"Best, buti na lang dumating ka." Kaagad na salubong sa kanya ng bestfriend niyang si Beth nang makabalik siya sa restaurant. Umalis lang siya saglit para sunduin si Chris sa school nito dahil maagang nag-out. Sa katunayan nga ay isinama niya na ito sa restaurant. Ayaw nitong magpaiwan sa bahay dahil mamaya pa uuwi si Andy dahil may tinatapos na project sa bahay ng kaklase nito. Binalingan niya si Chris. "Anak, mauna ka na sa office ko, okay?" Tumango naman ito saka nagtungo sa office niya. "Nandiyan na siya..." bulong sa kanya ni Beth at inginuso ang kabilang table. Ang tinutukoy nito ay ang babaeng nagwala kahapon sa restaurant niya at binigyan niya ng free meals. As always, the woman looks so stunning. "Asikasuhin ninyo nang maayos dahil aalis din ako kaagad pagdating ni Charle