CHAPTER 22 ANG BILYONARYONG KARGADOR Hindi ko alam kung ano itong nakapatong sa noo ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, only to see… Manong Lance? Panaginip ba ito o totoo? Kumukurap-kurap pa ako at baka panaginip lang ang nakikita ko. Nakadungaw ito sa akin habang nakangiti. Medyo kitang-kita ko ang kanyang mapuputi at pantay na ngipin. Hindi na ako nakatiis at sinampal ko siya. Kaya biglang tumabingi ang mukha niya. “Oops!" Sabi ko sabay lagay ng palad ko sa bibig. Nabigla ako, totoo pala siya. “What the! s**t! Ang sakit non ah!" Daing niya. Agad siyang humarap sa akin. “Anong kasalanan ko?" Tanong niya habang hawak ang isang pisngi na sinampal ko, nakita ko na may natapon sa sahig. Ano kaya iyon? “Ay sorry, totoo ka pala, akala ko kasi minumulto mo na naman ak