Instant 6

1949 Words
"TELL me, my Infinity. Do you feel something?" Biglang trinaydor ng pagkakataon si Fin. She's between Rave's arms in front of this 6ft rack at hindi niya lubos maisip kung paano siya napunta sa pagkakataong iyon. All she know ay maaga siyang pumasok sa trabaho and kumuha siya ng maligamgam na tubig sa water dispenser as a relief sa namamaos niyang boses. She inhaled. "Hindi mo na ba ako naalala? Ako 'to si Rave, ang babylove mo. Please answer me, bumibilis pa ba ang t***k ng puso mo?" mas inilapit ni Rave ang pagmumukha nito kay Fin. Tuwang tuwa ito, he's glad to see Fin's reaction. Ibang kiliti ang nararamdaman niya sa bawat pagpikit ng mga mata nito at dahan dahang pag-atras. Alam niyang konting lapit nalang ay mahahalikan niya na ang dalaga. Isang hakbang nalang ay mayayakap niya na itong muli. Pinipigil nga lang niya ang sarili dahil nasa tamang katinuan pa siya para maisip na hindi pa ito maari sa ngayon. "I miss you so much." kuno't noo siyang tinitigan ni Fin. He secretly groaned, those eyes were ecstasy. Kahit ang pormang "V" sa noo ng dalaga ay blessing para sa kanya. "Stop it Rave." Saway ng dalaga. Umarte namang walang narinig si Rave. He know he can't stop her. Alam niyang physically present ang dalaga pero mentally owned ito sa ngayon ng kinikilalang boyfriend. Isa lang naman ang gusto ni Rave, ang masiguradong natatandaan pa rin ni Fin ang past nila. "I still love you Infinity." "Stop it Rave. I don't know what you are talking about. We're just schoolmates, friends, wala ng iba." Nagpakawala si Rave ng malutong na tawa ng mapansin ang pamumula ni Fin. It's confirmed, affected pa rin ito ng presence niya. "I really want you back. I want us like this, gustong gusto kong kinukulong ka sa bisig ko." "Rave. Stop!" ani ni Fin. Malamig ang panahon pero parang ang init, naguunahan pa ang kabog ng dibdib at mga pumapasok sa isipan ni Fin. Bumabalik sa isipan niya ang mga nakita ng nakaraang araw, hindi pa rin nagbabago ang ex-boyfriend. Alam niyang maloko si Rave pero bakit mukhang mas naging pilyo ito pagkatapos ng ilang taong wala silang communication. Hindi ba dapat he'll feel awkward? Di'ba dapat makaramdam ito ng hiya? "I've been having sleepless and tireless nights simula nang makita kita. Kaya napag-isipan kong bisitahin ka." natawa si Rave sa tinuran. Pakiramdam niya nagiging corny na siya sa mga pinagsasabi. "Stop it Rave." hindi na mabilang ni Fin kung ilang beses na niyang nasabi ang salitang stop. Naisip niya nalang tuloy ang naiwang trabaho sa labas. Kinakabahan ito na baka may biglang maghanap sa kanyang katrabaho at mahuli sila sa ganitong posisyon ni Rave. Mapagkamalan pa silang nagmamake-out sa likod ng rack. Tsk. "I really want to see you. Namimiss ko ang Infinity ko." kuno't noo niyang tinitigan si Rave. Wala siyang balak kausapin ito, 'pagkat sumpa na para sa dalaga na magkalapit ang mundo nila. Pakiramdam niya lumalala pa ito dahil habang tumatagal ay mas nagiging kasuklam sulam ang bawat araw na magkrukrus ang landas nila. Sinubukan niyang umabante pero napigilan ito ng katawan ni Rave. Mahirap talagang bangain ang isang higante. Alam niya mahirap tumakas mula dito. "May binili nga pala ako para sa'yo." Sumibol sa labi ni Rave ang mala-batang ngiti. Winagayway pa nito ang hawak-hawak para ipakita sa kanya. "Do you still collect teddy bears? Anong kulay nalang ba ang wala sa collection mo?" dagdag pa nito habang pinipilit ipahawak kay Fin ang hawak na maliit na blue teddy bear. "Next time magdadala ako ng marami para mapuno na natin ang dream cabinet mo noong college. How is it na nga pala?" "Why are you doing this Rave?" she raised an eyebrow on him. She never thought na naalala pa pala ni Rave ang dati niyang nakahiligan noong mag nobyo pa silang dalawa. Fin loves collecting teddy bear since elementary days, high-school hanggang tumuntong ito ng college. Simula nga noong naging mag nobyo sila ay mas dumami ang teddy bears niya dahil sa regalo ni Rave sa tuwing monthsary nila. Halos mapuno na nga ang cabinet na pinanlalagyan niya. Nakaramdam siya ng inis dahil pinaalala pa ito sa kanya ni Rave. Imbes na makabawi ay mukhang mas bumaba pa ang chance na maging magkaibigan silang dalawa ulit. "Sinunog ko na lahat ng teddy bears ko." may inis niyang sabi. "Isa pa may boyfriend na ako. He's also working in this company kaya hindi ko na kelangan ng teddy bears." Tiim bagang niyang sagot habang nakayuko pa rin. Takot siyang tumingala dahil alam niyang konti nalang at magtatama na ang mukha nila ni Rave. Asar! Sinadya ata talagang ipaalala sa kanya ni Rave ang nangyari noon. Kung paano niya sinunog ang mga teddy bear na collection niya. How she regret loving and trusting this man before. Kung paano nawala sa kanya ang iniingatang collection dahil lang sa sinaktan siya nito. "Tss. You did that because you hate me right?" She never looked up to him, nagawa niya ring iwasli ang inaabot nito sa kanya. "I'll do everything para mapasayo ang teddy bear na'to." Unti unti na siyang nakakaramdam ng inis kay Rave. Habang patuloy pa rin si Rave sa ginagawa, nakapamulsa na ang isang kamay nito. "Do you love him? Are you happy?" nagmumukha pa ring prisoner nito si Fin, gustuhin mang umalis but she can't. The air's getting toxic already dahil sa mga tinatanong sa kanya ni Rave. Who is he to ask kung masaya ba siya sa current relationship niya? "Masaya kami. I love Adrian..." Nagpakawala ng sarkastikong tawa si Rave. "But not as much as you love me. Right?" "Hindi na kita mahal." Fin fiercely said while biting her lips. "You're lying, how can you explain this?" inabot nito ang labi niya, sinubukan itong iwasan ni Fin but still he keeps on tracing her lips using his thumb. "Why are you biting your lips? Your lying right?" "Tigilan mo ako Rave." tumingala siya rito. "Ang tagal na 'nun. Nakapag move on na ako!" marahas siyang napabuga ng hangin at nanginginig na hinawakan ang mukha. She's about to break! "Then I didn't. Hindi ka nawala sa isip at puso ko." he said habang ilang centimetro nalang ang layo ng mga labi nilang dalawa. "Why are you saying these non-sense Rave? Wala ka bang trip?" Naramdaman niya ang paglapit lalo nito sa kanya. Gosh! Gusto na siyang itulak palayo ni Fin, hindi na talaga maganda ang nangyayari para sa kanya. This is dangerous. "Anong nararamdaman mo kapag ganito ako kalapit sayo?" may pag-asa niyang sabi. "Wala." "Your shivering. Look at me." inabot ni Rave ang baba niya para iharap ito. "Paano kung halikan kita?" napaatras si Fin, hinawakan siya nito sa braso. Fin panicked. Pero huli na ito para pigilin ang mga labi ni Rave. It was just a sweet smack pero parang naging impyerno ang mundong pasan-pasan ni Fin. "Wala ka bang naramdaman?" "Gawin mo pa 'yon and I'll file a case against you." natutop niya ang bibig at tila nawalan ng kulay ang buong mukha. Gusto niyang sampalin si Rave. Gusto niyang sumigaw pero alam niyang hindi pwede dahil baka may makarinig sa kanila. Wala siyang balak gumawa ng eksena. "Gusto ko ngang gawin ulit pero...Baka mahimatay ka na sa sarap." "That's the most stupid thing na narinig ko mula sa'yo Rave." napasinghal si Fin. "Paano ako masasarapan? Lahat naman ng babae natikman na 'yang halik mo di'ba? Your everyone's man." "To tell you honestly. I've been alone, I never kiss anyone simula nang mawala ka. I never touch anyone dahil gusto ko ikaw lang." itinikom nito ang bibig at pinag-isipan ng mabuti ang mga sinabi nito. She took a long, deep breath. "Now you're lying." "Kapag ba sinabi kong BE MINE, magiging akin ka uli? Kapag ba sinabi kong nagsinungaling ako, magiging masaya ka? I'm telling you the truth." Kumabog ang dibdib niya sa di maipaliwanag na dahilan. Kung totoong nagsasabi ng totoo si Rave, e di sana hindi ito nagiging ganito ka-harsh sa kanya. He should have set her free and let her be happy. Dapat tinanggap na nitong matagal na silang tapos. "Truth?" pasimpleng tanong niya. Muling sumibol ang ngiti sa labi ni Rave. "Yes truth. And I'm also not lying about winning you back. Kahit pa paghiwalayin ko kayo nang mukhang ipis mong boyfriend. Gagawin ko." Fin knew that Rave is not lying. Pinipilit lang nitong huwag maniwala. Ipinanganak itong may nakahandang business mula sa kanyang ama pero nagawa niya itong ipagpalit noon para lamang masamahan siya sa college. He even gave up Criminology, just to have her. Si Rave ang tipo ng taong sinusunod ang desisyon niya, mayron siyang paninindigan. "Nababaliw ka na Rave." And when he say he wants you. He really did. At gagawin niya ang lahat, even move mountains just to win it back. "Oo baliw ako! Baliw na baliw sa'yo." napalakas ang boses ni Rave. Alam ni Fin na may nakarinig na nito dahil may boses ng tumatawag sa kanya sa likod ng rack. Baka naisip na ng mga kasamang nalunod na siya sa water dispenser. "Let's just stop this. May trabaho pa ako sa labas, so please let me go. Ayoko nang makulong pa ulit sa bisig mo. I hate your broad shoulder, your scent, your eyes, your voice. I hate everything about you." ** "How's work? Okay lang ba ang mga kasamahan mo? Kung hindi pagsasabihan ko sila." May parang lambing na boses ni Adrian. Saglit pa itong ngumiti sa kanya pagkatapos inabot ang kamay nito para hawakan. Nakiusap siya kay Adrian na samahan muna siya dahil biglang sumama ang pakiramdam niya. Pareho tuloy silang half day sa trabaho. Gusto niyang makasama ito kahit ngayong araw lang. "Okay lang, it's just that..." Pumikit siya. Rumihestro sa isip niya lahat ng nangyari. Si Rave at ang naging sagutan nila, ang maliit na blue teddy na patago ata nitong iipinasok sa bulsa ng blouse niya. Bumabalik sa isipan niya kung gaano ito kadesididong makuha siya ulit. "Hmm." "Konti nalang ang oras natin para makapagbonding and date. Ayoko namang magsilbi agony mo, dahil tuloy sakin mababawasan pa ang sahod mo. I'm sorry." mariin siyang napamulat at umiling. Gusto na niyang kalimutan iyon. Tama na ang naranasan niya with Rave. She have to move on and forget everything he said. Marami siyang suliranin ngayon at hindi niya kelangan alalahanin ang mapait nilang nakaraan. "Pero responsibilidad kong mapasaya ka araw-araw. At alam mo namang smile mo ang stress reliever ko Fin." Tumayo na ito para ipaghanda siya ng pagkain. Nagawa pa nitong magmano sa mga magulang niya at magpaalam para alagaan muna siya kanina. Hindi din alam ni Fin kung bakit bigla siyang nilagnat, marahil ay dahil sa stress. "I love you so much babe." napangiti nalang si Fin habang pinagmamasdan ang ginagawan ni Adrian. Napakaswerte niya dito. Sobrang swerte niya dahil mahal na mahal siya ni Adrian. "I love you more. Sabihin mo lang kapag nahihirapan ka ha. Hahanap nalang tayo ng ibang trabaho. I can ask my Dad to help us." Naupo sa harapan niya si Adrian. Nawala ang ngiti nito at tila napalitan ng pag-aalala. Nilapag na nito ang mainit na champorado at fried chicken. "Don't worry. Nanibago lang siguro ako. Hehehe. Alam mo namang matibay ang girlfriend mo di'ba? Tsaka mababait naman silang lahat sakin." "Mabuti naman. Alam naman ng lahat na girlfriend kita. They know how much I love you." Ngumiti silang dalawa sa isa't isa. Sa loob loob ni Fin ay nakaramdam ito ng guilt, hindi niya kayang masaktan si Adrian. Ngunit sa isip ng dalaga ay hindi pa ito ang tamang timing para sabihin niya ang lahat tungkol kay Rave.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD