CHAPTER 21 ANG BILYONARYONG KARGADOR “Ikaw nga!" “Sunny? Sunny Flor Vazquez? Ikaw ba talaga iyan?" Agad kong tinampal ang balikat niya at napadaing siya kahit mahina naman ang ginawa ko. "Ako nga ito at ikaw nga iyan. Dito ka pala tinapon ng daddy mo?” Pang-aasar ko. "Baliw ka talaga. Tinapon talaga? Di ba pwede na mas maraming gwapo dito para dito ako dalhin ng mga magulang ko?” Napangiwi ako sa sinabi niya. Kaklase ko si Arturo noong high school at noong college life ko lang naman iyong may kaaway ako at itong s***h babae na ito ay hindi naman kami sobrang close pero minsan magkasama kami lalo kung may subject na kailangan na magka grupo, isa na siya sa makakasali sa grupo namin. Akala ko nga dati, straight to eh dahil kung makatingin sa akin ay wagas pero iyon pala, umamin niya