I’m getting married

1680 Words
CHAPTER 04 Marahang ipinasok ni Zack ang sasakyan sa parking space na naka reserved para sa kanilang magkakaibigan. Okupado na ang pwesto ng tatlo indikasyon na siya na lang ang hinihintay. Nang makababa na ng sasakyan ay agad na tinungo ni Zack ang elevator sa basement upang marating ang second floor ng hotel bar. Sa second floor matatagpuan ang pribadong mini-bar ng kanyang kambal na kaibigan. Dito sila madalas na magkita-kita ’pag mayroon silang pag-uusapan na importante, o kung nais lang nilang mag-relax from stress and workloads. Matapos buksan ni Zack ang pinto gamit ang kanyang black keycard ay agad na siyang pumasok sa loob. Nakakailang hakbang pa lang siya ng kanyang mapansin ang nakabibinging katahimikan. Nang inilibot niya ang paningin sa apat na sulok ng k’warto ay doon niya nakita ang tatlong kaibigan. Ang kambal na si, Tommy at Timmy na magkaharap habang umiinom at naglalaro ng chess. Si Tristan naman ay abala sa pagtitipa ng kanyang laptop. “Uhm!” Tumikhim si Zack upang ipahiwatig na nariyan na siya. Tumingin lang saglit sa kanya ang kambal at mabilis pa sa alas k’watrong ibinalik ang atensyon sa paglalaro. Doon niya naunawaan na talagang pinag-tripan siya ng mga ito. Habang kinukuha niya ang basong maylamang alak sa mesa ay palipat-lipat ang kanyang tingin sa kambal na nasa kanyang harapan. Nakaramdam si Zack ng inis sa pagkukunwari ng mga ito na hindi siya napansin, at gusto niyang pag-umpugin ang dalawa. Kaya ay gigil na lang niyang ibinaling ang paningin sa ibang direksyon, ngunit mas lalo lang nainis si Zack nang humantad sa kanyang paningin ang sign na ‘T and T, drink the f**k up!’ Napailing siya habang hinihilot ang kanyang sentido. Iniisip niyang talagang magaling ang mga ito pagdating sa kalokohan. Ngunit masasabi n’ya rin na kahit paano ay may panahon na nagiging matino naman ang magkapatid. Pero sa ngayon ay talagang b'wisit siya sa mga ito. Kitang-kita niya kung paano magpigil ang dalawa na huwag siyang pagtawanan. Tila ay napanood na rin ng kambal ang mga nangyari sa kanya sa balita, tungkol sa babaeng kanyang hinalikan. “Tsk!” Papansin ulit ni Zack sabay bagsak na paglapag sa table ng hawak niyang glass of vodka. Natapon sa mesa at sa kanyang kamay ang ibang laman ng baso, dahilan upang mas lalo siyang mainis. Nakabusangot siyang umupo at tumingin nang masama sa kambal. “Uy, bro! Nandito ka pala?” tanong ni Tommy sabay kalabit sa kanyang kakambal. Nagkukunwari naman itong umiinom at naglalaro na halata namang binabantayan ang kanyang bawat kilos. “Uy, bro! How was your kwek-kwek experience?” tanong ni Timmy sa kanya sabay ngiti ng nakaloloko. Inaasar na naman siya nito na talagang nagpapawala sa kanya sa tamang timpla. ‘Isa na lang talaga!’ inis na turan ni Zack sa sarili. “No! No no, we mean your kiss with the kakanin vendor,” sabay turan ng kamabal habang inilalapag sa mesa ang mga kakaning hindi niya malaman kung saang lupalop nila ito nakuha. ‘Ito talagang dalawang ’to! Pag ’di ako nakapagpigil.’ Para siyang baliw na nagpipigil sa isipan. Pakiramdam niya ay puputi ang kanyang mga buhok nang maaga kung ito ay magpapatuloy pa. “Talagang mga g*g* kayo!” matapos iyong isigaw ay ibinato ni Zack sa kanilang dalawa ang mga kakanin na inilatag nila sa mesa kanina. Naisip ’man n’yang sayang ang mga ito e, wala naman siyang ibang makita na p'weding ibato sa dalawang isip-batang kaibigan. “’Buti pa si Tristan, tularan nga ninyong dalawa at nang tuminutino naman kayo kahit na konting-konti,” turan ni Zack sabay tingin kay Tristan. Ngunit tila ay nakaka-pansin s’ya na parang may mali rin dito. Mukha itong may itinatago na hindi n’ya lang mawari kung ano. Nang bigla na lang sabay na humagalpak nang tawa ang kambal. “G*g*! Siya kaya ang mastermind namin. Tingnan daw namin kung mauuto ka na pumunta doon sa magulong palengke at tumikim ng kwek-kwek. Naka-bonus ka pa nga 'di ba? With a kiss,” sabi ni Timmy at tuloy lang ang kanilang pambwibwiset sa kanya na tila ba ay wala ng bukas. “Ang laki kaya nang napanalunan n'yan sa pustahan namin,” dagdag pa na saad ni Tommy. Nag-pout pa ito na animo’y nagpapa-cute. Paglingon ni Zack, wala na si Tristan. Pati ang laptop na kunwari n’yang tinitipa kanina to cover up things, lalo na ang kabulastugan na ginawa n’ya sa kaibigang si Zack. Nang sinubukan itong hanapin ni Zack, nasa panghuling table na ito at halos mamatay na sa katatawa. Mistula sinaniban ni spirit of Joy ang tatlo niyang kaibigan na sobra kung makatawa sa kanilang pinaggagawa. “Ang g*g* ninyo! Ilang taon na ba kayo?” pasigaw niyang tanong sa tatlo. “We're both 24, Mister,” sagot ng kambal habang naka-crossed arms. ‘s**t! Talaga, I was wondering kung bakit ko kayo naging kaibigan,’ wika ni Zack sa sarili na hindi maiwasang mapa-kamot ulo. “Tsk. Tristan!” tawag ni Tommy kay Tristan. Hindi pa rin tumitigil sa pagtawa ang dalawa habang si Timmy naman ay inaayos na ang mesa. Inilapag niya ang bagong bukas na alak at pinunasan ang natapon ni Zack na inumin kanina. Nang bumalik ang dalawa sa mesa ay maayos nang nakaupo sina Zack at Timmy. “I’m in a serious situation right now,” panimulang sabi ni Zack na siyang ikinalingon ng tatlo sa kanya. “If it's about money, we can't help,” sabay sabi ng kambal. Napapailing na lang si Zack at sumimsim nang marahan sa basong hawak niya. “But, if it's about girls. Let us take over it,” turan ni Tristan. Sa paraan ng pagkaka-ngiti nito ay aakalain mong isa itong g’wapong manyak. “I know I can't count on the three of you when it comes to money. Ang yayaman nga ninyo, ang kukuripot niyo naman! And I have my own money.” “Chillax bro! We don't want you to be buried six feet below the ground, yet,” nakangising saad ni Tommy. Agad naman siyang tiningnan nang masama ni Zack. Inayos na lamang ni Zack ang suot na jacket at nagsimulang magsalita bago pa siya ulit makarinig ng walang kwentang kumento. “I'm getting married.” Nais matawa ni Zack sa naging reaksyon ng tatlo. Ito ’yong literal na laglag panga na talagang papasukin ng langaw. "Who could that lucky mairman be?" Tristan asks ng makabawi ito sa pagka-bigla. “Saan mo na naman ba nakuha ang linya na ’yan bro?” tanong ni Tommy sa kanya habang pinipigil na ’wag matawa. “Doon sa pinapanood na disney cartoon araw-araw ng pamangkin ko,” sagot ni Tristan na mukhang lutang. “To whom bro?” tanong naman ni Tommy sa kanya. “I don't know yet,” sagot naman ni Zack na hindi pa rin alam kung sino at kanino siya ikakasal. Nagkatinginan sandali ang kambal na halatang may binabalak na naman na kalokohan. “Ako na lang please,” saad ni Timmy sabay hawak sa kamay ni Zack na nakapatong sa mesa. Matapos iyong sabihin ay nagtawanan na naman ang tatlo na ikinainis ni Zack. Tumigil lang sila sa pagtawa nang napansin ang tingin niya na papatay na anytime. “Paano ka ikakasal sa hindi mo alam bro?” tanong ni Tristan na hindi rin maitago ang kuryosidad sa kanyang sitwasyon. “I mean I'll be meeting her soon,” sagot niya naman na mukhang alanganin din sa kung ano ang mga susunod na mangyayari. “Baka mukha ’yang isinumpa ni Maleficent, bro huh,” sabi ni Tristan nang diretso. Iniisip ni Zack na tila mukhang may seryoso pa yata na problema si Tristan kaysa sa kanya, at iyon ay ang problema sa pag-iisip. “Bakla ka ba? kung ano-ano na ang pinagsasabi mo,” sabi ni Zack sa kaibigang madalas lutang. Nagtatawanan na lang silang tatlo sa mukha ni Tristan na bigla na lang someryoso. “How did it happen bro? I mean, wala na ba kayo ni Filicity?” Timmy asked. Nagtataka silang tatlo sa biglaang desisyon ni Zack na magpakasal. “It's because of my grandfather's will before he died. And no! Kami pa rin ni Filicity until now. She has just been busy these past few months. And she didn't know about this s**t yet." Napa buntonghininga na lamang si Zack nang pumasok ang nobya sa kanyang isipan. “She will be beyond displeased and sad if she'll learn about this . . .” bulong ni Zack sa malungkot na boses. “Bakit kasi kayo nag lunoy-lunoy sa bawal na pag ibig ni Filicity?” tanong ni Tristan na talagang nagpapa-gulo sa kanilang isipan kung nag-iisip pa ba ng tama ang kaibigan. “Ano ba talaga ang sininghot mo, bro?” natatawang tanong ni Timmy kay Tristan na siyang ikina-ngunot ng noo nito. Nakikinig ’man sa mga kaibigan ay paminsang lumilipad ang isipan niya. Kahit anong pilit na pag-iisip ni Zack ng mga positibong bagay ay talagang nawawalan siya ng pasensya sa mga nangyayari ngayon sa kanya. “Cursed this family's quarrel we have!” hindi na niya napigilang ibulalas. “Basta bro, balitaan mo kami kung ma-meet mo na ’yung girl huh,” sabi ni Tommy with his matching fake sincerity. “Tsk! As if I'm excited,” pa-sarkastikong saad ni Zackary. "Baka naman ma involved ka, kung maganda ’yun, bro," Timmy said while fixing his brows with his saliva. Umarte namang nasusuka ang kakambal nito nang makita ang ginawa ng kapatid. Tiningnan na lang sila ni Zack. Hindi niya lubos maisip na magmahal o ma-in-loved sa iba. Para sa kanya ay mahal na mahal niya si Felicity and he knows that she loves him too. Marami silang pangarap para sa kanilang dalawa. Matagal niya na ring hinihingi ang mga kamay ng dalaga, subalit ’lagi naman nitong inaayawan. Mas importante para sa dalaga na matupad muna ang pangarap niya at ng ina nito. ’Liban sa abala pa ang nobya sa career nito ay bawal din ang kanilang pag-iibigan. Kaya ay naghihintay pa rin si Zack sa nobya hanggang ngayon. Pareho silang naghihintay sa tamang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD