Coffee place

1509 Words
CHAPTER 05 Nasa labas pa man ng establisyemento ay agaw atensyon na ang isang lalaki. Siya si Mr. Trevor Devrox, ang ama ni Zackary. Ngayong araw na ito ay magkikita sila ni Katrina Makini, ang ina ni Etel. Ngayon sasabihin ni Trevor ang tungkol sa kanyang mga plano sa dalagang anak ni Katrina. Hindi niya mapigilang mapangiti, sapagkat talagang agaw atensyon pa rin s’ya sa mga babaeng naroon sa coffee place. Kahit may-edad na ay napapatingin pa rin ang mga ito sa kanya. 'Liban sa kanyang g’wapong mukha ay mala-modelo pa rin ang kanyang tindig. Mababanaag mo pa rin kung ano s’ya noong mga panahong kasagsagan pa ng kanyang karera. Maging s’ya man ay naging modelo rin at endorser ng sikat na Cleopatra Rensè. Natigil lamang ito nang makilala niya si Elicia, ang ina ni Zackary at asawa na n’ya ngayon. Nang tuluyan ng makapasok sa loob ay tinungo niya ang kanyang personal table, it's his perk of being the co-owner of the coffee place. Kagaya ng nakagawian, the waitress served him a black coffee. Hindi ’man palaging nagagawi sa lugar ay alam naman niya ang mga pangyayari dito. Katulad na lamang ng babaeng nagdala ng kanyang kape, ito ay bagong hire nila. Napapailing na lang siyang pinagmasdan ang papaalis na dalagang sinadyang tanggalin ang dalawang butones ng suot, upang humantad nang bahagya sa kanya ang dalawang bilogang dibdib nito. Ilang minuto lang ang nakalipas ng muling bumukas ang pintuan. Dito maarting pumasok ang babaeng halos lumuwa na ang dibdib sa suot netong low V-shape neckline. Halos lumabas na rin ang underwear nito dahil sa ikli ng kanyang suot. Maikli na nga ito, mayroon pang two inches slit sa gilid. Maputi naman ang babae, subalit maaasiwa kang tumingin sa kanyang binti dahil sa naglalabasang varicose veins. Mistula s’yang babaeng bayaran na hindi pa naibebenta. Nang makita ni Trevor ang babae ay agad niya itong tinawag at pinaupo sa bakanteng upuan. Pansin n’ya ang taas noong paglalakad nito na animo’y isang reyna at dapat na luhuran. “Kumusta ka na Katrina?” tanong ni Trevor sa babae nang matapos ito sa pagpapa-cute sa kanya at nakaupo na nang maayos. “Mabuti naman ako Mr, Devrox.” Sabay pilantik nang eyelashes extension nito. Binigyan niya nang isang makahulugang tingin ang babae. Mukha namang nakuha agad nito ang ibig niyang sabihin. “Ah, eh . . . ano kasi, Mr, Devrox. Kung maniningil po kayo sa akin ngayon, e wala kayong mapipiga kahit singkong duling. Alam n’yo namang talo na naman ako sa pagkakasino ko,” litanya ng babae na humantong din naman sa pagtanggi na magbayad. “Yes, you are right. I want to see you, para makapaningil ako. But I am also here to offer you a fair proposal. I want you to give your daughter to me kapalit ng sampung milyong peso,” saad n’ya sa walang pag-aalinlangan. Kilala si Katrina na lulong sa pagsusugal at hinding-hindi ito makaka-tanggi when it comes to money. Sadyang bantog ang babae sa pagsusugal. Simula noong maypera pa ito, hanggang sa namulubi at nagka baon-baon sa utang. Mula nang mabaon ito sa utang ay nagsimula rin ang pagiging lasinggira nito. Kilala naman si Mr. Trevor Devrox bilang matigas at matalinong tao dahil sa laki ng kanyang mga casino assets at isa s’ya sa mga stockholder ng black market. Sa kabila ng kanyang nakakatakot na katayuan sa lipunan ay mayroon pa rin naman siyang malambot na puso. Kilala rin s’yang natural na maawain pagdating sa mga bata at paslit. Ngunit, naaawa man sa dalagang balak n’yang bil’hin ay alam n’yang mas mapapabuti ito sa poder n’ya. Sa ganitong mga sitawasyon ay talagang napapa-isip na lang siya na ganito ang mundo na kanilang ginagalawan. Malupit at dapat ay matuto kang makibagay. Iyan lage ang inisip ng mga kagaya niyang may natitira pang-awa para sa mga paslit na nadadamay sa pagkalulong sa sugal ng pabaya nilang mga magulang. Hindi nakawala sa kanyang paningin ang pamimilog ng mga mata ni Katrina nang marinig ang halagang sampung milyon. “Sa-sampung milyon po?” nauutal- utal na turan ng babae. Halata mo sa boses na hindi ito makapaniwala sa kanyang narinig. Mistula itong naging musika sa kanyang pandinig. “Yes Katrina, at hindi na rin kita sisingilin sa pagkakautang mo sa 'kin. Give me your daughter at iyong-iyo na ang sampung milyon.” Kitang-kita niya ang halos hindi maikubling mga ngiti ng babae, mga ngiting mukhang nanalo ito sa lotto. Naiisip niyang mukha talaga itong pera. Ano’ng klaseng ina ang ibebenta ang sariling anak para sa pera. Kung susumahin ay talagang malala na ang pagka-adik ng babae sa sugal. Hindi niya mapigilang maghimutok sa sarili, may mga taong binigyan ng anak kahit wala itong kakayahang magpalaki at mag-alaga. Mayroon namang kayang ibigay ang lahat sa anak, ngunit hindi naman nagantimpalaang magka-anak. “Sige po, Mr. Devrox. Kailan ko po makukuha ang pera?” Napa-ngiti si Trevor. Ang ibig sabihin ay tagumpay siya sa kanyang ninanais. “Kahit kailan mo gusto, anytime! P'wede rin na kami mismo ng mga tauhan ko ang pumunta sa bahay n'yo,” Talagang hindi mahirap kausap ang mga taong gahaman pagdating sa pera, iyan lang ang tanging nasabi ni Trevor sa sarili. “P'wede po bang, mamayang hapon?” Pangiti-ngiting tanong ni Katrina, dahilan upang makita ni Trevor ang kanyang ngipin. Naka fully-brace ito habang naka siksik ang mga cake na maarteng kinakain nang babae. “Sige, as you wish, nearly madam.” Sabay ngiti niya sa babaeng mukhang p****k kung manamit na siyang ikina mula nito. Nais masuka ni Trevor sa muling pang-aakit sa kanya ni Katrina. Unti-unti pa nitong ibinuka ang hita upang makita n’ya ang suot netong pulang underwear. “Uhm! Well, I guess we're settled.” “Sige po Mr, Devrox. Magpapaalam na ako at kakausapin ko pa ang aking anak," wika nito na akalain mong ganun lang ka simpleng bagay ang ibenta ang anak sa iba. Natatanaw ni Trevor si Katrina malapit sa may parking space . Matapos itong magpaalam ay sumunod naman siyang lumabas sa coffee place. Ang kanyang buong akala ay naka layo na ito, o nakasakay na palayo sa lugar. Papasok na sana s’ya ng kanyang kotse nang sa hindi sinasadya ay narinig niya ang pakikipag-usap nito sa telepono. Naka loudspeaker ito at mukhang nasa bahay lang dahil sa lakas ng boses kung magsalita. “Oo nga, Ana!” “Oh, well, wala naman talagang ipinagbago ang alindog natin mami. Ano nga? B’at ka nga uli napatawag?” “May gusto ng babae rito, ang talagang gusto niya ay anak ko. Kaso baka mapurnada ang perang ibabayad niya pag nakita ang hitsura ni Etel.” “Mami talaga! Ano mayaman ba?” “Ay, oo sobra!” “Hindi ba matanda mami?” “Sus Ana! Kung p'wede lang ako e pinatulan ko na! 50 years old na si Mr. Devrox pero ang macho pa rin!” “Ay! Sige. Sige mami, ’yan ang mga type ko, hot daddies! Anyway mukha naman tayong mag-ina parehong maganda at sexy, so okay ako r’yan. Baka gawin pa akong asawa n’yan!” “Alam ko, kaya nga ikaw ang tinawagan ko e.” “Sige mami! Kailan daw?” “Punta ka sa bahay mamayang hapon, susunduin ka nila. Basta, ang sasabihin natin, tayo ang mag-ina!” “Baka makita nila si Etel.” “Sus! Walang papansin do'n! Mukha 'yong manang.” “Mami, sige go! Puntahan kita sa bahay ninyo mamaya mami, bye!” “Okay, paganda ka ng husto, huh!” “Yes mami! Leave it all to me baka atakihin si hot daddy pag nakita ako.” “Gaga! Pagnangyari ’yon! Hindi tayo mababayaran!” “Joke only! Bye mi!” “Sige bye!” Napapailing na lang si Trevor sa mga narinig. Kaya ay nag pasya na lamang siyang tawagan na rin ang anak upang makapaghanda ito. Wala pa mang ilang segundo ay agad na nitong sinagot ang kanyang tawag. “Hello, son.” “Yes, dad?” “Prepare yourself, son! For you will going to meet your future wife,” sabi niya sa anak ng may pang-aasar na tuno. Gustong-gusto n’yang inaasar ang anak na ubod nang seryoso. “Shut up dad! Okay i'll be there, what time? And give me the address.” “Oh! Excited?” “Dad!” Hindi mapigilan ni Trevor ang mapangisi. Effective as usual ang kanyang mga pang-iinis dito. “This afternoon. Okay, I'll send you the address,” turan niya na hindi pa rin maikubli ang mga nakalolokong ngiti. “Okay dad, Bye!” Naaaninaw n’ya pa rin sa tuno ni Zack na hindi ito natutuwa at talagang sagad sa buto ang inis nito. Naaawa man sa anak ay wala s’yang magagawa para rito kung hindi ang mas pabilisin na lang ang kasal nito. Hindi man boto para sa babaeng minahal ng anak ay wala naman s’yang magagawa dahil napagsabihan na n’ya ito ng maraming beses. Ngunit wala pa ring nangyayari at hanggang ngayon ay patay na patay pa rin ito sa sikat na nobyang singer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD