Rave. Siguradong may girlfriend na din ang lalaking nanakit sa kanya. She managed to focus on her work kahit pre-occupied siya ng possibility na pwede silang magkita ni Rave. Parang wala na din atang epekto ang coke na iniinom niya. Ilang beses din siyang napabuntong hininga dala ang imahe ni Rave sa wallpaper. Nakauniporme ito ng pang-police and matured na itong tingnan. It seems like his eyes were staring at her kahit sabihing picture palang ang nasa harapan niya. It's really awkward and scary at the same time. Paano pa kaya kung nasa harapan niya na ito? Magagawa niya pa kayang huminga? [Fin's POV] I'm in danger. Kelangan kong makauwi bago pa sila dumating dito ng kuya niya. Hindi kami pwedeng magkita. But I'll end up being the loser then... Hindi din naman maiiwasang magkrus ang landas namin dahil nandito ang kuya niya. I'm working with their company at pera nila ang nagpapasahod sakin. Ibang mundo na ginagalawan namin ngayon. So I should act like there's nothing wrong with it. I should act like it doesn't affect me at all. I should smile like I don't care. Wala na siya sa buhay ko kaya there's nothing to worry. Tama tama... Kung ano mang sasabihin at gagawin niya, I'll just pretend na hindi ko ito narinig. Yeah. That's right. Be numb Infinity. Be deaf. Be blind. "Oh my gee! Guys! They're here na!" Kapag nakikita kong nagdadabog at sumisigaw si Axel ng ganito, nawawala ang pagiging astig and cool niya. Nagmumukha kasi siyang fan ng isang sikat na artista. Kung bakit ba kasi siya fan ng ex-boyfriend ko. "TL? Can I excuse myself for a while? I need to pee." Nagmamadali akong tumakbo papunta sa comfort room. Dinig ko kung paano tumahimik ang lahat at napalitan ng greetings and joyful voices ang nasa labas. Hindi ko nga lang madistinguish kung kaninong boses ang naririnig ko. Is it from Alfred or from Rave? Pareho kasing barako ang boses ng dalawa, those voice na groan palang parang hinuhubaran at nilulunod ka na sa charm nila. Nag-iiba nga naman ang boses ng tao pagkalipas nang ilang taon, kaya siguro hindi ko na rin matandaan ang boses niya. Ilang taon din siyang nagsilbing ala-ala nalang sa buhay ko at buong akala ko nga nagpakalayo-layo na siya pagkatapos ng mangyari. Wala naman akong ginawa kundi mahalin at alagaan siya noon. I did everything to please him and to make him feel that I really want him in my life. Pero naisip ko nalang after what he did. Life is just a tale of lies and agony, he never loved me like the way I did. Rave means pain to me. Ayoko nang masaktan kaya minabuti kong kalimutan siya noon. Rave is just Rave to me now, ex-boyfriend ko siya at wala ng iba. "Where's Infinity?" boses ni Alfred yun or shall we say Sir Alfred. I know this is the right time. Magkikita na kaming dalawa. I maintained a smile nang lumabas ako ng comfort room. Hawak ko pa ang tissue nang maglakad ako papunta sa harapan nilang magkapatid. I got dumped for a second ng makita ko siya nang harap-harapan. Ibang-iba na talaga siya ngayon. Hindi na siya ang dating Rave na nakilala ko. "Long time no see Infinity."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD