Chapter 9

1125 Words

"Mommy, ang ganda ng babae ni Daddy," natigilan si Ivy nang marinig ang sinabi ng anak. Narinig niya naman ang tawa ni Charles. "Really? Kailan pa nagkaroon ng babae ang daddy mo?" sang-ayon niya sa tinuran ng anak pero may himig pagbibiro ang boses niya. Nasa biyahe na sila patungo sa bahay ng mommy ni Charles. Nasa front seat siya nakaupo at si Chris naman ay nasa passengers seat. "She's beautiful," dagdag pa ng anak. Nilingon niya ito. "Mas maganda pa kaysa sa akin?" biro niya. "Of course! Mas maganda ka Mommy." "That's my boy!" sambit ni Charles sa natatawang boses, sinulyapan niya ito. "Kakilala ko lang ang babaeng tinutukoy ni Chris at nagkataon na nagkita kami sa Restaurant mo." Natawa siya sa paliwanag nito. "Charles, hindi mo na kailangan magpaliwanag. I know na na misint

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD