[Fin's POV]
IT left me speechless. Nakangiti lang si Adrian na sinalubong ako from the stage. Hinawakan niya ang kamay ko and assisted me hanggang makabalik kami sa table namin. I can't speak, wala akong masabi dahil hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari.
"You're so lucky, besh."
"How is it Fin? Sayang bigla akong umalis kasi napasobra ata ako sa beer kaya kinailangan kong pumunta ng CR kanina. Sorry." nahimasmasan lang ako when I heard Adrian. Napakamot ito sa ulo. So that's the reason kaya siya nawala kanina.
Tumahimik lang ako habang nakaupo kasama nila. Minsan kelangan mo ding tumahimik para makapagpahinga ang puso at isipan mo. I almost had a heart attack when I saw Kattlie kanina.
Nagpatuloy pa rin ang party. This time nagsayawan na ang mga tao, hindi mapagkakaila sa kanila na madami nang tipsy dahil sa mga galaw nito. Sino ba namang hindi malalasing sa unlimited drinks and food.
Nagsasayawan sila habang kami ni Adrian, nag-uusap lang. Nakainom na din siya pero kontrolado niya ang sarili niya.
"Hi Adrian!" We saw Alfred approaching. Agad namang napatayo si Adrian to bow to him. Kahit hawak ni Adrian ang kamay ko ay nanatili pa rin ako sa pagkakaupo.
Kasama nito ang host ng party and si Rave. Ngayon ko lang naaninag ang mukha nito.
"This is my trustworthy Accountant, Adrian Montenegro, and his girlfriend Infinity Villegas." Alfred tap Adrian's shoulder saka ito tumingin sa dalawang kasama.
They both smiled.
"You can't blame those who voted for the Apple of the Night. Infinity is too pretty. Siguro kung wala lang siyang boyfriend liligawan ko siya." naubo ako sa sinabi ni Rave.
The host just smirked at me tapos inabot sa akin ang isang glass ng wine. "Want some?" I just stared at her.
"No, Thanks." Tipid kong sagot.
Napakibit-balikat siya tapos binawi ang inaalok sakin. Isang pekeng ngiti ang sumibol mula sa mga labi nito, "Ganyan ka ba dapat umasta sa isang dating kakilala?"
"Hinde ho, bakit?" mataray na tanong ko sa kanya. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "Excuse me for a while guys."
"Samahan na kita." dinig kong sabi ni Adrian pero pinigilan ito ni Rave. Binalewala ko nalang ang usapan nila at naglakad na palayo.
"Akala ko hindi mo mahahanap ang comfort room." Anak ng puting pato! Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa kanya.
"What are you doing here Rave? Hindi ba dapat inaasikaso mo ang guests mo?"
Naghihintay ako ng sagot pero ngiti lang ang sinukli nito sakin.
"I just want to make you feel special tonight Fin. I know how much you love music kaya naman I organized this. Alam kong natuwa ka kanina."
"Love music? No. It's just because of Kattlie." Sarcastic akong natawa. "I hate music, hindi na ako kumakanta."
"How about your gigs? Hindi ka ba dinadala ni Adrian sa concerts tulad ng ginagawa ko sa'yo noon? Hindi ba siya nagbabayad ng consumable videoke cubicle para sa'yo?" natawa siya. "Marami pala akong nagawa para sa'yo na hindi niya kayang gawin." hirit ni Rave.
"Rave, ano bang gusto mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Lalabas na sana ako ng CR but he pinned me against the wall.
Napailing ito. "I want to bring my Infinity back to life. Gusto kong ibalik ang babaeng minahal ko noon at minamahal ko pa rin hanggang ngayon."
Hindi ko alam kung anong plano niya pero susubukan kong alamin ang lahat. I'll do everything to endure it
"That will NEVER happen. Hindi ko hahayaang sirain mo ang tahimik na buhay ko."
He's really a jerk, sinadya niya pang dalhin dito ang best friend niya.
"I told you not to drink red wine dahil matatagalan ka talaga sa comfort room." Ngumiti si Adrian pagkatapos ay inakbayan ako. Napabuntong hininga nalang ako. Dahil sa lalaking 'yon inabot ako ng ilang minuto bago makabalik. "Hay nako~ ito talagang girlfriend ko ang cute!" tapos tumingin siya sa akin. Naniningkit ang mata ni Adrian.
Nag-umpisa ng kumanta ang third band. "I love you babe." sabi ni Adrian sa akin habang nakangiti.
Hay nako. Pati ba naman set ng song sinadya din ni Rave. Mga favorite song ko ang tinutugtog and 'yong iba hindi naman single ng mga bandang ito. As requested lang by the person who paid them.
Ngumiti nalang ako kay Adrian. "I love you too Babe." sabi ko sa kanya habang kinukulot ko yung dulo ng buhok ko.
"I love you so much Forever ko." Tinaasan lang ako nito ng magkabilang eyebrow. Alam na alam ni Adrian that I admired those parts, yun ang best part ng body niya para sakin. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong hawakan ang mga lintang nakadikit sa mga mata niya. So adorable!
Panay naman ang tukso ng mga kasamahan namin. Kaliwa't kanan ang nanunulak sa balikat ko, mga isip bata din talaga ang mga ito.
Shocks! Nakaka speechless lang talaga kapag iisipin kong sa harapan pa ng ibang tao kami nagsasabi ng I love you ni Adrian!
I tried to look into your eyes
I tried to look back in the good times
I want to tell you everything; express what I'm feeling inside
I want to win you back
Wishing that there's a way back
Nabalot ng katahimikan ang paligid ko ng umpisahan ang kantang Way Back. Hindi ko makakalimutan ang lyrics nito dahil madalas nirerequest ni Rave noon ang kantang ito sakin.
Tanda ko pa dati na every weekends may sideline ako sa Bistro sa may Quezon Memorial Centre. Kumakanta ako dun siguro mga 4 songs then syempre may sweldo no. Kaya kahit papaano may mga pangastos ako during college days. Rave never failed to visit me there pati sa mga gigs ko together with our school band.
"I'll make you mine Infinity. I'll make my way back into your heart." Isa sa mga linya ni Rave na hindi ko makakalimutan noon. Nagningning naman ang mga mata ko sa sinabi niya at halos gusto ko nang magsisisigaw sa kilig!
Shocks! Feeling ko sa mga oras na 'yun ang haba ng hair ko! As if ako ang pinakamagandang lady vocalist sa buong Pilipinas.
"Before we proceed to the chorus." natigilan ang flashback at pakikinig ko when the voice of Rave interrupted the song.
"Actually, Alfred and I kinda miss someone's voice. Someone whom we admire sa tuwing kinakanta niya ito. Kumakain pa kaming dalawa sa isang bistro every weekend para lang mapakinggan siyang kumanta."
Parang bilang nafreeze ang mundo ko when I heard those descriptions. Sana nagkamali lang ako. Sana he's not referring to me.
"Adrian uwi na tayo." napakapit ako sa manggas ng damit ni Adrian. Kung pwede lang mawala na parang bula sa kinauupuan ko ay ginawa ko na.
Adrian ignored me, ngumiti lang ito saka hinawakan at kamay ko. Napayuko ako kasabay ng dasal na sana wag lumapit samin si Rave.
"She's here with us tonight." My heart skips a beat.
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko ng nakita kong naglalakad si Rave papunta sa kinatatayuan namin. Di nagtagal ay nasa harapan ko na siya.
Napakagat labi na lamang ako. Mukhang mahina talaga ang mga panalangin ko. "Please join us, Miss Infinity."
Bigla naman akong napatakip ng bibig, nilingon ko si Adrian pero mukhang proud na proud pa ito ng niyaya ako ni Rave na kumanta sa stage. Shocks nakakahiya talaga!
Singtalim ng espada ang mga titig ko kay Rave. Pinipilit ko ang mga paa kong makatayo ng mabuti, kainis. Nahihiya ako dahil napakaraming tao. Naiinis ako dahil nasa tabi ko na naman siya.
How am I supposed to do this? Ang tagal na simula ng huli akong kumanta.
"I'm so happy dahil pumayag ka Fin." He grinned then ginulo niya ang buhok ko.
Lumayo ako, siguro mga kalahating metro ang layo sa kanya. Hindi ko na pinansin si Rave, hinintay ko nalang na ipagpatuloy ng banda ang music. Hinihiling ko nalang na matapos na ito para makauwi na ako.
Ilang beses pa akong napabuntong hininga habang hawak hawak ko ang microphone. I can't control my right hand from shaking, parang hihimatayin na ako sa nerbyos.
"Fighting, Babe! Kaya mo yan!" napapikit ako when I heard Adrian's voice. Sing it or break it nalang talaga.
"Your smile reminds me of the sun, your voice makes my heart flutter wild...Do you know you're unlike any other? They said I can forget the old times, move forward, and smile but I said..." napatingin ako sa direction ni Adrian. Kumikinang ang mga mata nito while looking at me.
"You're the best among the rest. The only one I want to cherish...I don't wanna ever love another...I just want to bring back the love I felt before. So please let me in. Let me win you back..."
Narinig kong nagsipalakpakan ang mga tao. Namula ako bigla. Grabe talaga ang atraso sa akin ng lalaking to!
Minabuti kong maglakad na pabalik dahil sa nanlalamig ang mga kamay ko sa nangyari. Hindi ko na rin inisip na cocktail dress pala ang suot ko at high heels pa. Wala din akong pakialam kung naiwan ko man siyang nakatayo sa stage. Kelangan kong lumayo sa kanya.
"Infairness, tumagal sila ng years noon ha! But a playboy will always be a playboy! It's too hard to stop those bitches from chasing them." dinig kong sabi ng isang payat na babae sa tabi.
May alam ito sa past namin ni Rave.
"Kahit pa ang pinakapopular na babae sa school noon nagawa niyang paiyakin at saktan. Pero heto, kumanta pa si Infinity ngayon kasama si Rave. He's really awesome!" tili pa ng isa. Maiksi ang buhok nito at nakaboyleg pa.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Naramdaman kong nag init ang mukha ko.
"Miss..." Hinawakan ko ang dulo ng ribbon ng dress ko. Hinarap ko silang dalawa. "I'LL ASK YOU. ANO BANG ALAM MO?"
Napatalon sa gulat yung dalawang babae and mukhang natakot sa akin. I'm about to say another word nang muli na namang nagsalita si Rave.
"I'm sorry for the pain I've caused. I'm sorry for the tears I've brought. Pero sana mapatawad mo ako." bumalik muli ang panlalamig ng mga kamay ko. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Bakit dito pa?
I heard him humming. Feeling ko ito ang oras na maririnig kong kumanta ulit si Rave.
"I tried to look into your eyes
I tried to look back in the good times
I want to tell you everything; express what I'm feeling inside
I want to win you back
Wishing that there's a way back
Hindi pa rin nagbabago ang boses niya. He's still a good singer. Arrgh! Bakit ko ba siya pinakinggan?
Hinagilap nalang ng mata ko si Adrian. Sana wala siyang narinig. Sana nasa comfort room siya ng mga oras na sinabi 'yon ni Rave.