Chapter 02
Malalim ang iniisip ni Zackary habang nakatanaw sa malalagong tanim na rosas ng kanyang ina sa hardin. Mababanaag mo ang matinding lungkot sa kanyang mga mata habang nakatitig sa naggagandahang mga rosas. Hindi mapigilan ni Zack ang mapabuntonghininga. Ipinatawag siya ng kanyang ama sa opisina nito. Alam na kaagad ng ama ang nangyari kahapon, sapagkat nasa balita na ito at kalat na kalat. Napukaw lamang ang kanyang atensyon nang tumunog ang kanyang telepono na nakalagay sa loob ng kanyang suit. Salubong ang kanyang mga kilay nang mabasa ang mensahe ng kaibigang si Tommy. Hindi niya mapigilang isipin na pinagtripan na naman siya ng mga ito.
Napailing siya at ibinalik sa bulsa ang telepono. Dahan-dahan siyang naglakad at umupo sa couch. Tahimik na sinulyapan ni Zackary ang ama na ngayon ay isinasara ang gamit na laptop. Napansin niya ang guhit sa noo ng ama at seryosong hitsura nito na halatang maraming iniisip. Alam niya na marami itong mga suliranin. Labis pa rin ang naging epektong naidulot sa kanilang pamilya dahil sa isang masamang pangyayari kahit maraming taon na ang nakalipas.
‘‘That girl na kasama mo roon sa iskandalo na iyong napasukan, what if, siya na lang? Baka pumayag siya ‘pag pinainan mo ng pera?’’ tanong ng kanyang ama. Napatitig na lang si Zackary sa kamay ng ama na nilalaro ang hawak nitong panulat. Narito siya ngayon sa opisina ng ama sapagkat may pag-uusapan silang importanteng bagay. Bagay na hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin. Hindi niya mapigilang mapaisip sa suhestiyon ng ama. Bumalik na naman sa kanyang alaala ang babaeng hinalikan. Nabubuwisit man siya sa babae ay nahahabag din naman. Nakatitig si Zack sa kawalan habang binubuo ang mga senaryo na makakasama niya sa isang bahay ang babae. Pakakasalan ang isang panget na babae at araw-araw niya itong makikita sa kanilang mansyon. Wala sa sariling nandiri at napailing si Zackary. Naglalaro sa kanyang isipan ang magulong buhok ng dalaga. Ang makapal nitong salamin sa mata, long sleeve na pantaas, amoy araw, at amoy galunggong na hininga.
‘No way!’
Hindi magkandaugaga sa pag-iling si Zackary sa mga naiisip. Sa kabilang banda ay naging positive naman sa kanyang imahe noong malaman ng mga fans niya na naroon siya para kumain ng kwek-kwek. Dahil ito sa pag-intriga sa kanya ng mga kaibigan na masarap daw ang pagkain na ’yon at talagang maanghang. Wala siyang inuurungan na kahit na ano mang maanghang na pagkain. Ito ang naging dahilan kung bakit talagang nadala siya sa sulsol ng mga kaibigan.
Napangiti siya nang maalala ang halik na ninakaw mula sa dalaga. Naisip niyang mukhang hindi naman ganoon kasama ang nangyari. Hindi naman ganoon kasama ang babaeng tinawag niyang manang. Hinawakan niya nang wala sa sarili ang kanyang mga labi. Inaalala ang malambot na labi ng dalaga. Napangiti na naman siya nang maalala ang pagkabigla nito sa halik. ‘She seems to be a first timer,’ nasabi ni Zack sa sarili base sa reaksyon ng babaeng hinalikan. Balak pa sana niyang bayaran ang dalaga kung nakipag-cooperate lang ito sa kanya. Hindi niya mapigilang isisi rito ang kinahinatnan ng biglang pagtakbo nito. Inakala kasi ng mga reporters at mga tao na nakakita sa kanila na may relasyon sila ng dalaga. Dinaig pa ng dalaga ang kidlat sa tulin ng pagtakbo nito. Iniisip ni Zack na kung ibang babae pa iyon ay malamang nagkukumahog nang makunan sa camera kasama siya. Ngunit iba ang ginawa nito, tumakbo ito nang walang lingon-lingon. Maraming pumasok na masamang mangyayari sa isipan ni Zack kung nagkataon na nakunan ang mukha ng dalaga. ’Liban sa magugulo ang buhay ng inosenteng babae ay magiging issue pa ito sa pagitan nila ng kanyang girlfriend. Sa ngayon ay tumatayo pa rin ang balahibo ni Zack sa tuwing naaalala ang mala-baka na boses ng dalaga. Hindi niya lubos maisip na may mga tao talaga na hindi pinalad pagdating sa hitsura, at kabilang roon ang babae na parang sinalo na ang lahat ng negatibo sa mundo.
‘‘Son, what do you think?’’ pukaw ng ama sa malalim niyang iniisip.
‘‘You should make your decision right away, son, bago ka pa maunahan,’’ pagpapatuloy na panenermon ng ama sa kanya.
‘‘Look, Dad! I love my girlfriend so much. I already told you about it over and over again. And I'm no longer a kid, so please,’’ mariin niyang saad. Mistulang naririndi na rin sa paulit-ulit na paalala nito.
Zackary is mad, because of their family’s custom. Hindi niya maunawaan kung bakit kailangan nasadlak siya sa ganitong sitwasyon.
‘‘Look, it's not my will. It's your grandfather's will. Kung gusto mong manahin ang Devrox Empire, Devrox industry at lahat ng ari-arian ng lolo mo, then you should follow his will. O baka gusto mong maunahan ng mga gahaman mong mga pinsan? Alam mo na mas pipiliin ng lolo mo na ikaw ang magmamana ng lahat,’’ mahabang litanya ng ama. Napukaw nitong muli ang kanyang dahilan kung bakit kailangan niya itong gawin. O mas tamang sabihin na magsakripisyo para sa ikauunlad ng kanilang angkan.
Aminado naman siyang bago namatay ang kanyang lolo ay nangako siyang gagawin ang huling habilin nito. It was just too unfair on Zachary's side because his lolo wants him to get married. Ito lang ang tanging paraan upang manahin niya ang mga ari-arian ng namayapang lolo, kaysa mapunta ito sa dalawa niyang kamag-anak. Tatlo silang tagapagmana na mga apo kaya hindi nagawa ng kanyang Lolo na ipamana sa kanya nang diretso ang mga ari-arian nito. Mayroong kostumbre ang kanilang pamilya kung saan ay pipili ito ng tatlong apong lalaki, at kung sino man ang makaka-fulfill ng gusto niya ay siya ang magmamana ng lahat. But in Zachary's case, his grandfather wants him to get married. Dahil noon pa man ay ninais na ng kanyang lolo na lumagay na siya sa tahimik bago pa ito tuluyang mawala sa mundo.
‘‘Then I'm going to marry my girlfriend, Filicity, Dad,’’ mariing sabi ni Zack.
Tinaasan lamang siya ng kilay ng kanyang ama. Nakikita ni Zack ang frustrations ng ama dahil sa tigas ng kanyang ulo.
‘‘Come on, Zackary! Then it will all be in vain. Useless din! Alam na alam mo ang patakaran ng pamilya natin. Doon ka pa talaga na-inlove sa isang Falcon.’’
The Falcon family is their number one enemy. Sa sobrang tagal na ng alitan ng kanilang pamilya ay hindi na niya alam kung saan at kailan ito nagsimula.
‘‘Then, what do you want me to do, Dad?’’
‘‘Find a girl that you can marry na papayag sa gusto mo at sa lahat ng magiging set up. It's because we can't do the annulment. Ipinagbabawal 'yon.’’
Napahilamos na lamang si Zackary ng kanyang mga kamay nang maalala na hindi maaaring ma-annul ang kanyang magiging kasal. Mabigat ang kanyang pakiramdam na nagmamakaawang tumingin sa ama. Nais niyang si Filicity ang una at huling babaeng ihaharap niya sa altar. Ngunit, talagang hindi maaari.
‘I hate this family name that I have.’ Himutok ni Zack kanyang isipan. Tanging pagmamahal lang niya sa kanyang lolo ang dahilan kung bakit napipilitan siyang gawin ang mga bagay na ni sa panaginip ay hindi niya magagawa. Ayaw niya rin naman na mapunta kay Gabriel at Caleb ang yaman ng kanyang Lolo. Alam niya higit kanino man na mawawala ang future nito. Ang yaman na mula pa sa kanilang mga ninuno na minana nila hanggang ngayon. Hindi man nila mapantayan sa ngayon ang yaman ng mga Lutherford ay pumapangalawa naman sila. Naputol ang malalim na pag-iisip niya nang muling nagsalita ang ama.
‘‘I have a friend of mine, malaki ang pagkakautang niya sa ’kin. Mayroon siyang dalagang anak. I know na papayag siyang ipakasal sa ‘yo ang anak niya.’’ Nagtataka na nakatitig si Zackary sa ama. Naging katanungan sa kanyang isipan na kailan pa nagkaroon ng kaibigang malapit ang ama.
‘‘Hindi ba ‘yan maghahabol, Dad?’’ tanong niya sa ama na may halo pa ring pagtataka sa kanyang isipan.
‘‘Then we'll do everything para hindi magka-gano’n.’’ Nagdadalawang-isip man ay wala siyang pagpipilian. Masyadong maikli ang kanyang panahon upang gawin ang mga bagay na mas nais niyang mangyari.
‘‘Okay, tell me the name of that friend of yours. Ako mismo ang makikipag-settle. I'll make sure na papayag siya.’’ Bagsak ang balikat ni Zack na sumandal sa couch. Gusto na lang niya sa ngayon na matapos na ang lahat ng ito.
‘‘No, son. Let me do it.’’
‘‘Okay, just tell me when to meet them,’’ Zackary said, feeling exhausted.
Siya si Zackary Devrox at mas kilala sa tawag na Zack. Sa edad na twenty-five ay tinatamasa na niya ang mga tagumpay na ninanais lamang ng iba. Sadyang isa siya sa mga taong tinatawag na 'born with a silver spoon in their mouth'. Ngunit, kaakibat ng pribilehiyo na ito ang mga responsibilidad na hindi nila maaaring hindian.
Perpekto at masaya man sa paningin ng nakararami ay lumaking malungkot si Zack. Lingid sa kaalaman ng lahat na ang sikat na si Zackary Devrox, ay mayroong retarded na ina. Hanggang ngayon ay dala-dala niya pa rin ang bigat sa kanyang puso. Isang pangyayari na naglugmok sa kanya sa kalungkutan. Nabago lamang ito nang kaunti nang makilala niya ang babaeng minamahal, si Filicity Falcon.
Napapailing si Zack habang hawak ang kanyang telepono. Naglalaban sa kanyang isipan kung tatawagan ba niya ang nobya o hindi. Alam niya sa mga oras na ito na abala pa ang babaeng minamahal sa pagpe-perform. Sapagkat si Filicity ay isang sikat na singer na ngayon ay gumawa ng concert tour, around the world.
“Are you okay, son?”
“Yes, dad. I'm just . . . tired.”
“Go, rest. I'll talk to your mom later.”
Ngumiti na lamang si Zack sa ama. Mabigat ang kanyang mga hakbang na tingungo ang pintuan palabas sa opisina nito.
“I wish you were here, mom,” bulong ni Zack sa sarili. Pilit niyang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak anumang oras.