KABANATA 2

2431 Words
KABANATA 2 TINA   Two weeks ago. Kauumpisa pa lang ng klase pero problemado na agad ako. “Mia, ano bang gagawin ko? Kahit anong tipid ko hindi pa rin talaga magkasya ‘yung padala sa akin nina Itay. Kahit isama ko pa ‘yung sweldo ko sa trabaho, hindi pa rin talaga husto. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Tulungan mo naman ako,” mangiyak-ngiyak kong sabi habang nakasabunot ang magkabila kong kamay sa ulo ko. Parang masisiraan na ata ako ng ulo kakaisip sa solusyon sa problema ko. Ang gusto ko lang naman ay makatapos ng pag-aaral pero ang hirap gawin kung kapos sa pera. Kung hindi nawalan ng trabaho ang Inay hindi ako magigipit nang ganito. Nagsarado kasi ang patahian na pinagtratrabahuhan niya kaya ngayon tumatanggap na lang siya ng labada. Pero dahil may edad na rin ang Inay hindi niya kayang maglaba nang marami, kaya maliit lang ang kita. Ang Itay naman hindi rin ganoon kalaki ang sahod sa koprahan.  Ang kausap ko nga pala ay si Mia na isa sa mga kaibigan ko rito sa school. Maganda siya, matangkad at mestisa dahil Amerikano ang tatay niya na hindi na niya nakilala dahil bago pa siya ipanganak, bumalik na ito Amerika. Dati kasing waitress sa bar ang nanay niya kung saan nito nakilala ang tatay niya. Akala raw ng nanay niya nakabingwit na ito ng malaking isda. Wala itong kamalay-malay na pamilyado na pala ito sa Amerika. May kapatid si Mia na mas matanda sa kanya. Anak naman sa pagkadalaga ng nanay niya. May sarili na itong pamilya at may isang anak na sila ng nanay niya ang nag-aalaga dahil parehong nasa abroad ang ate niya at asawa nito. “Naku Tina, kung mayaman nga lang ako, siguro pinag-aral na kita. Subukan mo kaya maghanap ng roommate mo, para may kahati ka sa renta? Pwede naman ‘di ba?” “Saan naman ako maghahanap?” “Kung mag-post ka kaya sa bulletin board sa may faculty o kaya sa harapan ng school, o magtanong-tanong ka sa mga classmates mo? Malay mo may mga estudyante na nangangailangan nang matitirhan.” *** Dahil sa sinabi ni Mia, nagpa-print ako ng flyers na ilalagay ko sa bulletin board ng school. “Ano sa tingin mo okay na kaya ito?” tanong ko kay Mia habang dinidikit ko ‘yung papel sa board na ganito ang nakalagay. Wanted: Roommate  Near the school Contact No. 0915-XXXXXXX Look for TINA   “Oo, okay na ‘yan. Tapos mag-dikit pa tayo sa labas ng school, magtatanong-tanong din ako sa ibang classmates ko, baka sakaling may kilala sila na kailangan ng titirhan na malapit dito sa school.” Sa mga oras ding ‘yon, may dalawang lalakeng nag-uusap sa likuran namin ni Mia. “Ang laki ng problema mo, pre.” “Sinabi mo pa. Pina-cut ni Dad lahat ng credit cards ko at kinuha ‘yung kotse ko. Ang allowance ko 5k a month na lang. Ano’ng mangyayari sa 5k ‘di ba? Buti na lang may gig tayo paminsan-minsan. Pati ‘yung condo pare ‘di na ‘ko pwede mag-stay. Ayoko pa namang umuwi sa ‘min. Ka-badtrip si Dad. ‘Pag naayos ko na raw buhay ko ‘tsaka lang niya ibabalik sa ‘kin. Kung makapagsalita siya akala mo naman sirang-sira ang buhay ko. Parang ang laki ng kasalanan ko. Badtrip! Saan kaya ako maghahanap ngayon ng titirhan?” “Titirhan ba kamo? Ayan o,” sabay kuha ng isa sa kanila ng papel na kadidikit ko lang sa board. “Uy, uy… ba’t mo tinanggal? Interisado ka ba?” tanong ko sa lalaki na kumuha ng papel. “Hindi ako, pero siya oo,” tapos tinuro niya ‘yung kasama niya. Isang lalaki na matangkad, gwapo at ang ganda ng katawan, parang modelo. Nang magsaboy ata ang Diyos ng kagandahang lalaki, mulat na mulat siya at bukas palad niyang sinapo lahat ang biyaya ng Diyos. Matangos ang ilon niya, natural na mapula ang labi, makinis ang balat at maputi, pero ang pinaka-napansin ko sa kanya ay ‘yung maganda niyang mga mata. “Ano ba ‘yan? Patingin nga,” sabi ng gwapong lalaki sabay hablot ng papel na hawak ng kaibigan niya. Kunot-noo niya itong binasa. Pagkabasa niya, tiningnan niya ako, “Ikaw ba si Tina?" tanong niya sa akin. “Oo,” sagot ko habang patango-tango pa. “Saan ba ‘to, ‘tsaka magkano ang rent?” “Ah a-ano malapit lang dito sa school, pwedeng mag-tricycle o kung masipag ka maglakad pwedeng lakarin. 2000 ‘yung rent, kaso ayoko ng roommate na lalaki.”  Nagsalubong ang mga kilay niya at seryoso niya akong tiningnan. “Ayos ka rin.” Patango-tango siya habang nagsasalita. “Sinagot mo lahat ng tanong ko pero ayaw mo naman pala ng roommate na lalaki. Para saan pa ‘tong pag-uusap natin? You’re wasting my time. At saka miss, wala kang dapat ipag-alala. You’re not my type.” Ay galit si kuya at ang yabang pa! Gwapo pa naman siya pero ang ugali naman ang gaspang. Eh ano’ng magagawa niya, dalagang Filipina ako. At utang na loob, ‘di rin naman mga tulad niya ang tipo ko. Kapal niya! “Ay teka lang pogi, kakausapin ko lang ‘tong friend ko,” sabay hatak sa akin ni Mia. “Ano ka ba Tina? Ayan na ‘yung solusyon sa problema mo, tumatanggi ka pa? At ‘di mo ba kilala ‘yang kausap mo?” “Hindi. Bakit? Dapat ba kilala ko siya? Sino ba ‘yan?” Pero sino nga ba ‘tong hambog na ‘to? Anak ba siya ng presidente? Prinsipe ba siya sa isang kaharian? Sino ba siya? Importanteng tao ba? “Siya lang naman si Samuel Blake Garcia, ang pinakasikat na estudyante rito sa school. My God Tina, sobrang swerte mo kung magiging roommate mo ‘yang gwapong lalaking ‘yan. Lahat ng babae rito sa school paniguradong maiinggit sa ‘yo, kaya pumayag ka na.”  “Kung sikat siya, bakit hindi ko siya kilala? At bakit parang mas excited ka pa sa akin? Palit na lang kaya tayo ng bahay gusto mo?” “Ay gaga ka talaga.” Mahina akong hinampas ni Mia sa balikat. “Namimilosopo ka pa.” “Matagal pa ‘yang kwentuhan niyo d’yan?" masungit na tanong nitong Blake. Sabay kaming napatingin ni Mia kay Blake. “Ano girl? Ayaw mo ba talagang makasama ‘yung ganyan? Gwapo, matangkad, mayaman, mabango at parang ang tigas ng ano… ng muscles niya. Gusto ko i-touch.” Tiningnan ko uli si Mia at pabirong hinawakan ‘yung baba niya, “Laway mo. Natulo.” Tinapik niya ‘yung kamay ko. “Gaga ka talaga. Pero seryoso, ayaw mo ba talaga? Papaalala ko lang sa ‘yo, ilang linggo lang bayaran na uli ng tuition at ng upa mo. Wala ka nang oras mag-inarte.” Monthly kasi ang pagbabayad ko ng tuition dahil hindi naman kaya ng mga magulang ko na isang bigayan lang. “O siya. Sige na. Payag na ‘ko,” sagot ko. Pasalamat ‘tong Blake na ‘to at matindi ang pangangailangan ko, kung hindi, ‘di talaga ako papayag! “Okay na. Payag na siya.” Nginitian ni Mia si Blake at nag-thumbs-up pa siya. “Good.” “One month deposit at two months advance. Payag ka?” tanong ko. “Sige, pero dapat makita ko muna. ‘Pag okay sa ‘kin ibibigay ko agad ‘yung bayad.” Aba, ‘yan ang gusto ko. Mabilis pagdating sa bayaran. “Kailan mo gusto makita?” tanong ko uli kay Blake. “Ngayon din.” Walang kagatol-gatol niyang sabi. Nanlaki ‘yung mga mata ko. “Ay teka, may klase pa ako,” reklamo ko. Hindi man lang niya ako tanungin kung kailan ako pwede. Walang pakialam sa lakad ng iba? “Ayaw mo? Sige, madali naman akong kausap. Say goodbye to your one month deposit and two months advance,” nakangisi siyang sabi. Grabe ‘tong lalaking to! Pinagmukha pa ‘kong pera! Ang sarap tapyasin ng nguso niya para walang lumalabas na kung ano-anong hindi maganda! Napabuntong-hininga na lang ako nang malalim at pilit pinakalma ang sarili ko. “O siya, Sige. Ngayon din po kamahalan. Masusunod po ang inyong kahilingan.” “Nang-aasar ka ba?” Ay nainis siya? Ayaw pa niya ‘yon? Kamahalan na nga ang tawag ko sa kanya, kasi para siyang hari kung makapag-utos at umasta.  “Hindi. Hindi ka na mabiro.” Pilit ang ngiti ko. Labas sa ilong ang mga sinabi ko. “So ano tara na?” So iyon po ang buong kwento. Mabalik tayo sa present. Habang naliligo siya kumuha naman ako ng pocketbook at nagbasa habang umiinom ng kape. Mayamaya narinig ko na wala nang nagbubuhos ng tubig. Napatingin ako sa banyo. “Ang bilis naman niya maligo. Hindi ko pa nga ubos 'tong kape ko, tapos na siya?” Nakatingin pa ako sa pinto nang unti-unti itong bumukas at inilabas nito ang isang demonyong nag-anyong anghel. Ay grabe siya! Nanlaki ang mga mata ko at napapunas ako ng ilong kahit wala namang dugo na lumalabas sa butas nito. Naloka ako, dahil nakatapis lang siya ng tuwalya sa may bewang niya. Para siyang modelo sa isang commercial ng deodorant o body spray. Malayo pa siya sa akin pero naamoy ko na ang bango ng sabon na ginamit niya. Para pang kumikinang ang katawan niya dahil sa mga butil ng tubig na nasa balat niya. At ‘yung abs niya, nag-hello silang anim sa akin. “Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking nakatapis lang ng tuwalya o ngayon ka lang nakakita ng lalaking kasing gwapo ko?” Bumalik ang katinuan ko nang marinig ko ‘yung sinabi niya. Napapikit at napailing ako, sabay dilat muli. Ay, ano’ng nangyari? Ang mga mata ko! Ang mga kawawang mata ko! Kailangan kong magsimba. Mangungumpisal ako at maghihilamos ng holy water! Diyos ko, patawarin n’yo po ako at ang makasalanang matang ito. “Ah… H-ha? Ano’ng pinagsasabi mo d’yan? May iniisip lang ako kaya ako tulala.” “Tulala o hangang-hanga?” Ang yabang niya talaga! Oo na, ang ganda ng katawan niya. Siya na may pandesal na masarap kasabay nitong kape ko. Teka ano ‘tong pinagsasabi ko?! Gutom na ata ako! “Ewan ko sa ’yo! Uy, sampung piso para sa kape. Listahan ng utang mo sa ‘kin humahaba na.” “Ayos ka rin. Ano ka tindahan? At kailan ako nagka-utang sa ‘yo? Wala akong maalala.” Aba! Nagmamaang-maangan pa! Teka ire-remind kita! “Yung instant noodles na kinain mo noong isang gabi pag-uwi mo galing sa gig mo. Take note, kinain mo nang walang paalam! Hay… Buti na lang talaga bilang ko lahat ng pagkain dito.” “Tindi ng memory mo. Baka pati butil ng bigas na meron dito bilang mo. O, ano. That’s it? Wala na?” “Hindi pa! Hindi pa ako tapos! ‘Yung cornick at butong pakwan na kinain mo noong gabi na ‘di ka makatulog. Nilantakan mo, ‘di ka man lang nagtira.” “Sus! Kung alam ko lang kinuha mo lang ‘yon doon sa lamay sa may kanto. Damot mo.” “Loko! Ano’ng akala mo sa akin walang awa sa patay? Ni hindi ko nga alam na may patay d’yan sa may kanto buti ka pa alam mo. ‘Tsaka binili ko ‘yon ‘no! Hmm… Ano pa ba?” Napahawak ako sa baba ko habang nag-iisip. “Ah, ‘tsaka ‘yung ham na dapat ibabaon ko pero kinain mo, tapos nagreklamo ka pa kase maanghang, e kung ‘di ka ba naman ano, sana binabasa mo muna bago mo kainin. Sa susunod niyan ‘di mo alam dog food na pala kinakain mo!” “Bakit naman ako kakain ng pagkain ng aso? Ano ‘ko tanga?” “Oo, kasi paano rin naman tayo magkakaroon ng dog food dito, e wala naman tayong alagang aso!” Diyos ko. Tatanda ako nang maaga rito kay Blake. Sineryoso masyado ‘yung sinabi ko. Ang ibig ko lang naman sabihin magbasa siya bago kumain. Naku talaga. Matutuyuan ako ng dugo sa kanya. “Yang dila mo ha! Pasalamat ka babae ka, kung hindi naku…” pailing-iling niyang sabi. “Ano?! Ano’ng gagawin mo?!” Ang laki-laki niyang tao papatulan niya ang isang babaeng katulad ko? Akala naman niya aatrasan ko siya! Matapang ata ‘to. Pinalaki akong palaban ng mga magulang ko. Kaso biglang nawala ‘yung tapang ko nang biglang mahulog ‘yung towel niya! Napatili at napatakip ako bigla ng mga mata. Kawawa naman ang mga mata ko. Ang mga virgin na mata ko na wala pang nakikitang kalaswaan dito sa mundo. Walang-hiyang Blake ‘to! Habang hindi ko malaman kung paanong takip ng mata ang gagawin ko, siya naman tawa nang tawa. “Akala mo naman naghubad na ‘ko. Tina, may suot pa ‘ko.” “La-labas muna ako. Magbihis ka na!” Tumayo ako, at naglakad palabas nang nakatalikod sa kanya at medyo nakatakip pa rin ‘yung mga kamay ko sa mga mata ko. Mahirap na at baka mahagip na naman ng mata ko ‘yung nakita ko kanina-kanina lang! Kahit itim ‘yung suot niya may ano eh! Waahhhh! Bakit kasi masikip?! Bakit hapit?! Bwisit! ANNOUNCEMENT: VOTE FOR MY STORY - LIVING UNDER THE SAME ROOF BOOK 1 PWEDE PO BA AKONG MAG-LAMBING SA INYO? PWEDE N'YO PO BANG I-VOTE ITONG STORY KO. KAPAG NASAMA PO SA TOP 200 NA MAY HIGHEST NUMBER OF VOTES 'YUNG STORY, MAGKAKAROON PO NG MAGANDANG PROMOTION 'YUNG BOOK KO DITO SA DREAME. KAPAG SA TOP 3 NAMAN PO MAY CHANCE NA MA-PUBLISH AS PHYSICAL BOOK. SA MGA MAGVO-VOTE PO MAY REWARD DIN PO PARA SA INYO. LAHAT PO NG MAG-VO-VOTE MAY CHANCE PO NA MAKATANGGAP NG BONUSES GALING SA DREAME. ^_^ HINDI LANG PO KAMING WRITERS ANG MAY CHANCE NA MAGKA-REWARD, KAYO RIN PO. ANG GAGAWIN N'YO LANG PO AY I-CLICK ANG GIFT ICON THEN CLICK REWARD PARA MAKA-VOTE. 1 VOTE PER DAY PO AT HANGGANG AUGUST 21 PO ITO.  KUNG WALA PO KAYONG MAKITA NA GIFT ICON, I-UPDATE NYO LANG PO MUNA 'YUNG APP PARA MAKA-VOTE NA KAYO. THANK YOU SO MUCH PO SA LAHAT NA MAGVO-VOTE!! ^__^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD