"Are you sure you're fine in here?" tanong ni Charles sa babaeng tinulungan niya kanina dahil natapilok.
Imbes na ihatid niya ito sa table nito ay nagpahatid na lang ito sa labas para mag-abang ng taxi. Ang dahilan nito ay ayaw na raw nitong bumalik pa sa ka-date nito kanina. Nagtataka siya kung bakit, dahil mukha namang mabait ang kasama nitong lalaki.
"Okay lang ako rito. Thank you nga pala." Matamis itong ngumiti sa kanya.
Napakamot naman siya sa batok dahil aminin man niya o hindi ay malaki ang naging epekto nang ngiti nito sa kanya.
"Don't mention it," aniya sa nahihiyang boses.
Pakiramdam niya tuloy ay parang bumalik siya sa pagka-binata, noong mga panahong nag-aaral pa siya.
Dumako ang tingin niya sa paa nito. "Hindi na ba masakit?"
"Medyo, pero okay lang." Nagkibit-balikat pa ito.
"Sigurado ka ba? Gusto mo ihatid na lang kita? Gabi na rin at delikado sa katulad mo na mag-isang umuwi," aniya sa concern na boses. Napatitig naman ang babae sa kanya.
Huli na nang matanto niya na hindi pa pala siya nagpakilala rito. Kaya inilahad niya ang isang palad.
"Ako nga pala si Charles," aniya.
"Chantal Adams." Tipid nitong sagot saka tinanggap ang nakalahad niyang palad.
Pakiramdam niya ay nag-init ang buong katawan niya nang magdikit ang mga palad nila. Saglit silang nagkatitigan at bahagya niya pang napisil ang palad nito. Naiilang naman itong ngumiti sa kanya.
"A-ang kamay ko..." usal nito.
"I'm sorry," nahihiya niyang binitawan ang palad nito. "Your name is lovely."
"Thanks! And about your offer... na ihatid ako?" usal nito.
"Yes, I'm serious. Ihahatid kita, hindi naman ako masamang tao." Mabilis niyang sagot. Natawa naman ito.
"I know, hitsura pa lang, gentleman ka na. Kaya hindi ka talaga masamang tao."
Para namang tumalon ang puso niya sa tuwa dahil sa simpleng papuri nito sa kanya.
"So, ihahatid na kita?"
"Bakit hindi mo na lang ako samahan na mag-dinner?" turan nito saka ngumiti. "It's my way to thank you."
Natigilan naman siya. Ang matamis na ngiti ni Chantal ay napalitan nang pilit na ngiti, siguro nakita nito sa mga mata niya ang pag-alinlangan.
"I'm sorry, mukhang may plano ka ngayong gabi. I'll go and get a taxi." Akma na itong tatalikod pero pinigilan niya.
Maagap niya itong nahawakan sa siko pero kaagad niya ring binitiwan nang makaramdam siya nang kakaibang init sa katawan.
"It's okay–I mean...." Napatingin siya sa suot na relo bago muling nagsalita, "Wala naman akong lakad ngayong gabi, pwede kitang samahang mag-dinner, just give me a minute. I will be right back."
"Sure."
Nagmamadali siyang bumalik sa loob ng restaurant para magpaalam kay Mr. Chua na mauuna na siyang umuwi. Pagkatapos ay mabilis niya namang binalikan si Chantal. Matamis pa rin itong nakangiti sa kanya. Mestisa ang beauty nito, halatang may lahi dahil sa hitsura pa lang nito at apelyido.
"Let's go?" anyaya niya rito, ngumiti na rin siya.
"Are you sure wala kang plano ngayong gabi? Baka may lakad ka or else may naghihintay sa'yo..." she trailed off.
Natigilan na naman siya at muling naalala si Ivy. Gusto na niyang sapakin ang sarili dahil nakalimutan niyang i-check ang naka-silent niyang cellphone.
"I'm sorry, masyado akong madaldal," ani ni Chantal.
Gusto na niyang tumanggi sa iniaalok nitong dinner nang maalala ang asawa pero naunahan siya nang hiya.
"It's okay, no worries." Maagap niyang sagot.
Inalalayan niya itong maglakad papunta sa kotse niya dahil tingin niya ay mukhang nahihirapan pa ito. Ipinagbukas niya ito ng pinto sa front seat.
"Thanks, again." Nakangiting usal nito.
Nagtungo na rin siya sa driver's seat at mabilis niyang pinausad ang kotse.
"Saan mo gustong mag-dinner?" tanong niya pa, sinulyapan niya ito at kaagad niya ring ibinalik ang tingin sa harapan.
"Kung gusto mo mag-bar na lang tayo, okay lang ba?"
Napatango siya. Pansin niya na mukhang mahilig ito sa night out. Pasimple siyang tumingin sa oras. Alas sais na ng gabi.
"Bakit mo nga pala iniwan ang ka-date mo kanina?" curious niyang tanong.
"He's my ex-boyfriend na gustong makipagbalikan. Ayaw ko na, nakakasawa na kasi ang pagiging immature niya." Paliwanag nito.
"Maybe, he deserves a second chance?" aniya. Pagak naman itong tumawa.
"Ilang beses ko na siyang pinagbigyan, ganoon pa rin. Pagod na akong intindihin siya, siguro ganoon kapag magkasing-edad lang kayo."
"Ilang taon ka na ba? Sorry, if I asked you a stupid question." Napapailing na saad niya, narinig niya lang ang pinong tawa nito.
"I'm 25 years old." Tipid nitong sagot.
Napatango siya. Tama nga ang nasa isip niya kanina, bata pa nga ito. Pero nasa marrying age na rin ito, iyon ay kung stable na ito sa buhay. Iba na kasi ang panahon ngayon, halos lahat ng mga babae ay saka pa nag-aasawa kapag may napatunayan na sa buhay. Parang takot maghirap kahit kaya naman silang buhayin ng mga mapapangasawa nila.
Katulad ng asawa niya. Pumayag siya na magtayo ito ng sariling business dahil sa kagustuhan nito na may mapatunayan sa pamilya niya, kahit labag sa kalooban niya ay sinuportahan niya ito. He wanted her to be at home, para alagaan siya at ang mga anak nila. Pero wala naman siyang naalala na pinabayaan sila ni Ivy magmula nang maging busy ito sa itinayo nitong restaurant.
"May mali ba sa edad ko?" untag sa kanya ni Chantal, saka mahina itong tumawa.
Napukaw ang malalim niyang pag-iisip dahil sa boses nito. Sinulyapan niya ito saka ngumiti.
"You look younger than your age. I thought you're just 20 years old," biro niya rito, mas lalo naman itong tumawa. Parang musika ang tawa nito sa pandinig niya.
"Ang galing mo namang mambola," ani nito.
"I'm just telling the truth." Nagkibit-balikat siya at matamis na ngumiti.
"Let me guess your age, I think you're 30 years old or 32, am I right?"
Natawa siya saka napailing. "Higher, please."
"Thirty-five?"
"Higher."
"No way!" palatak nito sa natatawang boses. Natawa na rin siya.
Nag-park siya sa isa sa mga sikat na bar sa Makati. Nakapunta na siya rito dati noong kasama niya si Ivy at nagustuhan ito ng huli kaya sigurado siya na magugustuhan din ito ni Chantal. Halos magkapareho lang naman ang taste ng mga babae.
"How come you're still single?" nagtatakang bulalas nito kaya napatingin siya sa kaliwang kamay.
Lihim siyang napamura dahil hindi niya suot ang wedding bond niya. Naalala niya na hinubad niya ito kanina. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya o hindi dahil nakalimutan niyang isuot ulit ang wedding bond nila ni Ivy. Ngayon lang siya na confused sa nararamdaman niya.
"Let's get inside?" aniya. Hindi niya alam kung bakit ayaw niyang sagutin ang tanong nito.
"Sure." Mabilis nitong sagot.
Sabay silang bumaba sa kotse at pumasok sa loob ng bar. Kaya nagustuhan ni Ivy ang bar na ito dahil sa ambiance, hindi masyadong crowded at maingay.
"Do you like the place?" tanong niya pa kay Chantal. Iniikot nito ang paningin sa loob ng bar, nakita niya ang pagngiwi nito.
"Okay lang naman, kaso masyadong dull." Tiningnan siya nito, saka pilit na ngumiti. "I'm sorry, I don't like the place."
Nagkatitigan sila bago parehong tumawa. Gusto niya ang pagiging honest nito.
"Pero pwede na rin ito, may burger naman siguro rito." Natatawang saad nito.
"You're right, may burger sila."
Mas lalo itong natawa. Napapangiti siya sa bawat tawa nito dahil nakakahalina, nadadala siya. Pakiramdam niya kapag ito ang kasama niya ay hindi siya makakaramdam ng pagod.
Hindi na niya namalayan ang oras dahil natutuwa na siya sa presensya ni Chantal. Hindi niya na nga maalala kung ilang beses niya bang na-reply-an ang message sa kanya ni Ivy. Masyado siyang na hooked sa babaeng kaharap niya ngayon. Ang bubbly personality nito, ang pagiging madaldal at ang nakaka-good vibes nitong aura ay nakakatuwa.
"Another shot of tequila, please!" ani ni Chantal sa bartender.
Mas pinili ni Chantal na sa bar counter na lang sila mag-stay kaysa sa table. Hindi niya na rin mabilang kung nakailang shots na sila ng tequila.
"Malakas pala ang tolerance mo sa alak," aniya. Nagkibit-balikat lang ito.
"It's just tequila," sagot nito.
"Hindi ka ba nagugutom? Pwede tayong mag-order ng foods, may mga special menu naman sila rito." Iniisip niya na baka gutumin ito dahil hindi pa sila nagdi-dinner.
Well, nakakain na naman siya sa restaurant kanina kaya hindi siya nakaramdam nang gutom. Hindi niya lang alam kay Chantal kung gutom ba ito o hindi.
"I'm not hungry," natatawang usal nito. Napailing na lang siya, saka napatitig sa maganda nitong mukha.
"You're beautiful," usal niya.
"Marami na ang nagsabi sa akin niyan." Mabilis nitong sagot, hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti sa labi. Inilapit pa nito ang mukha sa kanya dahil magkaharap lang naman sila.
Her breathing is fanning on his face and he could smell her sweet perfume. Itinaas nito ang isang kamay at masuyong hinaplos ang pisngi niya. Hindi niya inaasahan ang gagawin nito pero hindi niya rin ito inawat. Nagugustuhan niya ang init ng palad nito na dumadampi sa pisngi niya.
"You're handsome, too." Mapang-akit nitong bulong sa kanya.
Napalunok pa siya nang dumako ang tingin niya sa mapula nitong labi. He can't resist himself but stares at her kissable lips. Naging romantic sa pandinig niya ang rock music sa loob ng bar. Lalo na nang unti-unti pa nitong inilalapit ang mukha sa kanya.
Konti na lang ang pagitan ay dadapo na ang labi nito sa kanya, nang sumagi sa isipan niya ang asawa at mga anak ay natigilan siya. Mabilis siyang umiwas at sa pisngi niya nag-landing ang labi ni Chantal. Napatawa ito para maitago ang hiya.
"I'm sorry," aniya, naisip niya na kasalanan niya rin.
Nilayo nito ang mukha sa kanya at tinungga ang naka-served na tequila. Napapailing pa rin ito at hindi makatingin sa kanya.
"I'm sorry, I'm already married. Nakalimutan ko lang isuot ang singsing ko." Pag-amin niya rito.
Napatingin ito sa kanya saka tumawa, tila ba hindi makapaniwala sa ipinagtapat niya.
"My God! I didn't know, I'm sorry," usal nito. May halong hiya ang tono nang pananalita nito. Naisuklay nito ang kamay sa buhok.
"No, it's not your fault. Kasalanan ko dahil hindi ko sinabi kaagad. And I understand you're feelings right now, broken hearted ka at kailangan mo nang kausap. I don't want to take advantage of your situation. And besides, I'm married."
Nakatitig pa rin ito sa kanya, namumungay ang mga mata nito. Tingin niya ay lasing na ito pero mukha namang hindi. Napailing siya.
"Wow! I thought you're single." Tumawa ito nang nakakaloko pero para sa kanya ang sarap pa rin pakinggan ng tawa nito. "Anyway, thank you for telling me."
Damn it! Napamura siya. May bahagi ng puso niya na nagsisi kung bakit niya pa sinabi ang status niya pero ginawa niya lang naman kung ano ang tama.
"It must be the liquor," biro niya tungkol sa tangkang paghalik nito sa kanya kanina. Natatawang napailing ito.
"Yeah, right." Tumayo ito mula sa upuan at hinarap siya, saka matamis na ngumiti. "I must admit, na isa ako sa mga babaeng nahumaling sa'yo. But unfortunately, you're not available anymore."
Natawa naman siya sa komento nito at natuwa ang puso niya. Kaagad na rin itong nagpaalam sa kanya na uuwi na. Hinayaan niya na itong makalabas ng bar pero sinundan niya rin kaagad.
"Chantal!" tawag niya. Lumingon naman ito. Naabutan niya ito na nag-aabang ng taxi sa daan.
"Ihahatid na kita,"
"No, thanks!" tanggi nito, nanatili pa rin ang ngiti sa labi.
Palagay niya ay maski sa pagtulog niya ay makikita niya ang matamis nitong ngiti.
"Ikukuha na lang kita ng taxi," aniya. Mabilis siyang pumara ng taxi, buti na lang huminto kaagad sa tapat nila ang isang taxi.
"Thank you, Charles."
Naisip niya na masarap palang pakinggan kapag binabanggit nito ang pangalan niya. Ano na lang kaya kapag nasa kama silang dalawa? He shook his head terribly. Masyadong madumi ang isip niya, hindi niya dapat maramdaman ang ganito dahil may asawa siya.
Tipid siyang ngumiti kay Chantal saka binuksan ang pinto ng taxi. Sumakay naman kaagad ito pero bago niya maisara ang pinto ay may iniabot itong calling card sa kanya. Walang pagdadalawang isip na tinanggap niya ang card.
"Baka maisipan mong pumunta. You can take your wife with you." Nakangiting saad nito saka kinindatan siya.
Ito na mismo ang nagsara sa pinto ng taxi bago umusad paalis. Napatingin siya sa card na hawak. Business card iyon na ang nakasulat ay CA Beauty Salon&Spa. Isa pala itong owner ng beauty salon and spa, inilagay niya ang card sa wallet niya para siguraduhin na hindi mawawala.
***