LUCIFER
ISANG buwan ang lumipas sa lansangan na kami tumira ni Hubert. Palipat lipat kami ng lugar sa tuwing nakikita namin ang tauhan ng Boss namin.
Napadpad kami rito sa Las Piñas.
“Mukhang madalang ang customer ngayon,” sabi ni Hubert. Nagbuga ito ng usok mula sa sigarilyong hawak nito. Pinitik nito ang upos na nasa dulo ng sigarilyo nito.
Dahil wala kaming pagpipilian upang mabuhay napilitan kaming magbenta ng aliw para lang makaraos sa araw-araw. Madalas ang parokyano namin ay mga matatandang babae na naghahanap ng aliw. Hindi ko akalaing makaka-survive kaming dalawa ni Hubert dito sa lansangan. Lalo pa maraming mga masasamang tao.
Naalala ko noong unang araw namin sa lansangan.
“Dito na tayo matulog, wala namang tao,” sabi ko nang makakita kami ng mapupwestuhan para tulugan ngayong gabi. Unang araw namin ngayon na matutulog sa lansangan.
“Teka kukuha lang ako ng karton pangsapin natin sa semento.” Si Hubert. Tumango ako.
Marahan akong naupo sa maduming semento. Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit sa sugat ko sa tagiliran.
Nasa harapan kami ng isang saradong gusali. Aalis na lang kaming dalawa bukas ng umaga. Baka kung magbukas ang tindahan ay paalisin din kami rito.
Habang hinihintay ko si Hubert may mga kabataang paparating.
“Sino ka at anong ginagawa mo rito sa teritoryo ko,” sabi ng isang lalaking nasa unahan.
Mukhang ito ang lider sa grupo ng kalalakihan. Ang suot nitong sandong puti ay kulay grey dahil sa dumi. Ang suot nitong pantalon ay punit at marumi na rin. Ang suot niton rubber shoes ay nakabuka na ang swelas ng sapatos nito. Napasulyap ako sa hawak nitong mahabang kahoy.
Napalunok ako. Pansin ko ang tattoo nito sa braso. Kahit payat ang lalaki makikita dito ang yabang at angas na kung sasagutin mo ng pabalang ay hahambalusin ka na lang ng dala nitong mahabang kahoy.
“Makikisilong lang kahit ngayong gabi,” sagot ko sa tanong niya. Sa sagot ko ay sumalubong ang makakapal na kilay nito. Lumapit ang lalaki at pinalo nito ang hawak nitong mahabang kahoy sa balikat ko. Napaigik ako. Hinawakan ko ang balikat ko at hinimas.
“Teritoryo ko ito! Wala kang karapatang basta na lang nauupo o mahihiga riyan ng walang paalam sa akin!” Galit na sabi nito. Napayuko ako.
“Pasensya na. Aalis na lang ako,” sabi ko habang nakayuko. Sinikap kong tumayo ngunit napaluhod ako nang hampasin ako ng lalaki sa tagiliran ko.
“Mayabang kang gago ka, akala mo kung sino ka! Hindi porke’t may lahi ka, may karapatan ka ng maghari-harian dito! Layas!” anito at saka tinadyakan ako. Natumba ako. Pinagtulungan nila akong suntukin. Napayuko ako habang hinaharang ng braso ko ang bawat suntok at pala sa katawan ko.
“Hoy! Anong ginagawa niyo sa kaibigan ko!” Sigaw ni Hubert sa nambubugbog sa akin. Nagkagulo na. Nag-angat ako ng tingin, nakita kong nasa semento na ang mga kalalakihan. Si Hubert ay hingal na hingal na nakatayo habang hawak ang mahabang bakal. Malaking tao si Hubert, kaya niyang patumbahin ang mga lalaki. Maliliit lang naman ito at may kanipisan ang kanilang mga katawan.
Tumayo ang mga ito at takot na tumakbo.
Nawala ako sa iniisip ko nang magsalita si Hubert. “Maghintay pa tayo ng kaunti. Maaga pa kasi kaya wala pa tayong makita,” sabi ko.
Napangiti si Hubert nang may humintong magarang sasakyan sa harapan namin. Mukhang mayaman. Bumaba ang tinted na salamin at tumambad sa amin ang isang matandang babae. May kolorete ang mukha nito. Sa kabila noon mababakas sa kanya ang tunay na edad nito sa kabila ng kapal ng kolorete nito sa mukha. Maputi ang babae at mukhang may pinag-aralan base sa tono ng pagsasalita nito.
“Magkano ang isang gabi?” tanong nito. Napasulyap sa akin si Hubert habang may ngisi sa labi nito.
“Magandang araw po. Tig-1k lang po kaming dalawa. Kung may extra pa kayong ipagagawa may dagdag po.”
Pinasadahan kami ng tingin ng babae at saka malawak na napangiti.
“Hindi ako ang customer ninyo kundi ang kaibigan namin.” Anito at saka bahagyang ngumiti.
“Malinis ba kayo? I mean to that wala ba kayong sakit na nakakahawa? I just want to make sure,” sabi ng babae.
“Don’t worry po Ma’am malinis po kami ng kaibigan ko. We make sure every time we have customer we used protection. Saka po hindi kami basta kumukuha ng customer. Mga mayayaman ang parokyano namin.”
Napapahanga ako kay Hubert dahil kaya nitong magsalita sa banyaga. Samantalang ako ay hindi ko kaya. Hindi naman kasi ako nakatapos ng Elementarya kaya kulang ang kaalaman ko pagdating sa akademya.
“Good. Yung kasunod kong sasakyan, doon kayo sumakay.” Utos nito. Tumango si Hubert. Nagpunta kami sa nakahintong sasakyan. Sumakay kami sa likurang bahagi ng sasakyan. Mas maliit ito kumpara sa kinalulunanan ng babae. Napatingin ako sa drayber. Matanda ito.
“Ilang taon na kayo mga hijo?” Tanong nito sa amin ni Hubert. Natawa pa nga ang kaibigan ko dahil sa tanong ng matanda.
“Desi-otso na po ako. At itong kasama ko ay desi-syete.” Sagot ni Hubert. Napailing ang matanda.
“Ang bata niyo pa para pumasok sa ganitong trabaho. Bakit hindi kayo mag-aral?” sabi nito. Nagkatinginan kami ni Hubert. Paano pa kami mag-aaral kung ang pangkain lang namin ang kaya namin pagtrabahuan. Magastos kung magpapatuloy kami sa pag-aaral. Mas uunahin namin ang kumakalam naming sikmura kaysa ang edukasyon.
Napakamot ako sa ulo ko at saka sinagot ang matanda “Wala na po kaming pamilya. Kailangan po naming magtrabaho para mabuhay.”
“Tama po ang kaibigan ko. Wala naman po kaming mahahanap na trabaho dahil kulang ang aming edukasyon sa hinahanap nilang kuwalipikasyon.
Napatango ang matanda. Napasulyap siya sa akin. Ilang segundo rin iyon at ibinalik din agad ang tingin sa kalsada. Namayani ang katahimikan nang hindi na nagsalita ang matanda. Itinuon ko na lang ang tingin sa dinadaanan namin.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking gate na kulay itim. Napaawang ang labi namin ni Hubert nang makita ang loob ng bakuran. Napakaluwang. Napaliligiran ng nagtatayugang mga puno at nakahilera ang halamang may iba’t ibang kulay ng bulaklak.
Bumaba na kami ni Hubert at pati na ang matanda.
“Doon kayo pumasok. Hinihintay na kayo ni Madam,” utos sa amin ng matanda.
“Maraming salamat po,” pasasalamat ko rito. Nginitian niya ako. Naglakad na kami ni Hubert.
“Mukhang titiba tayo rito Lucifer. Mayaman itong nakuha nating kliyente. Kapag malaki ang ibabayad ng babae makakapag-down na tayo sa uupahan nating maliit na kuwarto,” sabi ng kaibigan.
“Sana nga. Palagi na lang tayong bokya sa mga ibang kustomer natin. Akala natin mayaman, yun naman pala nagkukunwari lang,” sabi ko. Sabay kaming natawa sa komento ko.
“Sinabi mo pa. Kung hindi lang matanda ang mga iyon binugbog ko na.”
“Gago! Huwag ganun! Kahit masama ang ginawa nila intindihin na lang natin. Saka nagbabayad naman kaya hindi na lugi,” natatawa kong komento.
Sinalubong kami ng matandang babae na kausap namin kanina. Napagmasdan ko ang kanyang kabuuan. Nakasuot ito ng bestidang pormal ang tabas. Nakasuot ng may takong na sapatos. Ang buhok nito ay nakapusod ng maayos paitaas. May malaking gold na hikaw sa tainga nito. Ang kamay nito ay may nakasuot na gold na relo. Natatamaan ng sinag ng ilaw ang kanyang mga alahas.
Sumunod kami sa babae. Umakyat kami sa hagdan, hanggang nakarating kami sa pinakadulong silid. Napapalingon kami ni Hubert sa dinadaanan naming mga silid na may kulay puting pintura at gold na kulay ng seradura. Ang huling pinto ay iba ang kulay. Pula ang kulay nito.
Binuksan ng babae ang pinto. Pagkapasok namin ay nakita namin ang nakaupong magandang babae. Hindi nalalayo ang edad nito sa kasama naming babae. Siguro ay nasa kuwarenta na ang edad nito.
“Mahusay ba sa kama ang nakuha mo?” tanong ng babae.
“Ayon sa kanila kaya ka nilang paligayahin at kung may extra ka pang ipagagawa ay gagawin nila, pero may karagdagang bayad.” Paliwanag ng babae. Napasulyap siya sa aming dalawa ni Hubert.
“Where’s the cheque?” nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Napatingin ako kay Hubert.
“Um. . . Excuse po Madam. Puwede po bang mag-request kung hindi naman kalabisan sa inyo. Pwede po bang i-cash niyo na lang. Hindi naman po kasi kami nagpupunta ng bangko,” sabi ni Hubert at nagkamot ng ulo nito.
Napatingin ang babae habang nakataas ang isang kilay nito. Napasulyap ako sa kanyang maputi at makinis na mga hita. Mukhang mapapalaban kami ni Hubert. Pakiramdam ko kakaiba itong babae kahit may edad na.