CHAPTER EIGHTEEN

1384 Words

HINDI makapaniwala sa Richel sa ibinalita sa kanya ni Agapito na siya ang nagbabantay kay Aria. Para sa kanya ay madaling trabaho iyon. Hindi siya mapapagod at higit sa lahat malaki ang kikitain niya. Malaking bagay iyon para sa kanilang anak. Isa pa ay gusto niya rin naman si Aria, sa babae siya nakahanap ng isang tunay kaibigan. "Alam mo Agapito nagtataka nga ako sa ikinikilos ni Don, hindi naman siya ganyan sa mga dati niyang babae, hindi ba? Tulad nalang kay Sofie, hindi naman siya ganyan na inuwi pa sa sarili niyang hotel room. Alam naman natin pareho na pandaliang aliw lang naman ang gusto ng lalaki pero Ibang-iba kay Aria. Kung ano-ano ang ginagawa niya para sa babae. Hindi kaya inlove na si Don?" tanong niya sa asawa na ikinagulat nito. "Pwede ba Richel tigilan mo yang bibig mo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD