Pagdating ni Charles sa kompanya ay kaagad siyang sinalubong ni Lisa, ang 25-year-old secretary niya.
"Sir, sa Lux Cafe raw ang meeting ninyo mamaya ni Mr. Cruz, around five in the afternoon."
Ang Mr.Cruz na tinutukoy nito ay ang client ng kompanya. Pinamamahalaan niya ang clothing line company ng pamilya niya. Ang Bliss Gonzales Apparel.
"Okay," tipid niyang sagot dito.
Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa office. Nakasunod naman si Lisa sa kanya. Pagpasok niya ay kaagad na siyang umupo sa swivel chair, inilapag naman ni Lisa ang mga files sa harapan niya.
"Do you want coffee, Sir?" she asked politely.
"Yes, please." Mabilis niyang sagot.
Nakalimutan niyang magkape sa bahay kanina at saka sa dami ng mga files na nasa harapan niya ngayon, paniguradong kailangan niya ng kape. Mabilis na lumabas si Lisa sa office para kumuha ng kape.
Inisa-isa niyang tiningnan ang mga files na maayos na nakalagay sa folder. Napatigil siya nang mapadako ang tingin niya sa wedding picture nilang dalawan ni Ivy na nakalagay sa gilid ng mesa. Napangiti siya, ang bata pa nitong tingnan sa litrato.
He fell in love with her the moment he saw her. Hindi niya akalain na nineteen pa lang ito, nagtitinda ito ng kakanin sa gilid ng paaralang pinapasukan niya noon. Graduating student siya noon, nagtataka siya kung bakit hindi niya ito palaging nakikita sa tuwing papasok siya.
Napag-alaman niya na nilalako pala nito ang mga paninda kaya hindi ito namamalagi sa p'westo nito sa labas ng paaralan. Simula noon ay palagi niya nang pinapakyaw ang mga paninda nito at pinapakain niya sa mga barkada niya.
Hindi mawala ang ngiti sa labi niya nang maalala ang araw na nililigawan niya pa ang asawa. Babaero siya noon pero nang makilala niya si Ivy ay bigla siyang tumino. Para sa kanya si Ivy ang ideal wife niya. Itinaas niya ang kaliwang kamay at tiningnan ang isang daliri na may suot na wedding bond, tandaan na pagmamay-ari kasal na ako rito.
Tinanggal niya ang wedding ring, saka sinipat iyon. Plain white gold ang singsing, sa ilalim ay may nakasulat na Ivy at date ng kasal nila. Ni minsan ay hindi niya naranasan na mag-away sila, she's very submissive and understanding.
Napatingin siya sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Lisa, may dala na itong isang tasang kape. Nakangiti itong lumapit sa kanya. Lisa was young, innocent and beautiful, nakikita niya nga sa katauhan nito ang asawa.
"Here's your coffee, sir." Inilapag nito ang tasa sa gilid ng desk.
"Thank you." Nakangiting usal niya, inilapag niya ang singsing sa gilid ng mesa nang bigla niyang maalala na may kailangan pala siyang tawagan ngayon, isang importanteng investor ng kompanya.
"Anything else, Sir?" untag sa kanya ni Lisa, matamis pa rin itong nakangiti sa harapan niya.
"I need to call Mr. Bowers, paki-check ng number ng secretary niya."
"Okay, Sir." Maagap na sagot nito, saka umalis patungo sa table nito.
Pagkatapos niyang makausap si Mr. Bowers, sinimulan niya na kaagad na tingnan ang mga files na dapat pirmahan. Mabilis na lumipas ang oras na hindi niya namamalayan. Nasa Lux Cafe na sila ni Lisa, hinihintay ang client nala na si Mr. Chua.
May malaking Boutique ito at gusto nitong makipag-negotiate tungkol sa clothing line company niya. Nang dumating ito kasama ang secretary ay kaagad siyang tumayo, pati na si Lisa. He was 50 years old.
"Mr. Gonzales, I apologise for being late. Nagka-problema sa traffic." Mr. Chua said apologetically.
"I understand Mr. Chua," he said. "Now, let's get on business."
Nasa VIP table sila ng Lux Cafe, napag-alaman niya na kamag-anak nito ang nagmamay-ari ng Cafe. Nagsimula na silang mag-meeting, ang mga secretary naman nila ay matamang nakikinig at nagti-take note ng mga importanteng detalye.
Natagalan pa rin siya dahil pagkatapos ng meeting nila ay nakipagkwentuhan pa si Mr.Chua sa kanya.
"Excuse me," saad ni Mr. Chua sa kanya nang tumunog ang cellphone nito.
"Go ahead," he said and nod his head.
Umalis ito sa upuan at sinagot ang tawag. Si Lisa ay nauna nang umuwi pati na rin ang secretary ni Mr. Chua. Naagaw ng pansin niya ang isang babae na tumatawa. Nasa VIP table rin ito at kaharap nila, may kasama itong lalaki.
Napatitig siya rito, panay ang tawa nito sa sinasabi ng kasama nito, she was stunning. Ang sarap pakinggan ng tawa nito, pati ang nakakaakit nitong ngiti.
Nakaramdam siya nang kakaibang init na dumaloy sa buong katawan niya nang matitigan ang babae. Ibinaling niya ang tingin sa ibang deriksyon. For almost 17 years of being married to his wife, ngayon lang muling napukaw ang ganitong klaseng init sa katawan niya.
Napapailing siya, saka napatingin sa basong hawak na may lamang alak. Siguro natamaan na siya sa alak na iniinom niya kaya ganito ang nararamdaman niya. Muli siyang napatingin sa babae, sinuri niya ang kabuuan ng mukha nito.
Naka-red lipstick, maganda ang pagkakalagay ng makeup sa mukha. Tingin niya ay mestisa ito, bumagay ang kulay blonde nitong buhok sa magandang mukha nito. His heart fluttered when the woman looks at him, she smiled at him seductively.
Bigla siyang nakaramdam ng hiya kaya nag-iwas siya nang tingin. Tiningnan niya na lang si Mr. Chua na ngayon ay nakatingin na sa kanya. Nagsenyas siya rito na may tatawagan lang siya sa phone, tumango naman ito.
Tumayo siya at nagtungo sa deriksyon ng CR, kinuha niya ang cellphone sa bulsa. Muntikan pa niyang makalimutang tawagan si Ivy, alas otso na ng gabi. Tapos na rin naman silang mag-dinner ni Mr. Chua kaya nga nagka-yayaan na rin silang mag-order ng drinks.
Palabas na siya ng CR at sinimulan niyang i-dial ulit ang number ni Ivy, hindi niya kasi ito ma-contact kanina. Sigurado siyang nag-aalala na iyon. Nabitiwan niya ang cellphone nang biglang may kumapit sa braso niya. Mabilis ang naging kilos niya at maagap niyang nahawakan ang babae sa beywang kung hindi ay baka tuluyan na itong bumagsak.
"My God! I'm sorry," hinging paumanhin nito.
Napatitig siya sa mukha nito, ito ang babaeng nakaupo sa katapat niyang mesa. Kaagad itong bumitaw sa kanya na para bang nahihiya pagkatapos ay napangiwi na para bang nasaktan.
"Natapilok ako. s**t! Ang sakit ng kabilang paa ko..." ani nito, saka tumingin sa paa nito.
Napatingin din siya sa paa nito, she was wearing a 4-inch heels.
"Ihahatid na kita sa table mo," nakangiti niyang sabi.
"Thank you," ani naman nito.
Kusa na nitong ikinawit ang dalawang kamay sa braso niya, pinigilan niya ang sarili na huwag magpaapekto sa nararamdamang pagnanasa rito.
Damn it!
He is a married man!
***