CHAPTER SEVEN

2361 Words
NAKANGISI ang kanyang Uncle Richard nang makita siya. A sarcastic grin appeared on his face. Wala sana siyang balak na pansinin ito pero pilit siya nitong kinakausap. Oo at kamag-anak niya ito pero kung minsan iba talaga ang dating sa kanya ng kanyang Uncle Richard, siguro dahil pakiramdam niya ay gusto nito ang kanyang posisyon. Hindi nito matanggap na under lamang niya ito lalo na sa kanyang edad. Bata pa raw siya para mamuno ng organisasyon kung kaya pilit niya namang pinapanindigan ang posisyon na nakaatang sa kanya. Para kay Camillo, wala sa edad ang pagiging mafia boss, ito ay nasa galing at tatag ng loob. "Kumusta si Aria? Mukhang hindi mo pinatulog ah?" nakangisi nitong wika sa kanya. Kailan ko naman ba siya matitikman? Alam mo naman na kursonada ko ang mga bata," dagdag pang wika ng kanyang Uncle Richard. Hindi niya alam kung bakit nainis siya sa sinabi ng kanyang Uncle tungkol kay Aria pero hindi siya nagpahalata. Ang alam niya ay nasa fifty-five years old na ito at may dalawang anak na lalaki pero walang asawa. "Nandito tayo ngayon para pag-usapan ang mga darating na kontrabando at hindi si Aria," sagot niyang gusto umiwas. "You know what, Camillo? Mukhang nakikita ko na ang babaeng magpapahina sayo and I know that it was, Aria. Matanong nga kita. Kailan ka ba nag-bid sa black market? Isa pa, tayo ang nagmamay-ari sa babaeng yun. Sinayang mo ang seven million ng gabing yun. Ano ba ang pumasok sa isip mo para mag bid ka ng ten million samantalang pagkatapos ng gabing iyon ay pwede mo ng kunin ang babaeng iyon at pagsawaan. Kumita ka pa!” "Sinubukan ko lang naman mag bid ng mas mataas sa seven million. Malay mo, may mas mataas pang mag bid," pagkakaila niya ritong sagot. "And just to be clear, kailanman ay hindi ako magiging mahina nang dahil sa babae. Tandaan mo "yan," matigas ang boses ng sagot niya rito. "Mas mataas?" sarkastikong sagot ng kanyang Uncle Richard. "Sa tingin mo nangyari naman ba ang akala mo? Seven million ang sinayang mo!" "Huwag mo na akong sisihin. Nangyari na ang nangyari at wala na akong magagawa pa. Sinayang ko ang seven million and that's my decision, so wala na tayong magagawa pa. Ganun talaga, hindi ba kapag nagsugal ka kailangan tanggapin mo na maaari kang matalo at hindi palaging panalo," sagot niya pa kaya napailing ito. "Ang sabihin mo, you protect that woman. Nakita ko kung paano mo siya lapitan at ibinalot mo pa suot mong suit sa kanya. Sabihin mo nga sa akin Camillo. Kailan mo ba ginawa sa mga babaeng nandito sa club ang ginawa mo kay Aria? Kailanman ay hindi mo yan ginawa---- ngayon lang at hindi ko alam kung anong meron sa babaeng yun... Alam ko na------dahil ba sa bata siya kung kaya ka nagkakaganyan? Ipaalala ko lang sayo na maraming bata dito sa nightclub natin at hindi ka naman nagkakaganyan," sermon pa sa kanya. "Pwede ba, tama na ito. Sige sinayang ko ang seven million at mabilis ko lang naman mabawi yun. Hindi ako magiging mahina dahil kay Aria. Ikaw rin naman di ba? Nagdadala ka ng babae sa hotel room mo at kapag sawa ka na ay bibitawan mo. Ganun di naman ang gagawin ko. Hayaan mo na sa akin si Aria. She's mine. Laruan ko siya." "Damn, Camillo! Hindi pa tayo kumikita sa kanya. Kahit ang puhunan na ipinangbayad sa kanyang stepfather ay hindi pa natin nababawi," galit na sagot sa kanya ni Uncle Richard. "Hindi naman siguro ako mamumulubi sa halagang ibinayad natin sa kanyang stepfather," sagot niyang matigas ang boses. "Isa pa, Uncle Richard, pwede bang huwag ninyong pinakikialaman ang mga desisyon ko? Ako pa rin ang mafia boss sa organisasyon na ito. Kung anong gusto kong gawin at kung anong desisyon ko, siguro naman ay wala na kayong pakialam. Baka kasi nakakalimutan na ninyo kaya pinapaalala ko lang," wika niya ritong nagsukatan sila ng titig. Napansin niya ang panggigigil sa mga mata ng kausap dahil sa kanyang sinabi. Wala siyang pakialam kung hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi. Ang kanyang lang ay ilagay nito sa lugar ang sarili. "Alam mo Camillo kung bakit kita pinagsasabihan? Iyon ay dahil hindi ka lang mafia boss sa organisasyon na ito kundi dahil anak ka ng kapatid ko at ngayong wala na siya ay ako ang tumatayong ama mo at kung hindi mo nagugustuhan ang concern na pinapakita ko sayo ay wala na akong magagawa," katwiran pa nito. "I will ask your advice kung kinakailangan but for now ayokong pinangungunahan mo or pinapagalitan mo ako sa mga desisyon na ginagawa ko. Lahat ng desisyon na ginagawa ko ay kaya kong harapin at kaya kong panindigan ang mga consequences of my actions." "Nakalimutan kong matigas na nga pala ang buto mo, Camillo. Hindi ka na ang batang sa isang sabi lang ay sumusunod na agad. Huwag kang masyadong maging mataas. Huwag mong kalimutang umapak sa lupa. Marami ka pang kakaining bigas at hindi mo pa alam kung ano ang nangyayari sa organisasyon na ito. Oras na magkamali ka ay alam mo ang mangyayari sa'yo," pagbabanta pa nito. "Alam ko naman na hinihintay mo lang na magkamali ako para mapatalsik ako sa organisasyon na ito, hindi ba, Uncle Richard?" tanong niya sa kaharap kaya nagulat ito. Ang akala yata nito ay hindi niya alam ang mga paninirang sinasabi nito tungkol sa kanya. Kinakausap nito ang mga kliyente nila at sinasabi nitong bata pa siya para maghandle ng organisasyon. Batang walang alam pero ang lahat ng iyon ay pinatunayan niya. Pinatunayan niyang mali ito. Pinatunayan niya na kaya niyang humarap sa kahit sinong halimaw gaya nito. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Camillo at kung saan nanggagaling yang mga hinala mo. Ang aking lang ay ang magtagumpay ang organisasyon na ito sa pamamalakad mo at kung mamasamain mo lahat ay mabuti pang trabaho na lang ang mag-ugnay sa ating dalawa," sagot pa nito sa kanya. "This is all the papers," sabay abot nito sa mesa. "Iyan ang mga kontrabando na darating mamaya sa custom at siguro naman makakagawa ka ng paraan para mailabas ang mga yun hindi ba?" tanong pa nito sa kanya bago siya iniwan. Napailing na lamang siya sa inasal ng kanyang Uncle Richard. Madalas ay ganito ang nangyayari kapag nag-uusap silang dalawa lalo na kapag nag personalan na sila pero mga ilang araw lang ang lilipas ay kakausapin na naman siya nito. Hindi naman kasi ito makakapagdesisyon tungkol sa organisasyon kung hindi siya ang tatanungin. Lahat ay kailangan alam niya. Pagkatapos niyang makipag-usap sa kanyang tao tungkol sa mga kontrabando na darating ay may tinawagan siyang tao upang makipag-usap. May mga bagay lang siya na kailangan niyang alamin. Kapag nasa hotel siya ay ilan-ilan ang mga bodyguard na kasunod sa kanya ganun din kapag may mga nilalakad siya tungkol sa kanilang organisasyon, pero bilang isang CEO ng the Saavedra real estate ay hindi niya kailangan magdala ng bodyguard at tanging si Agapito lamang ang kanyang kasa-kasama. Pinuntahan niya kung saan nakatira si Aria. Pinagbuksan siya ni Agapito ng pinto. Pagbaba niya ng sasakyan ay nakita niya ang bahay ng babaeng kasama niya ngayon sa kanyang hotel. Malaki naman ang bahay ng mga ito at may nakita rin siyang dalawang sasakyan sa labas ng garahe. Hindi niya tuloy mapigilan hindi magtaka kung bakit nagawang ibenta si Aria sa kanila. h Nakadama siya ng awa sa babae. Maganda naman kasi ang pamumuhay ng mga ito. Kung hindi pala siya sumali sa bidding ay pinagpasapasahan na ito ng mga lalaki. Napakuyom siya sa kanyang kamao dahil sa naisip. The women who work in the nightclub are not forced to do so since they enjoy their jobs and the large sums of money offered to them for one night's pleasure. They are not just any other nightclub. It's a secret, and important people from the society come in at kung may bintahang nagaganap sa mga babae iyon ay dahil sa mga VIP members na labas-pasok na sa kanyang hotel at nag-aalok ng babae. The women who are sold to them are taken to the black market, where human trafficking begins. Even before he entered the organization, it was rampant among the organization's members. "Sigurado ka bang ito ang address na ibinigay sayo ni Omar?" tanong niya kay Agapito. "Yes, Don. Ito ang address na binigay sa akin ni Omar kanina at ayon sa kanya ay dito nakatira ang stepfather ni Aria na si Luis Martinez kasama ang asawang si Lourdes at dalawang anak na babae. Ang alam ko ay lubog sa casino ang stepfather niya at maging ang asawa niya ay ganoon din. Malaki ang pagkakautang nila sa atin," sagot pa sa kanya ni Agapito. Hindi niya mapigilang ang hindi mapailing. Dahil sa bisyo ay nagawang ibenta ang anak. Nakakalungkot lang isipin na may mga ganun magulang. At ang malas ni Aria sa mga ito. Naunang naglakad si Agapito at nag doorbell sa gate ng mga Martinez. Ilang sandali pa ay may katulong naa lumabas at pinagbuksan sila. Nagpakilala muna si Agapito bago sila pinapasok. Pinagmasdan niya ang buong bahay ng mga Martinez. Wala naman siyang maipipintas sa bahay dahil maayos ito iyon at kumpleto sa kasangkapan. "Don!" bulalas ni Luis na hindi makapaniwala nang nakita siya sa loob na pamamahay ng mga ito. Alam niyang kilala siya nito pero siya, hindi niya matandaan ang mukha ng lalaking kaharap sa dami nang mga pumupunta ng club. "Maupo muna kayo, Don. Sandali lang at tatawagin ko lang ang asawa ko," wika nitong natataranta. Tumango lang siya sa sinabi niyo dahil sa totoo lang gusto niya itong sakalin at pagbayarin sa ginawa nito kay Aria. Ipinaghila siya ni Agapito ng upuan kung kaya umupo siya samantalang ito ay nanatiling nakatayo sa kanyang likuran. Hinintay niyang muling bumalik si Luis kasama ng asawa nito Sa pagbalik ni Luis ay kasama na ang asawa nito. "Ang asawa ko nga pala, si Lourdes. Pakilala nito sa ginang na nasa harapan niya ngayon. Pinagmasdan niya ang walang kwentang ina ni Aria. Nakapostura ito at todo ang alahas. Nakangiti pa itong nakatingin sa kanya. "Magandang umaga, Don!" bati sa kanya ginang "Mas maganda siguro kung nakaupo kayo para makapag-usap tayo ng mabuti," sagot niya. Nag-agawan pa ang mga ito ng upuan. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nandito ako dahil sa anak ninyong si Aria. Gusto ko lang malaman kung bakit nagawa ninyong ibenta ang inyong anak lalo na sa inyo, misis, dahil babae rin kayo," taas noong tanong niya sa mga ito. Napansin niyang natigilan ang mag-asawa. Nagkatinginan pa ang mga ito. Nagulat pa siya nang biglang umiyak ang asawa ni Luis. Iyak na alam niyang may halong pagkukunwari. Kay galing nitong artista. Pang famas ang aktingan nito. "Ang totoo niyan, Don, ayaw ko rin naman siyang ibenta roon, pero kasi pariwara ang buhay ng aking anak. Noon pa ay sakit na siya ng ulo. Kung sino-sinong lalaki ang kanyang sinasamahan upang masunod lamang ang luho niya at nang malaman niyang nalubog kami sa utang at kailangan nilang huminto sa pag-aaral ay nakiusap siya sa Papa niya na hanapan siya ng trabaho. Isa pa po, alam niya naman kung ano ang trabahong pinasukan niya," wika pa ng ginang lalong ikinainis niya. Maniniwala sana siya rito kung hindi niya nakasama si Aria. Sumisinghot-singhot pa ito sa pag-iyak. "Bakit, Don? Ibabalik ba ninyo sa amin ang aming ana? Babawiin mo ba ang binayad ninyo?" sunod-sunod na tanong sa kanya ni Luis. "Kung ibabalik ninyo sa amin si Aria ay tatanggapin namin siya pero hindi na namin maibabalik ang perang binayad ninyo," dagdag pa nito. Lumalabas talaga ng pagiging mukhang pera ng dalawa. "Nagtataka lang kasi ako kung bakit nagawa ninyong ibenta si Aria sa kabila ng karangyaang nakikita ko naman sa bahay ninyo ngayon. Mukhang hindi naman kayo naghihirap," sagot niyang pauyam ang boses kaya natigilan ang mga ito. "By the way Luis, gusto ko sanang makita ang birth certificate ni Aria. Gusto kong malaman kung seventeen years old ba talaga siya." wika niya pa. "Alam mo naman sa black market hindi ba? Hindi naman dahil sa sinabi mong seven years old ka ay paniniwalaan na. Gusto ko lang masiguro ang edad niya." "Oo naman, Don," sagot kaagad ni Luis pagkatapos ay inutusan nito ang asawa. Pagbalik ni Lourdes ay may dala na itong brown envelope. "Nasa loob niyan ang birth certificate niya. Buksan mo!" utos pa sa kanya ng ginang. "Sa kotse na lang. Gusto ko na rin ibigay sa inyo itong tseke," wika niya. Inabot ni Agapito ang tseke sa mga ito. Nag-unahan pa ang mga ito sa pagtanggap. " Additional one million yan. Ipagpalagay na natin na bonus iyan dahil sa pagbebenta ninyo sa akin pero gusto ko lang linawin sa inyong dalawa na wala na kayong karapatan sa inyong anak. Nagkakaintindihan ba tayo?" "Oo, Don! Oo!" nagmamadaling sagot ni Luis. Napatitig pa ito sa tseke na ibinigay ni Agapito. Kapag pera talaga ang pinag-uusapan ay napakabilis ng tao. “I have to go,” wika niyang tumayo nang makita niya ang dalawang anak ng mag-asawa na pareho babae kaya natigilan siya. Malayong-malayo ang itsura ni Aria sa mga ito. Higit na maganda at maputi si Aria. “Hi,” bati niya pa. Napansin niyang kinikilig ang mga ito sa kanya. Tiningnan niya si Luis. “Ang mga ito ba ay hindi mo ibebenta sa akin?” tanong niya upang marinig ng mga anak nito. Nataranta ang mag-asawa lalo na si Luis. Hindi malaman kung paano siya pipigilan. “Hindi!” sagot ni Luis sa kanya. “Ano pong ibebenta?” tanong ng isang dalagita. “Tulad ng ginawa ng Papa mo sa Ate Aria ninyo. Ibinenta siya sa mga lalaki sa club,” sagot niya pa kaya natigilan ang dalawang magkapatid. Napansin niya ang pagkagulat sa mga ito. Tiningnan niya si Luis. Wala itong nagawa sa kanyang sinabi. “Tawagan mo na lang ako Luis, kung ibebenta mo na ang mga anak mo. Good client ka naman,” pauyam niya pang sagot bago tumalikod. Hindi niya mapigilang ngumiti nang marinig niyang nagtatalo-talo ang mag-anak. Akala yata ng mag-asawa ay basta na lamang siya aalis na walang pasabog sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD