CHAPTER 37 ANG BILYONARYONG KARGADOR Agad namang lumapit sa akin si Manong Lance at akala ko papagalitan niya ako dahil lang sa pakikipag-isap ko kay Mayor. Oh no, anong irarason ko sa kanya? “Ano nag-usap lang kami kanina-" “Sino may gawa sa'yo nito?" “Huh?" “Iyang damit mo, bakit basa?" Turo niya sa damit ko at buhok na medyo basa rin. Umiling ako sa kanya. “Wala to-" At -" halos nagdilim ang mukha niya habang titig na titig sa may dibdib ko na basa parin ng tubig dahil sa ginawa nang tatlong estudyante. “Sino may gawa nito? Ano pa ang ginawa sa'yo? Tell me!” Nagulat ako sa tanong niya dahil may galit. Napasinghap hindi lang ako kundi mga kasamahan ko na agad niyang hinubad ang polo niya at isinuot sa akin. “Suotin mo muna ito… ” “Pero…” "Huwag na matigas ang ulo, Sun