"I can still remember the first time I heard your voice, parang hum lang 'yong ginawa mo. No, hindi ko nga alam kung it should be considered as a song or hum lang but it was beautiful Fin. Just like you, you're so beautiful."
Napatingin na lamang si Fin kay Adrian. He said it right, never pa nitong narinig na kumanta siya simula ng magkakilala sila at maging magnobyo. All he heard is a simple hum and simpleng pagsabay ng himig nito sa musika. Walang lyrics at walang effort.
The memories of being a choir member since grade school sucks for Infinity. Maging ang pagiging member ng school band ay ibinaon niya na rin sa limot. No gigs and no more songs for her to sing.
Pinapaalala lamang nito ang mga kantang hinahanda niya sa tuwing monthsary nila ni Rave. How she put so much effort to select the perfect song and sing it perfectly in front of him. She can remember his smiles who seemed so pure at ang tuwa sa mga mata nito sa tuwing sinasabihan siyang kumanta ng additional songs.
She never failed to grant his wishes, minsan niya na rin itong kinantahan sa isang gig niya ang binata.
Pero lahat ng bagay ay may hangganan. Lahat ng bagay ay maaring bigyan ng katapusan kapag ginusto.
Amazing di'ba? From the name Infinity which means walang hanggan, she cut up the rhythm and songs in her heart. Nawalan siya ng passion until she removed music in her soul.
The wound she got wasn't healed by the five years of being alone. Hindi na rin ito kinulit ni Adrian tungkol sa takot nitong kumanta. Alam niyang she'll be upset kapag pinipilit na humawak ng microphone.
[Fin's POV]
"Kelangan ba talaga nating pumunta dito?" Mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Adrian. Pinipilit ko siya kaninang huwag muna kaming pumasok pero hindi ko mapigil ang saya niya to attend this party.
Tiningnan ko ulit yung ticket na ibinigay samin sa office kanina, may nakalagay itong sponsored by Crave Fierro.
Sobrang tuwa ng lahat ng nakatanggap. Ako lang ata ang hindi masaya.
Sabi ng supervisor namin ay regalo daw ito dahil sa newly awarded billion-worth project sa companies ng dalawang magkapatid. It's such a blessing, blessing nga ba para sakin?
Tahimik lang akong nakaupo sa couch. Ano bang pumasok sa isipan niya at gumawa siya ng ganitong klaseng event or mas bagay ata ang party. Wala na talaga siyang magawa sa buhay niya. Wala talaga siyang pinagbago.
"Ibang klase ka talaga." Mahinang sabi ko sa hangin sabay tipid na uminom ng four seasons sa harapan ko.
Nagawa niya pang i-declare na non working ang araw na ito para makapag handa ang lahat sa party. Black lang naman ang dominant color sa party niya eh kaya hindi kelangang paghandaan. Nagmukhang Gothic lahat ng nasa loob ng room.
"Nakakahiya naman kasi kung hindi tayo aattend Fin. Mr. Crave even gave us a holiday dahil sa party na ito. We should thank him for the rest day, di'ba? We can spend the night together."
"Ahh. Oo. Kelangan nating mag thank you." mapait akong ngumiti kay Adrian.
Kelangan ko bang mag thank you dahil gumawa na naman siya ng paraan para magkita kami? Maybe not, kasama ko naman ang boyfriend dito sa party na'to kaya I think I'm safe.
8 hours ago
It's still 1pm pero maaga na akong sinundo ni Adrian mula sa bahay para hindi daw kami malate sa party dahil sa traffic.
"Gwapo ba?" ngumiti ito sakin sabay bukas ng pinto ng kanyang kotse.
I showed him a thumbs up. "You're the most handsome man in the world. Baka mamaya matunaw ka sa titig ng mga officemates natin ha." panunukso ko sa kanya. Hindi halatang pinaghandaan niya ang party dahil sa bago nitong black tuxedo. Lalong umangat ang kagwapuhan ng boyfriend ko, bagay na bagay din ang suot nito sa height niyang 5'8.
Habang ako, heto nakasuot lang ng pangkaraniwang black polo shirt and white skirt. Simpleng face powder at lipstick.
Papasok na sana ako sa kotse ng pinigilan ako ni Adrian. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa ginawa niya.
"Teka. Ayoko namang pumunta ang girlfriend ko ng simple ang suot. We need to buy you a dress." aniya.
"Bakit panget ba ako ngayon sa paningin mo?" tinaasan ko siya ng kilay. "May mali ba sakin?"
Umiling lang si Adrian. "Syempre gusto kong ang Infinity ko ang pinakamagandang babae sa party na 'yon." ngumisi si Adrian. "Sa kotse na natin pagusapan. Kelangan nating bilisan! Time is running fast." ngumiti siya bigla tapos sabay hawak sa kamay ko.
Mabilis kaming nakarating ng Mall of Asia, agad siyang bumaba ng sasakyan saka ako hinila palabas. Isipin niyo na lang na kung ganito ang buhay ko araw araw. Basta-bastang hinihila kung saan-saan. Mapaparty o opisina, hinihila ako.
Habang hinihila ako ni Adrian ay may bigla pumasok sa isipan ko. Bakit ba mukhang excited 'tong pumunta ng party? Ano bang theme na nakalagay sa invitation? Ugh! Bakit ba hindi ko binasa ng mabuti, baka naman wet and wild ang nakalagay dun. Gosh!
"Siguradong mananalo tayo nito babe. We'll have the chance to stand beside Chains." sabi niya habang nakatingin sa akin.
Chain is our favorite band.
Nakarating kami sa isang store, pamilyar na ako dito dahil dito siya palaging bumibisita para kunin ang mga damit niya. Hindi tulad kong mula sa isang mahirap na pamilya ay may kaya sila Adrian. His dad is a businessman and may pastry shop naman ang mommy niya. Kaibigan ng mommy niya ang designer dito.
"I know you will stand out even without make up Fin." Excited na excited siyang naupo pagkatapos kausapin ang babaeng nasa counter.
Agad naman akong nilapitan ng SA. Simpleng titig lang ang ginawa nito sakin at agad na umalis.
"Don't worry. Hindi naman tayo kakanta. Tahimik lang tayong uupo at makikinig sa stage." May prize palang jamming ang best couple. Gosh! Adrian! Sana sinabi mo agad para hindi nalang ako sumama.
End of flashback
"Punta muna ako ng comfort room." kinalabit ko si Adrian. Tumango naman agad ito sabay alok na sasamahan ako pero I told him that I can manage.
Kanina pa kasi ako naiilang sa mga matang nakatingin sakin. Lahat din ng mga kasamahan namin sa division ay walang tigil ang papuri at lahat nagsasabi na ang ganda ko raw.
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya. Nananayo lahat ang balahibo ko sa katawan sa mga titig nila.
Isang black cocktail dress and pinili sakin ng SA kanina, sila na din ang nagprovide ng high heels and gumawa ng hair ang make up ko. Pareho kaming hindi makapaniwala ni Adrian na ginawa nila 'yon ng less than an hour. And what's the result? Hindi ko alam. Hindi ko nagawang tumingin sa salamin kanina.
I stared at my face in the mirror. I really look different tonight. Para akong si Cinderella na inayusan ng Fairy God Mother niya.
"Nandito ka pala besh. You look great." nagulat ako sa bilang bati sakin ni Axel.
"Ang ganda mo din lalo tonight." nakangiting sagot ko sa kanya. Sobrang ganda niya talaga.
Nangingibabaw ang malusog nitong hinaharap dahil sa revealing na neckline ng black dress nito. May suot siyang diamond necklace na kitang kita dahil sa naka-bun ang buhok niya. Hindi lang yun, backless ang likuran niya at lalo pang naging sexy si Axel dahil sa mahabang slit ng dress niya mula sa tuhod.
Mas matangkad siya sakin, lamang ang hinaharap at pwetan. She's a temptation.
Hindi nakakapagtaka that Rave got attracted to her that night.
Tahimik lang akong bumalik sa couch, ganun din naman si Axel na umani din ng papuri mula sa lahat. She's late but she got all eyes on her. Isa lang ang taong hindi tumitingin sa kanya, ang boyfriend kong si Adrian na busy sa kakatitig sakin.
"I'm loyal to my Infinity." sabi nito ng tinutukso siyang titigan si Axel.
Napangiti naman ako sa tinuran ng boyfriend ko. He's really a gentleman and hindi mapapantayan ang loyalty niya sakin.
[End of Fin's POV]
Gustuhin mang umuwi ng maaga ni Fin ay hindi niya magawa. Pinilit siya ng kasintahang hintayin ang paglabas ng paboritong banda.
Deep inside her, gusto din ni Fin na pakinggan ang musika ng banda pero kinakabahan siya dahil anytime ay pwede ng dumating ang magkapatid na Fierro.
Hindi siya handang harapin muli si Rave dahil sa mga salitang sinabi nito sa kanya. Natatakot din siyang baka bigla nalang itong magkwento kay Adrian.
"Fin! Look!" nabalot ng sigawan at palakpakan ang buong lugar. Heto na nga at kakanta na ang paborito nilang banda.
Kumikinang ang mga mata ni Fin na humarap sa stage. Nakita na rin sa wakas ang paborito niyang banda.
"Good evening everyone. Bago natin pakinggan ang musikang handog ng Chains, we will first declare our Mister and Miss Apple of the Night." Bilang natigil lahat ng hiyawan ng magsalita ang event host.
Sumunod ang isang mahabang drumbeat sound. Mabilis na dumilim ang paligid at isang spotlight ang umikot sa buong lugar. Hindi na gaanong kita ni Fin ang mga taong nasa tabi niya, ang tanging alam lang ng dalaga ay nasa tabi nito si Adrian.
She's safe dahil alam niyang si Axel ang mapipili at si Dee naman para sa lalaki.
"Alright, we have our Mister and Miss Apple of the night!"
Nanigas si Fin dahil sa kinatatayuan niya tumitigil ang spotlight. Agad na naghiyawan ang mga tao. Sobra pa ito sa ingay ng pumasok ang Chase kanina.
Kabadong napalingon si Fin sa paligid. Dalawang spotlight pala ang tumigil, isa sa kanya and isa sa katabi niya.
"Shall we?" may halong tuwang sabi ng katabi ng inalok nito ang kanyang kamay.
Napalunok si Fin.
Hindi na si Adrian ang nasa tabi niya. It is Rave wearing a gray and black tuxedo.
She glared her eyes on him. Wala siyang idea with what happened pero alam niyang nonsense lahat ng nangyayari.
"Sorry but I don't want to participate." cold nitong sabi sabay tabig sa kamay na inoffer ni Rave. She don't care kung makita man ito ng lahat ng nasa party.
"What's wrong?"
How dare he ask me kung anong mali. Everything's wrong!
"Please don't force me to participate, you can choose other - - -" naputol ang pagsasalita ni Fin when Rave carried her in a bridal manner. Nagpumiglas ang dalaga pero it was too late.
Nakita nalang niya ang sarili na nakaupo sa harapan ng stage. Kulang ng isa ang sandals na suot at lahat ng tao ay nakatingin sa kanya.
"You're my Cinderella and I hope I can still be your prince charming."
Her heart skips a beat. Mahina ang boses ni Rave pero sapat na ito para marinig niya. Hawak nito ang nahulog niyang sandals.
Akmang isusuot na nito sa kanya ang sandals ng binawi ito ng dalaga. Adrian's looking. She don't want him to think bad about what's happening.
Tahimik lang siyang napakalumbaba sa upuan. She closed her eyes, tahimik siyang nakinig sa mga kanya ng paborito niyang banda. She's still upset dahil hindi si Adrian ang katabi niya kung hindi si Rave.
"Can you please act like you're happy Infinity? Nakatingin sayo ang boyfriend mo." bumalik ang dalaga sa katinuan sa tinuran ni Rave. Saglit na tumahimik ang paligid habang nagsasalita ang host. Napatingin siya sa bandang kanan and saw Adrian, kumaway lamang ito sa kanya. Nakatayo ito sa harapang bahagi ng stage, looking so happy.
Napangiti naman ang dalaga.
Mabuti naman and he was able to see them close despite ng nangyari.
Muling nagpalakpakan ang mga tao when the special guest entered the stage.
Fin lost her composure ng makita kung sino ang taong nasa harapan niya. It was no other than Katie! She admired her songs simula pa noon and now she was able to see her in personal.
"At last, I saw your smile again, babylove." gusto niyang lingunin si Rave but she was stunned by the presence of her idol.
Fin's heart melted like an ice cream when the music started at nagumpisa ng kumanta si Kattlie.
I see your tears
I see your pain
Tell me what's wrong
I can be your friend
I can be your lover
I'll do everything to make you smile
And make the pain gone
I’ll stand there with you
I can be your shield, your shoulder to lean on
Labis na tuwa ang naramdaman ni Fin. Hindi ito mapagkakaila dahil sa hindi matapos tapos na ngiti sa kanyang mga labi at mga mata niyang tila magnet na nakatingin lamang sa direksyon ng idolo.
Rave didn't waste his chance to see Fin's happiness. Napakaganda pa rin nito kapag ngumingiti. May kaonting luha man ang mga mata ng dalaga ay alam ni Rave na hindi ito dahil sa lungkot at sakit kundi dahil sa galak na nararamdaman.
Sa wakas pagkatapos ng limang taong paghahanap ay nasa harapan niya na din ang dalaga. She can make her happy now kahit sabihin pang hindi na siya ang laman ng puso nito.
Rave draw a deep breath.
I promised myself that I'll be a better person for you Infinity at kapag nagkita tayo ay gagawin ko ang lahat to win you back. I'll show you hindi na ako ang Rave na nanakit sa'yo.
If I'll be given a chance, I wanna treasure you
Make you glad even in the darkest night
And I'll stay to be your shield and support
Just give me a chance...Just one chance
"Rave?" He gasped ng marinig ang malumanay na boses ni Fin.
"Thank you." Hindi ito nakatingin sa kanya but it made Rave very very happy.
Napangiti nalang ito sa sarili ng makitang may kaonting luha galing sa kanang mata niya. He really did changed for her.
I see your tears,
I see your pain,
Tell me what's wrong,
I can be your friend,
I can be your lover,
I'll do everything to make you smile,
And make the pain gone,
I’ll stand there with you,
I can be your shield, your shoulder to lean on,
Just give me a chance...Just one last chance...