CHAPTER EIGHT

2054 Words
NAPANGISI si Camillo nang makita niya si Antonio na pinapahirapan ng kanyang mga tauhan. Pinagsawa niya ang katawan sa paglangoy sa rooftop pool. Habang ang mga kasama ay abala sa ginagawang interrogation kay Antonio. Ito lang naman ang nagtraydor sa kanilang grupo. Itinakas nito ang cocaine na nagkakahalagang mahigit isang bilyon. Matagal itong nagtago dahil alam nito na hindi siya titigil hanggat hindi ito nakikita. Naipit siya sa mga kliyente dahil sa ginawa ni Antonio. “Nasaan ang pera?” sigaw na tanong ng isa sa mga tauhan niya. Nasa rooftop sila ng hotel. Doon nila nililigpit o di kaya binibigyan ng leksiyon ang mga taong naging traydor sa grupo. Kapag may kidnap for ransom din ay doon nila dinadala ang bihag. Hindi na nila kailangan pang idaan sa main entrance ang bihag dahil may limang private helicopter sila para sa ganitong mga pangyayari at mismong sa rooftop na lamang lalapag ang helicopter. “Hindi ko alam ang sinasabi ninyo!” sigaw pa ni Antonio. Duguan na itong nakaluhod sa kanyang mga tauhan. Umahon siya sa pagalangoy at nilapitan ito. Naka-swimming trunks pa siya ng mga oras na iyon. Kinuha niya ang baril sa kamay ni Agapito at nilapitan si Antonio. “Ibahin na lang natin ang tanong. Nasaan ang cocaine na itinakas mo? At sino ang nasa likod mo para magkaroon ka ng lakas ng loob na para traydurin ako?” tanong niyang tinutukan ito ng baril. “Maawa kayo, Don. Naipit lang ako. Kailangan ko ng pera para sa pagpapagamot sa aking asawa kaya itinakas ko ang cocaine,” pag-amin ni Antonio sa kanya. “Alam mo ba ang halaga ng itinakas mo? Kahit pagsamahin ang buhay mo at buhay ng asawa mo ay kulang pa!” sigaw niyang galit na galit. Sinipa niya ito sa labis na galit. Akala mo ay naglalaro siya ng soccer dahil sa walang sawang pagsipa sa lalaki. “Patawarin niyo na po ako!” pagtangis ni Antonio. “Huwag ninyo akong papatayin.” Ngumisi siya pagkatapos niyang ikasa ang baril. “Ang tulad mo ay hindi dapat tinutuluran!” sigaw niya pang hinawakan ito sa ulo at idinikit ang dulo ng baril sa noo nito. Napayakap na lamang si Antonio sa kanyang hita pero hindi na nagbago ang kanyang pasya. Binaril niya pa rin ang lalaki. Silencer ang baril na kanilang ginagamit kapag nasa hotel sila upang makaiwas iyon sa ingay. Bumagsak sa harapan niya si Antonio. Hindi pa siya nakontento dahil muli niya itong binaril sa dibdib. Tatlong putok pa ang kanyang pinakawalan bago niya iniwan ang walang buhay na lalaki. “Once a traitor, always a traitor. Walang pangalawang pagkakataon para sa inyo!” sigaw niya sa kanyang mga tauhan. “Iligpit niyo na ang bangkay niyan!” sigaw niya pa. Nagulat pa siya paglingon niya nang makita niya si Aria. Nasaksihan nito ang kanyang ginawang pagpatay kay Antonio. Hinayaan niya na kasi itong lumabas ng kanyang silid dahil panatag naman ang loob niyang hindi ito makakalabas. Lalapitan niya sana ito nang bigla itong tumakbo paalis ng rooftop. “Siya siya at dalhin sa akin!” sigaw niya kay Agapito kaya tumalima naman ito. Bumalik siya sa swimming pool at muling nagbabad sa tubig. Naisip niya bigla ang birth certificate na ibinigay sa kanya ng ina nitong si Lourdes. Legally na ipinangalan ni Lourdes kay Luis Martinez si Aria kung kaya legal na anak ng mga ito ang dalaga at nakalagay sa edad ni Aria ay seventeen years old and going eightee sa susunod na linggo. Napakabata pa nga nito. “Don!” tawag sa kanya ni Agapito kung kaya napalingon siya rito. Dala na nito si Aria na takot na takot sa kanya. “Maiwan niyo na kami!” sagot niya rito. “Siguraduhin mo na walang ibang pwedeng umakyat rito.” “Yes, Don!” Pag-alis ni Agapito ay kasama na nito ang kanyang mga tauhan, samantalang ang bangkay ni Antonio ay nilagay na sa cadaver pouch at isinakay sa helicopter upang ilibing. Naiwan sila ni Aria sa rooftop. “Join me!” yaya niya rito. Nakatayo lang kasi ito sa gilid ng swimming pool. “Alam mo bang bawal ang pumunta sa lugar na ito? Paano kung wala ako rito at nakita kang nandito at nasaksihan ang ginagawa ng grupo? Alam mo ba ang maaaring mangyari sayo?” “At papatayin ninyo ako katulad ng lalaking nagmamakaawa kanina?” tanong pa sa kanya ng babae kaya napangisi siya. “Wala kang alam sa nangyayari sa lugar na ito, Aria. Kapag mahina ka ay matatalo ka. Kakainin ka nila ng buo,” sagot niya pa sa babae. “Sinabi niya naman sayo ang dahilan niya hindi ba? May sakit ang asawa niya. Bakit kailangan patayin?” “At naniwala ka naman?” sarkastiko niyang tanong. “Kung papaniwalaan mo ang lahat ng sasabihin sayo ang tawag sayo ay isa kang tanga na kay daling utuin. Alam mo ba kung saan ako galing kanina? Galing ako sa inyo!” Kumislap ang mga mata ni Aria dahil sa kanyang sinabi. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha nito. Umahon siya sa tubig at inabot ang robe. Kinuha niya ang kanyang cellphone at ipinakita sa babae ang naging usapan nila ng mga magulang nito. Hindi alam ng mga ito na may mini camera siyang gamit nang pumunta siya. Hinayaan niyang panoorin iyon ni Aria at habang pinapanood nito ang video ay patuloy ito sa pag-iyak. “Hindi lahat ng tao ay dapat mong pagkatiwaan at kahit ako ‘wag mo akong pagkatiwalaan. Hindi ko yun hinihiling sayo,” wika niya sa babae pagkatapos niyang punasan ang luha nito. Gusto niya itong yakapin at aluin pero pinigilan niya ang sarili. Nagiging mahina na nga yata siya pagdating sa babae. “Paano kapagh ibenta rin nila ang mga kapatid ko?” tanong sa kanya ni Aria. “Malabo nilang gawin yun. Nakita mo naman hindi ba ang reaksiyon ng Papa Luis mo nang sabihin kong ibenta niya sa aking ang dalaga niyang anak?” “Pero bakit ako hinayaan ni Mama?” “Ikaw lang ang makakasagot niyang, Aria.” “Dahil hindi ako tunay na anak ni Papa Luis kung kaya hinayaan ni Mama na maging ganito ang buhay ko?” “Exactly… At walang dahilan para umiyak ka. Magluksa ka man ay masaya pa rin sila. Tanggapin mo na lang ang buhay mo sa hotel na ito,” wika niya pa sa babae kaya natigilan ito. “At tanggapin na maging alipin mo,” sagot pa nito sa kanya. “Oo,” sagot niyang tinitigan ang babae. “Akin ka hanggat gusto ko.” “At kapag ayaw mo na ay hahayaan mo na lang na gamitin ako ng ibang tao?” tanong pa sa kanya ng babaeng umiiyak na naman. Hinaplos niya ang mukha nito. Marahan niya iyong dinama at gamit ang kanyang kamay ay pinunasan ang luha nito. Ang ganda ng mata nito kahit pa palagi iyong nababasa ng luha. Naisip niya tuloy ang agwat ng kanilang edad. Masyado pa itong bata para sa kanya at nagmumukha lang siya nitong Uncle. “Mangyayari lamang yun kapag hindi mo sinusunod ang gusto ko. Sa ngayon ay dapat na magpasalamat ka sa akin dahil ikaw ang napili kong maging laruan ngayon. Akin ka, Aria. Pag-aari na kita. Kung gusto mo naman na ng normal na buhay ay pwede kong ibigay sayo yun,” wika niya pa sa babae. “Anong normal na buhay?” “Pwede kang lumabas ng hotel na ito pero may bodyguard ka. Pwede mo rin ipagpatuloy ang pag-aaral mo kung nanaisin mo. Ang ayoko lang na sirain mo ang tiwalang ibibigay ko sayo dahil alam mo kung ano ang ginagawa ko sa mga traydor. Isa pa sa lahat ng babaeng naugnay sa akin, sayo ko lang ito ginagawa at dapat na magpasalamat ka,” mahina ang boses na wika niya sa babae. “Sabi mo nga wala akong choice na tumanggi sa lahat ng gusto mo pero tatanggapin ko ang inaalok mo. Mag-aaral ako ulit.” “Kung ganun ay hatid sundo ka ng bodyguard mo. Ako rin ang masusunod kung saan ka mag-aaral. Is that clear?” wika niya pa sa dalaga kaya tumango ito. “Magbibihis lang ako at aalis tayo,” yaya niya ritong hila-hila ang babae. Plano niyang ipamili ito ng mga gamit dahil ang mga dala nitong gamit halos lahat ay luma. ******************** HINDI MAKATINGIN ng deretso si Luis sa dalawa niyang anak at maging si Lourdes ay ganoon din. Kung pwede niya lang pigilan si Don sa pagsasalita ay ginawa niya na pero kilala niyang malupit ang mafia boss. Wala itong awa sa katulad nila. “Pa!” sigaw ni Agnes sa kanya. Panganay na anak niya ito. Fifteen years old at si Agatha naman ay fourteen. “Ibinenta ninyo si Ate? Anong klase kayong mga tao?” bulalas pa nito sa kanya. “Ma, bakit wala kang nagawa? Bakit hinayaan mong ibenta si Ate?” usig naman ni Agatha sa ina. “Wala siyang hinangad kundi ang mapabuti ang pamilya natin.” “Nangyari na ang nangyari at wala na sa atin ang Ate Aria ninyo,” sagot niya upang makaiwas. “Hindi ko alam kung tao pa ba kayo Pa! Kinawawa ninyo ang Ate. Ano ang kalaban-laban niya sa mga halang ang kaluluwa? Masarap ang kinakain natin ngayon pero ang ate ay nagdudusa,” galit na galit na wika sa kanya ni Agnes. “Ma!” sigaw nito sa ina. “Anong gusto niyong gawin namin? Ang mawala ang lahat sa atin? Lubog na tayo sa utang at ang ate ninyo ang sumalba sa atin,” sagot ni Lourdes sa kanilang mga anak. “Nalubog sa utang dahil sa pagsusugal ninyo at ang ate ang naging kabayaran. Kapag ba nalubog tayo ulit ay kami naman ni Agatha ang isusunod ninyo tulad ng sinabi ng bisita ninyo?” “Hindi yun mangyayari!” sigaw niya. “Hindi ko naman siya anak at hindi ninyo kapatid si Aria. Kailanman ay hindi namin hahayaan na matulad kayo sa kanya.” Ngumisi si Agnes sa kanyang sinabi. “Kay galing ninyong magsalita, Pa. Dahil sa ginawa ninyo ay wasak na ang pamilyang ito. Magsama kayo ni Mama. Halang ang mga kaluluwa ninyo!” sigaw pa nito kaya hindi siya nakapagtimpi at sinampal ito. “Anong ipinagmamalaki mo ha? Pasalamat nga kayo at lahat ay naaabot ninyo pagkatapos ay ganyan kayo magsalita?” “Bakit, Pa? Hiniling ba namin sa inyo ang lahat ng ito? Si Ate lang ang mayroon kami dahil palagi naman kayong nasa casino pero ano ang ginawa ninyo? Ibinenta niyo siya!” pagwawala ni Agnes na umiiyak. Maging si Agatha ay galit na galit na rin sa kanilang mag-asawa. Pumapalahaw na umiiyak ang mga ito. “Anong gagawin natin ngayon, Luis? Nalaman na ng mga anak natin ang ginawa natin kay, Aria,” wika sa kanya ni Lourdes. “May magagawa pa ba tayo?” “Bawiin natin si Aria. Ibalik natin ang perang ibinigay ni Don.” “Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Lourdes? Kailangan natin ang pera para mabuhay. Iisipin mo pa ba ang anak mo sa ibang lalaki kaysa sa dalawa nating mga anak?” “Paano si Agnes at Agatha?” “Nabigla lang sila at alam kung magiging okay rin ang lahat. Matatanggap din nilang wala na ang ate nila,” sagot niya pa sa asawa. “Mahirap kalaban si Don, Lourdes. Alam mo ‘yan.” Napabuntong-hininga na lamang ito sa kanyang sinabi. “Akin na ‘yang tseke at may mga babayaran pa ako!” wika niya sabay agaw ng tseke sa mga kamay nito. “Magsusugal ka na naman!” Isinenyas niya ang kanyang mga kamay upang tumigil ito. Nang makilala niya si Lourdes ay may anak na ito at dahil mahal niya ang babae kunwari ay tinanggap niya ang anak nito pero hindi iyon ganun kadali. Bilang lalaki ay hindi ganun kadaling tanggapin ang anak ng ibang lalaki kung kaya walang nagagawa si Lourdes sa tuwing na isinusumbat niya ang pagkakaroon nito ng anak sa iba. Hindi niya nga alam kung sino ang ama ni Aria dahil wala namang nababanggit si Lourdes sa kanya. Ang mahalaga ngayon ay wala na sa kanila si Aria. Kabayaran lamang sa mga ginastos niya ang natanggap niya mula kay Don.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD