"Baby..." Naalimpungatan si Ivy nang marinig ang masuyong boses ni Charles. Pagmulat niya ng mga mata ay mukha kaagad nito ang nabungaran niya. Nakatunghay ito sa kanya habang nakahiga siya sa sofa. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kahihintay rito na dumating. Akma siyang babangon pero pinigilan siya nito dahil mabilis siya nitong binuhat at kinintalan ng halik sa noo. "I'm sorry, late na ako nakauwi," saad nito. Ikinapit niya ang dalawang kamay sa batok nito at inihilig ang ulo sa dibdib. Ngumiti siya rito habang pinapakinggan ang t***k ng puso ng asawa. "It's okay, baby. Kumain ka na ba?" masuyo niyang tanong dito. Paakyat na ito patungo sa taas habang buhat siya nito in a bridal style way. "How about you? Kumain ka na ba?" Imbes na sagutin nito ang tanong niya a