Chapter 4

2225 Words
"My God! You should double check what you're doing! Mali na nga ang naibigay na order, pinaghintay pa ako ng ilang minuto!" Ang galit at matinis na boses ng babaeng customer ang naabutan na eksena ni Ivy pagpasok niya sa manager's office. Maliit lang ang restaurant na mina-manage niya. Iilan lang din ang mga staffs at ang ikinaganda nga lang ay magagaling ang mga kinuha niyang tagapangasiwa sa kusina, malinis at masarap magluto. Kaya kahit maliit lang ang restaurant niya ay marami ang pumupunta at nagti-take-out ng mga pagkain. Nang makita siya ni Beth ay kaagad itong tumayo sa upuan, napatingin naman ang babae sa kanya. Tipid siyang ngumiti rito, bata pa ang babae. Mestisa, maputi, may maamong mukha at nakakaakit na alindog. "Ivy..." usal ni Beth sa kanya sabay tayo sa upuan, tinanguan niya lang ito. Umupo siya sa upuan kung saan nakaupo si Beth kanina kaharap ang babae. "Hi, I am the owner of this restaurant. I am Ivy Gonzales." Inilahad niya ang palad sa magandang babae sa harapan niya, tinanggap naman nito pero mabilis din binitiwan. "I apologize on behalf of my staff who handled your orders, ma'am. I will assure you that it won't happen again." Tinaasan lang siya nito ng isang kilay saka bumuga nang malalim na hininga. "I do hope that it won't happen again." Matigas ang boses nito. Ngumiti siya ulit. "Of course, ma'am. And to compensate for what happened earlier, I will offer you a free meal tomorrow. Either, breakfast, lunch, or dinner." Saglit itong napaisip, saka sumilay ang matamis na ngiti sa labi. Nakahinga naman siya nang maluwang dahil sa nakikita niyang reaksyon sa mukha nito. Tila nawala na ang galit nito. "I love the foods in here, kaya nga kapag take out, dito talaga ako um-order. And thanks to your offer, I'll consider it." Maarte nitong sagot, saka tumayo na rin sa kinauupuan. Nagkatinginan silang dalawa ni Beth nang lumabas ang babae sa office. Beth rolled her eyes and sit on the chair in front of her. "My God! Ang arte ng babaeng iyon, best! Kung naabutan mo lang ang pagwawala niya kanina, sigurado akong maisipan mong sabunutan na lang siya." Saglit siyang natawa sa komento ng kaibigan. Binuksan na niya ang laptop para magsimulang magtrabaho. "Hayaan mo na, customer's always right, hindi ba?" aniya. Mas lalo naman itong nainis. "Hindi naman sa lahat ng pagkakataon na customer's always right, ano!" palatak nito. Napailing na lang siya. Alam niya naman iyon na hindi lahat ng mga customers ay tama. Naka-depende rin iyon sa sitwasyon. Sa sitwasyon kasi ngayon, talaga naman na mali sila. Ang mali lang ng babae ay nagwala ito kaagad na hindi nakikinig sa paliwanag ng mga staffs niya. Pero hindi niya rin naman ito masisi. "Pakiayos na lang ang free meal ng babae bukas. Inform our other crews to handle her tomorrow pleasantly." "How sure you are that she will come back tomorrow?" tanong pa nito. She just shrugged her shoulders and then look at her. "Either way, you should prepare." Walang emosyong saad niya. Umikot na nman ang dalawang eyeballs sa mga mata nito, sabay tayo. "Yes, Ma'am." Pabiro pa itong nag-salute sa kanya. "Good." Ngumiti naman siya. Lumabas na si Beth sa office kaya na busy na siya sa pag-check ng inventory records. Hindi na niya namalayan ang oras at lunchtime na. Tinawagan niya muna ang panganay na anak. "Hello, Andy?" aniya. "Yes, Mom? Why are you calling?" Napataas ang isang kilay niya sa tinuran nito. Parang hindi ito nasanay na kapag lunch time ay tinatawagan niya ito pati na ang teacher ng bunsong anak. "Am I disturbing you? Lunchtime na and I know your class schedules." She heard her frustrated sighed. "Mom, nasa canteen na ako. I'm with my friends," pabulong na sabi nito sa kabilang linya. "O, ano naman ngayon kung kasama mo ang mga kaibigan mo?" kunot-noong saad niya. "Mom, I'll hang up. Kakain na ako..." ungot pa nito. Bumuntonghininga naman siya. "No salty foods and soft drinks, okay?" Paalala niya rito. Mahilig ito sa junk foods at lalo na sa soft drinks kaya muntikan na itong ma-confine dahil sa UTI. Nai-imagine na niya ang pag-irap nito sa ere kaya napapangiti siya. "Yes, Mom... I knew it." "Okay, bye darling. Love you." Malambing niyang usal. "Okay, Mom, bye." "How about my I love you, too?" pang-aasar niya rito. Alam niya na nahihiya na ito sa mga kaklase kapag naglalambing siya rito. "Mom!" bulalas nito sa nababagot na boses. "Okay, fine." Natatawang saad niya. "I'll call your brother, now." "Okay, bye, Mom." Napapailing na lang siya habang dina-dial na ang number ng teacher ng bunso niyang anak. Naiisip niya ang panganay na anak, talagang nasa stage na ito ng pagiging teenager. "Yes, Mrs. Gonzales." Masiglang sagot ng teacher ni Chris sa kabilang linya. "Hi, Teacher Luz, is everything's okay with my son?" "Of course, Mrs. Gonzales, everything's fine. Sa katunayan ay nagla-lunch na siya ngayon kasama ang ibang mga kaklase niya. Should I call him?" "No, it's okay, Teacher Luz. I don't want to disturb his lunch. Paki-sabi na lang sa kanya na ako ang susundo sa kanya mamaya." "Sure." "Thank you," aniya. Pagdating sa mga anak niya ay masyado siyang protective at attentive. Kahit busy siya sa trabaho, nauuna pa rin sa kanya ang pangangailangan ng mga anak niya hindi lang sa pinansyal na bagay kundi pati na rin sa atensyon. For her, family is everything. Pagkatapos niyang makausap ang teacher ng bunsong anak, nagsimula na siyang mag-lunch kasama ang best friend niya. As usual, nag-lunch sila sa loob ng office niya. "Ano ang tinitingnan mo riyan sa f*******: mo?" nakakunot ang noong pansin niya rito. Halos hindi na ito makakain dahil busy sa kaka-scroll sa social media account nito. Hindi siya mahilig magtambay sa social media account, mostly mas babad siya sa business page account niya. "May bago kasing chismis ngayon sa timeline ko," ani nito. Napailing na lang siya. "Marites ka talaga." Natatawang usual niya. "Ano ka ba best! Parte na ng buhay ang pagiging Marites." Pangangatwiran nito. Napailing siya ulit. "Ano ba ang nakalap mo na tsismis?" tanong niya pa nang may mapag-usapan sila. Hindi naman sa nakiki-tsismis siya para makialam sa buhay nang may buhay. Nagtatanong lang siya para may iba silang mapag-usapan dahil nakakasawa rin na paulit-ulit na lang ang napag-uusapan nila tungkol sa business. Alam niyang nagsasawa na rin itong makinig sa kanya kapag nagku-kwento na siya tungkol sa business. Kaysa naman pag-usapan nila ang iba, mas mabuti na tungkol sa negosyo na lang ang pag-usapan nila dahil balak niyang magtayo ng ibang branch sa restaurantt niya. "Aba! Himala naman at nagtanong ka? Akala ko naman mali-lecture ka na naman sa akin about business strategies." Namamanghang saad ni Beth sa kanya kaya natawa siya. "Ganoon na ba talaga ako ka-business minded?" "Ewan ko ba, mas naging malala ka yata ngayon," ani nito sa nagbibirong boses. Naging malapit niya itong kaibigan nang mag-aral siya sa college. Tapos ito ng culinary pero hindi niya alam kung bakit mas pinili nitong mag-trabaho sa kanya na kung tutuusin ay mas mapapabuti ang future nito sa abroad. Mas matanda siya rito ng tatlong taon, sa edad nito ngayon ay wala pa itong asawa. "Sige na nga, huwag mo na lang sabihin sa akin." Bawi niya sa tanong niya kanina. "Ito naman, nagtatampo kaagad... Heto na ang tsismis, oh! Fresh na fresh 'teh!" ani nito sa masiglang boses. Napaghahalataan na talaga itong Marites. "Ano ba kasi ang tsismis na nasagap mo sa kaka-scroll mo riyan sa timeline mo," usal niya sa nababagot na boses. "Kasi ang kapitbahay ko, friend ko rito sa social account ko. Hiwalay na sa asawa." Napataas ang isang kilay niya at naintriga siya sa kwento nito. "Oh? Bakit naman naghiwalay?" "Alam mo ba best, naiinggit ako rito kasi panay post sa social media tungkol sa sweet na relasyon nito sa asawa. Two years pa lang silang nagsasama at ang bongga pa ng kasal nila. Hindi man lang ako inimbitahan." Natawa siya sa huling sinabi nito. "Bakit ba parang ang sama nang loob mo? Dahil ba hindi ka invited? Close ba kayo?" Nakataas ang isang kilay na saad niya. "Ouch, huh! Personalan na ba ito?" mataray na turan nito. Natawa naman siya. "Ipagpatuloy mo na nga ang tsismis mo," aniya. Gusto na niyang matapos ang tsismis para matapos na siyang kumain at nang makabalik na sa trabaho. "Kasi ganito iyon, nangaliwa ang asawa niya. Bakit kaya ang mga lalaki ganoon? Kapag nagsawa naghahanap ng iba." Umismid siya. "Hindi naman lahat ng mga lalaki ganoon, baka hindi ganoon katibay ang pundasyon nang pagsasama nila." "Hindi best, matibay ang dalawang iyon. Kapag maharot talaga ang kabit, talo talaga ang asawa." Nakataas ang isang kilay na saad nito. Tinawanan niya ito. "Hindi naman siguro ganoon iyon, sabi mo nga 2 years pa lang silang kasal. Hindi pa siguro ganoon katibay ang pundasyon ng pagmamahalan nila o kaya naman baka pareho silang dalawa na nagkulang sa isa't isa. Or else, naging toxic ang relasyon nila dahil palaging nag-aaway." Pahayag niya rito na para bang expert pero sa totoo lang opinyon niya lang naman iyon. Hindi niya naman naranasan na maging toxic ang relasyon nila ni Charles. Hindi rin nila naranasan na mag-away, maliit man o sa malaking bagay. She always understand his husband, ganoon din ito sa kanya. "Alam mo, parte na talaga sa mag-asawa ang nag-aaway, hindi ba?" tanong pa nito. Nagkibit-balikat naman siya. Hindi niya masagot kasi wala naman siyang maalala na nagtalo sila ni Charles Sixteen years married na sila at smooth naman ang takbo ng relasyon nila hanggang ngayon. Ganoon siguro kapag matibay ang pundasyon ng pagsasama nilang mag-asawa. "Siguro," aniya, saka ipinagpatuloy na ang pagkain. "Ikaw na talaga ang may gwapo, mayaman at loyal na asawa." Mataray na saad nito na siyang ikinatawa niya. "Kaya ibahin mo si Charles, best. Hindi siya katulad sa mga ibang lalaki riyan na hindi makontento sa mga asawa nila." "Kung sabagay, good husband and father talaga si Papa Charles. Makahanap nga ng katulad niya." Malanding turan nito. "Wala siyang katulad," aniya sa natatawang boses. "Oo na! Ikaw na talaga best. Pero ingat-ingat ka rin dahil napapansin ko na mas lalong guma-gwapo si Papa Charles ngayon. Pansin mo ba na kapag pumupunta siya rito napapalingon sa kanya lahat ng mga customers na babae?" Mas lalo siyang natawa. "Napaka-exaggerated mo naman, best. Hindi ba pweding na-curious lang sila sa asawa ko?" "Ewan ko sa'yo, best! Masyado kang inosente sa mga bagay na ganyan. Curious sila sa alaga ng asawa mo!" palatak nito dahilan para matampal niya ang noo nito. "Ouch!" "Ayan kasi! Ang bastos mo best, pinagnanasaan mo yata ang asawa ko!" inirapan niya ito. "Kung hindi lang kita best friend baka sakaling natikman ko na ang asawa mo." Ngumisi ito. Napailing naman siya dahil sa kalokohan nito. Hayagan naman talaga itong nagsasabi sa kanya na crush nito si Charles, kinikilig pa nga ito kapag pumupunta si Charles dito sa restaurant niya. Pero hindi naman siya nakakaramdam ng malisya, natatawa pa nga siya dahil sa edad nito ay kung umasta ay parang teenager pa rin. Natapos na rin ang lunch nila at nakabalik na sila sa kanya-kanya nilang mga trabaho. Napatingin siya sa cellphone niya, malapit nang mag-out si Chris kaya dapat sunduin na niya ito. Nang masundo na niya si Chris at nasa biyahe na sila pauwi sa bahay ay pinuna siya nito. "Mommy, you're always looking to your phone." Napatingin naman siya rito saka tipid na ngumiti. "Hinihintay ko kasi ang tawag ng daddy mo, anak." "Maybe he's busy," ani nito. Tango lang ang isinagot niya rito, saka bumalik ang atensyon niya sa cellphone. Nag-type siya ng message rito. [To: Baby ko Baby, is everything's okay? Sent Wednesday, Today, 4:00 PM] Nakabihis na siya nang pambahay, saka muli niyang tiningnan ang cellphone niya. Wala pa ring reply galing kay Charles mula sa message niya kanina. Nakaramdam na siya nang pag-aalala, sinabi nito na tatawagan siya nito pero hanggang ngayon na nasa bahay na siya ay wala siyang tawag na natanggap mula rito. Naisip niya na baka busy pa ito sa meetings at nakalimutan na siyang tawagan. Pero hindi pa rin mawala sa puso niya ang pag-aalala dahil baka may nangyari rito na hindi maganda. Tinawagan niya ito kanina pero voice calls lang ang sumasagot. Muli siyang nag-message rito. [To: Baby ko Baby, okay ka lang ba? Sent Wednesday, Today, 5:30 PM] Nakahinga siya nang maluwang nang mag-reply ito. [From: Baby ko Everything's fine. I'll be late, baby. Sent Wednesday, Today, 5:34 PM] [To: Baby ko Okay, I love you. Sent Wednesday, Today, 5:36 PM] [From: Baby ko I love you, too. Sent Wednesday, Today, 6:30 PM] Ibinalik niya ang cellphone sa kitchen counter pagkatapos basahin ang reply ni Charles. Busy nga talaga ito dahil ang tagal nitong mag-reply sa huli niyang message. "Manang, pakilagay na nga itong Chopsuey sa dining table," utos niya sa katiwala nila sa kusina. Most of the time, siya ang nagluluto ng breakfast at dinner nilang mag-anak kahit gaano siya ka-busy sa trabaho. "Mommy, hindi ba natin hihintayin si Daddy?" tanong ni Andy nang nasa hapagkainan na silang tatlo. "I don't know, mukhang matagal matapos ang meeting niya ngayon." Ngumiti siya sa anak. Napatango naman ito at nagsimula na silang kumain. Panalangin niya lang na sana walang masamang nangyari sa asawa niya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD