"KYLIE, di ka pa ba pagod?" nanghihinang tanong ko kay Kylie nang hindi pa rin ito natutulog. Tumingin ako sa orasan. Malapit nang mag-10. Kylie should sleep at 10. Binalingan ko ng tingin si Kylie na ngayon ay nakatingin sa akin. She's sucking her right thumb. Inaantok na siguro 'to.
Hinaplos ko ang kanyang ulo at humiga sa tabi niya. Dito muna ipinatulog ni Felix si Kylie sa kwarto ko kasi may ginagawa siya. Ever since I stayed here, walang araw na hindi ko siya nakikitang nakaharap sa computer niya. Marami raw kasi siyang dapat gawin at hindi ko alam kung ano iyon. Yes, I maybe know his name but I don't know him that much. Guacamole, I don't even know what his job is. Hindi niya ipinapaalam sa akin. Pero sino ba naman ako upang ipaalam niya sa akin 'yun?
I felt Kylie hugging me while sucking her thumb. Tumigil ako sa paghaplos ng kanyang ulo at kinuha ang kanyang gatas na nasa side table tsaka ito ipinalit sa hinlalaki niya. Napatawa ako ng mahina. Kanina, ayaw niya. Ngayon naman, gustong-gusto.
Kylie hugged me tighter pero nahulog ang kanyang feeding bottle. Kinuha ko ito at ako na mismo ang humawak sa feeding bottle. Unti-unti naman siyang pumikit. She stopped drinking the milk. Kinuha ko ito ng dahan-dahan pero ganon nalang ang gulat ko nung gumalaw ang bibig niya at uminom ulit ng gatas. Napailing-iling nalang ako. No wonder why Kylie's heavy.
Maya't-maya'y tumigil na si Kylie sa pag-inom. Pinatagal ko muna ng ilang segundo bago kinuha ang feeding bottle sa bibig niya. Nilagay ko ito sa side table at naglagay ng unan sa gilid ni Kylie upang hindi siya mahulog. Humiga ako sa tabi niya at saka siya niyakap. Ang bango ni Kylie.
Naalala ko ang aking mga magulang. How are they doing? Okay lang ba kaya sila? I miss them so much but I didn't regret that I escape from them. If I didn't, maybe tomorrow, or next week, I'm on my wedding dress, walking towards the man I am going to marry. Ito lang ang naisip kong paraan upang hindi matuloy ang kasal: ang pagtakas. Sa aking pagtakas, may problema na naman: wala akong matitirahan.
Elementary pa lang ako, wala akong masyadong kaibigan. Parati kasi pagbabasa ng libro ‘yong inaatupag ko. Lalapit lang iyong mga kaklase sa akin kapag may gagawin silang tula para sa lecheng crush nila tapos ipapacritique sa akin o ‘di kaya'y ipapaproof read. Dahil doon, nagkainteres ako sa proof reading.
Tumuntong ako ng highschool at kasali ako sa Periodical ng aming school. Ang posisyon ko ay proof reader. Nakatulong din ito sa akin dahil unti-unti na akong nakikihabilo sa mga tao. Nagkaroon ako ng mga kaibigan pero ang iba sa kanila, nagbago na ‘nong tumuntong kami ng college. Naging bitches, kumbaga. Kaya ayun, in the end? Wala akong kaibigan. Not until nagtrabaho ako.
Noong unang araw ko palang sa pagtatrabaho, I know I found my second family. Their warm welcomes overwhelmed me. Panigurado, kung hindi ko pa tinapon yung sim ko, sandamakmak na ng mensahe ang matatanggap ko sa kanila. Miss ko na ang mga gaga at gago kong kaibigan. Haist. Bibili talaga ako ng sim card bukas. Good thing I didn't save their number in my sim card. Pero kahit kaibigan ko sila, hindi ko alam kung nasaan sila nakatira. Kaya wala talaga akong malalapitan.
My parents were both doctors. My father was a neurologist and my mother was a cardiologist. Sa hospital na kanilang pinagtatrabahuan, sila ang pinakamagaling. When I choose proofreading, akala ko magagalit sila, knowing that they were both doctors. Pero sabi nila, kung saan ako masaya, susuportahan nila ako as long as tama ang desisyon ko. I miss my parents so much.
Pinikit ko nalang ang aking mga mata pero hindi talaga ako makakatulog. Napagdesisyunan kong tumayo mula sa kama at pumunta sa balkonahe. Napayakap ako sa aking sarili. Ang lamig ng hangin. I miss this feeling. When I was a kid, My parents and I always go to the rooftop and watch the stars continously winking at us. Then we will hug each other really tight, feeling the calm breeze sweeping over us.
"What are you thinking?" I startled when I heard Felix's baritone voice near my ear. The hair on the back of my neck stood on an end. Di ko namalayan na pumasok pala siya sa kwarto. Tiningnan ko siya. Nakatayo siya sa likuran ko.
"F-Felix, y-you're too close," I said to him. Hinigit ko ang aking hininga. Nakakailang. ‘Di ako sanay na ganito siya kalapit.
"Oh, sorry." Pinakawalan ko ang aking hininga ‘nong umalis siya sa likuran ko at tumabi sa akin. There's a gap between us. Better.
Sumandal siya sa railings pero ramdam ko ang pagtingin sa akin. Hindi ko nalang iyon pinansin pero tumagal iyon ng ilang minuto! For guacamole's sake, he's burning a whole in my cheek! Looking is okay. But staring is definitely not okay!
Pilit kong hindi siya pansinin. Nag-iinit ang aking pisngi sa ginawa niyang pagtitig. I thought this one is better, him standing beside me. Pero hindi pala. Ba't ba siya titig nang titig ha? Sa pagkakalaam ko, wala namang dumi sa aking mukha. Kakahilamos ko lang bago pa natulog si Kylie.
Nagpanggap nalang akong pinanood ang mga bituin sa kalangitan kahit ang totoo, I am watching him from my peripheral vision. Bumukas ang kanyang bibig na para bang may gustong sabihin pero tinikom niya ito. Bumukas ulit ang bibig niya and this time, nagsalita na siya.
"Of all houses, bakit napili mo ang bahay ko kahit marami d’yan na nakabukas din ang gate?" Bigla akong napatingin sa kanya dahil sa tanong niya. Bumundol ang kaba sa aking dibdib. Bakit ba parang galit siya?
"Kasi ito lang ang nakita kong hindi lock," wika ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa akin. Kahit nakakrus ang mga braso niya sa kanyang dibdib, I can feel that his fists are clenching. But why? Or feeler lang talaga ako?
Binaling ulit niya ang tingin sa akin. "Talaga ba? Eh, kay Manang Rosetta, parati iyong bukas sa umaga. Mas malapit pa nga ‘yong bahay niya sa entrance kesa sa bahay ko. Bakit?" Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Pero naiintindihan ko naman siya kaya siguro siya ganyan. Who on earth would let a total stranger live in his house? Ang kapal lang ng mukha ko.
"Sabihin mo lang kung ayaw mo na akong patirahin dito. Maghahanap ako ng matitirahan sa lalong madaling panahon. Hindi ko rin alam kung bakit ito yung napili ko. Basta, habang tumatakbo ako nun, may iniisip ako. Tungkol sa. . ." pagpapakasal sa akin. Gusto ko sanang idagdag pero napagdesisyunan kong huwag nalang.
"Tungkol sa?" nakataas-kilay niyang tanong. Hinihintay niya ang sagot ko. Umiling-iling lang ako.
"Wala. At nang mabalik ako sa katinuan, una kong nakita ang bahay mo. S-Sorry pala. Kung ayaw mo na, okay lang. Pasensya ka na at nakaabala ako rito." Hinawakan ko ang laylayan ng aking tshirt. Saan na ako pupulutin nito? Kung babalik nalang kaya ako? Ayoko.
He heaved a sigh and much to my surprise, he patted my head. Dahil sa bigla, agad akong nag-angat ng tingin, not knowing how close our faces are. Nagkalapat ang tungkil ng aming ilong. Nanlaki ang aking mga mata. Matiim siyang nakatitig sa akin. Nakita ko ang pagtingin niya sa aking mga labi. It seems like everything around me stopped. Wala akong ibang naririnig kundi ang puso ko.
Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata. Kahit na walang emosyon na nakaukit sa kanyang mga mata, para akong nilulunod ng mga ito.
Nagkahiwalay kami nang marinig namin ang iyak ni Kylie. Bigla akong nakaramdam ng pagkahiya. Dali-dali naman namin siyang pinuntahan. Kinarga agad siya ni Felix at isinayaw-sayaw. Saved by Kylie!
Hinawakan ko ang aking dibdib. Napakalakas ng t***k ng puso ko. My cheeks are so hot. Ano ba ang nangyayari sa akin?
"Shh, is my baby hungry?" Kinuha ni Felix ang feeding bottle ni Kylie at pinainom sa kanya. Natigil naman ang pag-iyak ni Kylie.
Nakatayo lang ako sa gilid habang tiningnan sila. Unti-unting kumalma ang aking puso. Napalitan iyon ng kakaibang init na para bang hinahaplos ito. Felix's a good father. Kitang-kita ko ang pagmamahal niya para kay Kylie. Hanggang ngayon, curious parin ako tungkol sa ina ni Kylie. Hindi ko alam kung ano ang mukha niya at pangalan. Hindi ko rin alam kung bakit hindi niya kasama sila Kylie at Felix. Ano ba talaga ang nangyari? May nobya ba si Felix at nabuntis niya ito? Tapos namatay ang ina ni Kylie sa panganganak? O ‘di kaya'y. . . naghiwalay sila?
Ayoko nang isipin kung ano man ang nangyari. I can imagine Felix crying while carrying Kylie, begging the woman he loves not to leave. It makes my heart clench in pain. Nakakaawang tingnan si Felix. Pero paano naman kung si Felix ang nakipaghiwalay? Ay ayoko na talaga! Ang sakit sa ulo isipin!
"Tulog na si Kylie. I'll bring her to our room." Tango lang ang tanging isinagot ko kay Felix. ‘Di ko namalayang nakatulog na pala si Kylie.
Hinatid ko sila hanggang sa pinto at pinagbuksan. Nagpasalamat naman si Felix sa akin.
"Good night, Anikka," wika niya habang nakatingin kay Kylie.
"Good night, Felix," tugon ko. Pumunta na si Felix sa kabilang kwarto at ‘nong nasigurado kong nakapasok na sila, sinarado ko na ang aking pinto at humiga sa kama na ang laman ng isip ay ang nangyari kanina sa balkonahe.
Ang ganda ng mga mata ni Felix.
-----