CHAPTER 36 ANG BILYONARYONG KARGADOR “What the?" Agad kong pinunasan ang tubig na tinapon sa akin lalo sa aking mukha. “Oops nabasa ka ba ng tubig? Sayang naman ang uniform mo na bumabakat na ngayon ang bra," putak ng babae sa harapan ko. Agad kong tinakpan ang uniform ko malapit sa dibdib na nabuhusan ng tubig. Ang kapal naman ng mukha ng babaeng ito para buhusan ang Disney princess. “What do you guys want from me?" Ani ko sa matigas na English sa tatlong babae na nasa harapan ko. Sila itong napansin ko kanina malapit sa library building na kung makatingin sa akin ay kulang na lang tirisin ko ang mga mata sa sobrang tirik. “Sino ka ba, para kausapin ang nag-iisang mayor namin dito? Isa ka lang naman na hamak na bagong estudyante, huh? Ang kati-kati mo naman na malandi ka.” duro n