Dark Side 12

1546 Words
[Fin's POV] AFTER my hell week, I took a day off. Ayoko munang isipin ang mga nangyari. It was too fast, I tried my best to smile but I know something's missing. Ramdam ko sa puso ko that something's bothering me. Napahawak ako sa labi ko. I can still feel the warmth and sincerity of Rave's kiss. I can't deny na naramdaman ko ang pagmamahal sa halik na 'yon, ibang iba ito. Malayong malayo sa mga halik at gestures na ipinakita niya sakin five years ago. Pigilan ko man ay bumabalik pa rin sa isipan ko ang tanong niya sakin. "Do you still love me?" Isinubsob ko ang mukha ko sa malaki at malambot na unan. Sa mga oras na ito ang gusto ko lamang ay humilata buong araw sa kwarto at magpahinga. Dalawang araw lamang ito ngunit susulitin ko para kahit paano ay gumaan man lang ang pakiramdam ko. Magkasunod na mahinang katok ang bigla kong narinig mula sa pintuan ng kwarto ko. Di nagtagal ay pumasok si mama. "Anak dinalhan na kita ng pagkain." aniya habang nakangiti. Inilapag nito sa tabi ko ang isang tray ng umagahan at may kasama pang isang basong gatas. "Thank you Ma." Malumanay kong sabi. Nagulat si mama ng bigla ko itong yakapin ng mahigpit. Hindi ko alam pero parang kelangan kong gawin iyon. She's my greatest companion and my best friend at the same time. Napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng isang mabait at maalalahaning ina. Niyakap din ako nito pabalik. "May problema ba anak?" Umiling lang ako bilang sagot kay mama. Ayokong magkwento sa kanya dahil alam kong hindi na naman nito maiiwasang hindi mag-isip. Minsan na nitong sinabi sakin na double ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing nasasaktan ako. "O, sya! Magpahinga ka na muna. Baka mamaya biglang pumunta ang prince charming mo." May galak na sambit ng mama ko bago ito tuluyang lumabas ng kwarto. Kung alam mo lang mama. Miss na miss ko na ang prince charming ko. Pinilit kong kumain para hindi magtampo si mama kapag nakita niyang hindi ko man lang ginalaw ang hinanda nito. Bago pa man ako makaramdam ng antok ay nagising ang diwa ko dahil sa sunod sunod na ring ng cellphone. Sinilip ko naman ito hoping na si Adrian ngunit contact number ng pinsan ko ang nasa screen. Fin may nangyari ba sa'yo? Bakit hindi ka natuloy kagabi? Ramdam ko ang labis na pag-aalala sa boses ni Erin. Don't worry. Hehe. Sadyang pagod lang ako sa trabaho kaya nagbago ang plano ko. Sorry. Pagpapaliwanag ko dito. Narinig ko ang isang malakas na hmp mula sa pinsan ko. Diskompyado ito sa naging sagot ko sa kanya. Gustuhin ko mang sabihin sa kanya sa tawag ang tungkol kay Rave, mas maganda pa rin kung personal. I know Erin, mas malala pa ang magiging reaksyon nito kesa kay mama. Baka mamaya ay bigla nitong isara ang store para lamang sugurin ako dito sa bahay. Napatingala nalang ako sa puting kisame. Bakit ba palagi nalang nangingilid ang mga luhang ito? Kung kelan pakiramdam ko okay ako ay lumalabas sila? Okay nga ba talaga ako? Nga pala, dumaan din si Adrian sa store kagabi pero wala itong imik. Alam ko hinahanap ka niya dahil sinabi kong pupunta ka. Napakagat labi ako sa narinig. May sinabi ba siya sa'yo? Ilang araw na itong panay chocolates at sweet ang binibili pero bakit hindi kayo magkasama? May nangyari ba? Dagdag pa ni Erin. Napakagat labi ako. Ibig sabihin pala nun ay sinasadya nitong supportahan pa rin ang pamilya ko. Wala naman. Tipid kong sagot. Okay. Siguraduhin mong bibisitahin mo ako dito next time ha. Ibababa ko na ang tawag, madami ng nakapila. Love you couz. Napabuntong hininga na lamang ako. Nagawa pala ni Adrian na pumunta doon kagabi. Nakalimutan kong itanong sa pinsan ko kung anong oras ito. I've never been lonelier than this. Simula kasi ng party ay hindi pa kami muling nagkasama ni Adrian. Noong umaga ay mayroon itong business meeting at gabi naman ay may kelangan siyang documents for the Sub-con. Akala ko okay na kami dahil nakatanggap ako ng I love you mula sa kanya ngunit mukhang may mali pa rin. Nagpapadala lang siya ng chocolates and gifts sa bahay, maybe to show me that he still cares for me. Nagtetext siya pero never siyang tumawag sakin, hindi niya din sinasagot ang mga tawag ko. Gusto kong isiping busy lang talaga siya pero hindi naman ako tanga para hindi malamang iniiwasan ako ni Adrian. He didn't want to see me. Dahil ba nagawa kong ilihim sa kanya ang past ko o nakita nito ng hinalikan ako ni Rave sa daan? Iniisip ko palang ay nanghihina na ako. Paano kung bigla nalang itong makipagbreak sakin? Isang buwan nalang ay anibersaryo na naming dalawa. He just need some fresh air and I think sapat na oras na ang ibinigay ko sa kanya. Kinabukasan ay napagdesisyonan kong pumunta sa condo unit na tinitirhan ni Adrian. Humugot ako ng lakas ng loob bago tuluyang sumakay ng elevator. Inaamin kong medyo kinakabahan ako, pangatlong beses palang kasi akong papasok sa lugar ni Adrian. Malaki at elegante ang Condominium Unit na kinuha ng boyfriend ko. Kumpleto ang amenities nito at mayroong iba't ibang resto at fast food sa baba. Malayong malayo ito sa simpleng bahay na pinatayo ko hindi para saking sarili kung hindi para sa pamilya ko. At the age of 25 ay wala pa akong napapatunayan sa sarili ko, unlike him who's too successful at his age. Nasa 11th floor ang unit ni Adrian. Noong unang pumunta ako dito ay kasama ko siya dahil nagpatulong ito sakin sa pamimili ng mga furnitures and fixtures, pangalawa naman ay kasama namin ang Mom niya. Ngunit ngayon, mag isa lang akong nakatayo sa harapan ng malaking pintuan nito. Wala ng atrasan 'to Fin. Kabado kong inilagay ang daliri ko sa buzzer. "Adrian?" No response. "Adrian?" Wala na namang sumagot sa'kin. Walang tao. I gasped. Sinubukan ko na ring kumatok sabay tawag ng pangalan niya. I carefully press the buzzer for the fifth time. Napaatras ako ng biglang bumukas ng bahagya ang pinto. Papasok ba ako? I felt cold. Nasa labas palang ako ay ramdam ko na ang pressure sa loob. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba o hindi, isa lang ang alam ko sinadya itong buksan ni Adrian para magkita kaming dalawa. So there's nothing to hesitate. "Adrian?" Sabi ko sabay hanap sa kanya. Napakalaki talaga ng kwarto nito at ang linis ng paligid. There he is nag-aayos ng sarili niya habang nakaharap sa laptop. Napayuko nalang ako because he's topless. Kitang kita ko ang korte ng katawan nito maging ang mga muscles niya. He's my boyfriend pero ni minsan ay hindi ko nagawang hawakan ng direkta ang katawan nito. Muli ko siyang tinawag dahilan para mapaharap siya sakin. Hindi niya ako binati o nginitian man lang kaya humugot na'ko ng lakas ng loob para sabihin ang dahilan ng pagpunta ko. "Sorry, hindi ko agad sinabi sa'yo that Crave Fierro's my ex boyfriend." Ni hindi ko siya tiningnan. "Pero matagal na 'yon. College pa ako and sana naman wag kang mainis sakin ng sobra. Sasabihin ko naman dapat sa'yo pero..." Isang mabilis na galaw ni Adrian ang kumuha ng atensyon ko. Nabigla ako sa inasal ni Adrian. He stop my words by kissing me. Hindi lang simpleng halik kung hindi isang malalim at mapusok na halik. Para akong nalulunod sa halik niya. Ramdam ko ang kakaibang bugso ng hininga nito, I did not notice na unti-unti niya nang tinatanggal ang butones ng blouse ko. Sinubukan kong itulak si Adrian palayo sakin pero masyado siyang malakas. Am I dreaming? Gosh! Why is he acting like this? San napunta ang gentleness ng Adrian na minahal ko. "Adrian. Uhm- Stop it!" I can't help but moan. "Answer me babe. Siya ba ang lalaking nakakuha ng virginity mo?" He's now kneading the thing under my bralette. Kung hindi ako nagkakamali ito palang ang pangalawang beses na hinalikan ako sa labi ni Adrian at ito ang unang beses na lumampas siya doon. Mapusok, mainit. Kung punong puno ba ng pagmamahal? Tanging siya lang ang makakapagsabi nun. Hindi ko sinagot ang tanong niya. I stop his hand. I don't want to hate Adrian. I don't want us to do it this way. Gusto kong matreasure ang unang pagtatalik namin, at alam kong hindi ito ang tamang oras. We promised before na saka lang namin ito gagawin kapag 1st anniversary na namin. "S-stop it Adrian. Nakalimutan mo na ba ang pangako mo sakin?" Nangingilid ang luha na sabi ko sa kanya. Tinitigan lamang ako nito. Ang mga mata niya, alam kong kahit puno ito ng galit ay mas umaapaw pa rin ang pagmamahal dito. Malalim ang titig niya sakin, like he's asking me for a valid reason. Alam kong kapag nasasaktan ang isang tao, minsan nakakalimutan na nilang mag-isip pero hindi ko inakalang kaya niyang gawin ito. Daig ko pa ang pumasok sa isang kwebang may naghihintay na lion. "Sorry, Adrian." I said softly. Sinampal ko siya, kelangan kong gawin yun to make him return to his senses. "Inaamin ko si Rave ang nakakuha ng virginity ko but it doesn't mean na dahil bumalik siya ay magiging mababa na din ang tingin mo sa'kin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD