TUMAYO si Kylie mula sa pagkakaupo at sumayaw-sayaw. I'm done feeding her mashed potatoes na hinaluan ko ng konting kondensada. Gustong-gusto talaga iyon ni Kylie. Favorite food niya raw, sabi ni Felix. Nandito kami ngayon sa sala, nakaupo sa carpet habang si Felix naman ay nakaupo sa sofa. Nakapatong ang kanyang laptop sa mesa na nasa gitna ng carpet. Parati ko nalang siyang nakikitang nakababad sa laptop. Ganyan ba talaga siya kabusy? Ang dami naman niyang gagawin. Ilang araw na siyang ganyan at tinubuan na siya ng stubbles. Halatang ilang araw nang hindi nagshe-shave. Biglang hinila nang mahina ni Kylie ang nakalugay kong buhok kaya tiningnan ko siya. "You love to dance, Kylie?" tanong ko. She just cooed and laughed. Umupo siya muli at gumapang patungo kay Fe