PASADO ALAS singko na ng hapon nang makauwi ako sa bahay na nakita ko. Kumatok ako at agad naman akong pinagbuksan ng pinto ng lalaki. Bitbit ko ang mga plastic bags na naglalaman ng mga lahat ng kakailanganin ko. Tinulungan naman ako ng lalaki na bitbitin ito papasok sa loob.
Tanaw ko si Kylie mula rito na nasa sala. Tutok na tutok siya sa pinapa-nood niya sa T.V at nasa loob siya ng crib niya, nakatayo. Napangiti ako. Nakakaaliw tingnan si Kylie. Bilog na bilog ang kanyang mga mata at may pacifier sa kanyang bibig.
“Cute,” bulong ko na paniguradong narinig ng lalaki. Napatingin siya sa akin at ‘saka bumaling kay Kylie.
“I know. She’s adorable.” Ramdam na ramdam ko sa kanyang boses ang pagmamahal at no’ng napatingin ako sa kanya, kitang-kita ko ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi habang nakatitig kay Kylie. Nakaukit din ang pagmamahal sa kanyang mga mata. I suddenly miss my father. Kumusta na kaya sila? Hinahanap kaya nila ako?
Naputol ang aking pag-iisip no’ng binalingan niya ako. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. “Punta muna ako sa taas. Ako na lang, kaya ko na ito.” Kinuha ko ang mga plastic bags mula sa kanyang kamay. Tumango naman siya sa akin.
“Okay. Dito lang kami ni Kylie sa sala,” sabi niya bago ako tinalikuran at kinuha si Kylie mula sa crib. Kinandong niya ito. Ang cute nila tingnan.
Habang paakyat, hindi ko pa rin mapigilan isipin kung nasaan ang mama ni Kylie at kung ano ang nangyari sa kanya. Gustong-gusto ko makichismis pero ‘di naman kami close. And I doubt masasagutan ko ang mga katanungan ko. I think I won’t stay here longer. Nakakahiya naman kasi, eh.
No’ng nakarating na ako sa kwarto na sinasabi sa akin ng lalaki, agad akong pumasok at binitawan ang mga pinamili ko. Wala na akong pakialam kung nagkalat ang mga ito sa sahig. Pagod na pagod na ako!
Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Pucha, ang lambot ng kama. Sarap talon-talonan. Ramdam na ramdam ko ang p*******t ng aking likod at paa nang makahiga na ako. Gustong-gusto nang pumikit ang mga mata ko pero no’ng kumalam ang aking tyan, bigla akong nagising sa katinuan. Pota, ipagluto ko na lang kaya sila nang may pakinabang naman ako rito sa bahay?
I quickly changed into my newly-bought sleepwear and went downstairs. Nakita kong nakatulog ang lalaki habang kandong niya si Kylie na nakatulog din.
“Help me find the Enchanted Castle!” Rinig na rinig ko ang boses ni Dora sa T.V. Napatawa ako sa aking isip nang maimagine ang lalaki na nanonood nito kasama si Kylie. Hanggang ngayon, ‘di ko pa rin alam kung ano ang pangalan niya. Nahihiya akong magtanong. ‘Di bale, malalaman ko rin naman ‘yon. Imposible namang ‘di niya sasabihin.
Pinatay ko ang T.V at agad na pumunta sa ref. Binuksan ko ito at tiningnan kung ano ang laman. May mga maliliit na tupperwares na ang laman ay mashed potatoes. Paniguradong ‘yon ang pagkain ni Kylie. May mga gulay, chicken, at meat din. Wow, kompleto. Halata naman sa laman ng ref na marunong magluto ang lalaki.
Sa huli, kumuha ako ng gulay at chicken para gumawa ng tinolang manok. Tinolang manok is one of my favorite viands! Ang sarap kasi, eh, lalo na ‘yong sabaw kaya naman, pinag-aaralan ko talaga kung paano ito lutuin hanggang sa makuha ko na ang tamang timpla. Ewan, kapag ito ‘yong ulam namin nae-excite talaga ako.
Nagsimula na akong mag-init ng mantika onions, ginger, at garlic. Kakasimula pa nga lang sa pagluluto ko pero natatakam na ako. Nai-imagine ko na ang lasa ng tinolang manok sa aking bibig. Ang sarap!
Sunod ko namang niluto ay ang manok at no’ng luto na ito, nilagyan ko ito ng tubig at hinintay na kumulo. Habang naghihintay, ramdam na ramdam ko ang mga bituka sa aking tiyan na nagwawala. Nagluto na rin ako ng kanin. Pota, gutom na gutom na talaga ako!
Muli akong pumunta sa sala upang tingnan ang lalaki at si Kylie. Tulog pa rin sila. Bumalik ako sa kusina at umupo sa nakita kong upuan. No’ng kumulo na ito, kinuha ko ang mantika sa sabaw at nilagyan ng Knorr chicken cubes. Ah, ang bango! Excited na akong ihain ‘to!
Nilagyan ko ito ng malunggay at iba pang mga kakailanganing gulay at nang maluto na ito, agad akong naghanap ng malalagyan at inihain ang tinolang manok. Shet, yey!
I set up the dining table at kinuha ko na rin ang mashed potatoes ni Kylie na nasa ref. Nagtimpla na rin ako ng juice. Hanggang ngayon, tulog pa rin ang mag-ama. Punong-puno na ng laway ni Kylie ang t-shirt ng lalaki. Natawa ako. Ang cute talaga! Panigurado, magiging masaya ang panan-daliang paninirahan ko rito.
Tiningnan ko ang orasan. Saktong-sakto alas-seis y media na. Pumunta ako sa sala. Balak ko na sanang gisingin ang lalaki but instead of waking him up, I end up staring at him. Ang payapa ng mukha niya.
Bumaba ang aking tingin sa kanyang mga labi. Mapupula ang mga ito and they look soft. Kinagat ko ang sarili kong labi. Kung kani-kanina lang ay gusto kong kumain ng tinola, ngayon iba na ang gusto kong kainin. Charot ang harot! Eh, kakakilala ko pa lang sa lalaking ‘to ang landi na ng isip ko! I mean, bakit naman hindi? Ang pogi niya kasi!
Napalunok ako ng laway at umayos ng tayo. Shet, wala muna akong time sa harot harot na ‘yan! Tsaka respeto sa mama ni Kylie.
Lumapit ako sa lalaki and this time, I did what I am supposed to do a while ago. Tinapik ko ang kanyang balikat. Agad naman siyang naalim-pungatan. Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.
“Uhm, I cooked dinner,” I said. Umayos siya ng upo at hinawakan si Kylie. Kinusot naman niya ang kanyang mga mata gamit ang isang kamay. Napatingin siya sa kayang t-shirt na basang-basa at napailing-iling.
“Puno na naman ng laway ang t-shirt ko,” natatawang sabi niya.
“Ang sarap siguro ng tulog ni Kylie,” I responded. Tiningnan niya naman si Kylie at bumaling sa akin.
“Can you please look after Kylie? Maliligo lang ako.” Tumango naman ako at dahan-dahan niyang inilipat si Kylie sa akong mga bisig. Tulog na tulog pa rin si Kylie kahit ginalaw-galaw na siya ng lalaki kanina.
The man went upstairs and I waited for him here in the living room. Umupo ako sa sofa at nasa mga bisig ko si Kylie. Natanggal bigla ang kanyang pacifier at nakita ko ang kanyang pag-igtad na para bang nagulat. Binalik ko ang pacifier sa kanyang bibig and she sucks on it as if her life depends on it. I traced Kylie’s nose. Sarap kagatin! Super cute! Ang taba rin ng pisngi niya!
I brought her face closer to my lips and kissed her cheeks. Nakakagigil! Inulit-ulit ko iyon and I bit her cheeks gently. Hindi pa rin siya nagising. Tulog mantika si baby. I chuckled.
“Kylie. . .” I whispered her name and played with her hands. Ang liit nito tsaka na rin ang mga daliri niya. Nakita ko rin na bagong trim ang mga kuko niya. Habang wala pa akong anak, gusto ko munang alagaan si Kylie. Ewan. The first time I saw her I knew I would become attached to her and the moment I leave, I’m gonna miss Kylie. Big time.
Nakita kong bumukas na ang mga mata ni Kylie. My smile widened lalo na no’ng nakatitig siya sa akin. She giggled and stretched her arms. Nahulog ang kanyang pacifier.
“Papapapap,” sabi niya at tinapik-tapik ang aking pisngi. Hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa aking pisngi at hinalikan ito.
“Hello, baby! I’m ate Anikka! I’m gonna look after you while I stay here,” she giggled again as if she understood what I said. “Ang cute mo!” sabi ko ulit at hinalikan siya. Tumayo siya at pinadyak-padyak ang kanyang paa.
“Looks like you two are having fun.” Napatingin ako kung saan nanggaling ang boses. Nasa baba ng hagdanan ang lalaki at nakatingin sa amin na may maliit na ngiti sa labi. He had already changed his clothes and his hair is wet. Mula dito, amoy ko ang kanyang shower gel. Binigyan ko lang siya ng ngiti at tumayo sa aking kinauupuan.
“Well, Kylie is a jolly kid. Ngayon ko pa nga lang siya nakita pero pakiramdam ko sobrang attached na ako sa kanya. Alam mo ‘yon? ‘Yong pakiramdam na meron kayong connection!” sabi ko na ikinatawa ng lalaki.
“Halika na. Let’s eat.” Nauna siyang pumunta sa kusina at sumunod naman kami ni Kylie. Nakita kong kinuha niya ang high chair na nasa sulok at nilagay sa gilid ng isang upuan. Kinuha niya si Kylie sa akin at pinaupo sa high chair tsaka umupo. Umupo na rin ako. Kaharap ko ang lalaki at si Kylie.
“It smells good,” sabi niya no’ng binuksan ang takip ng glassware. “Thank you for cooking this.” Kinuha niya ang kanyang kutsara at ‘saka humigop ng sabaw. His face lights up. “Masarap din!” Para namang kiniliti ang aking puso sa kanyang sinabi.
“Salamat. Buti nagustuhan mo.” Ngumiti lang siya sa akin at kinuha ang mashed potato ni Kylie. Nagsimula na siyang pakainin si Kylie pero bigla akong umangal.
“Ay, ako na lang magpakain kay Kylie.” Nilipat ko ang aking upuan sa tabi ni Kylie at kinuha ang mashed potato mula sa kanya.
“Thank you, Anikka,” sabi niya at kumain. Napanguso ako.
“Buti pa ikaw, alam mo na ang pangalan ko. Tapos ‘yong pangalan mo ‘di ko pa alam.” Natawa naman siya sa sinabi ko.
“My name’s Felix Velasquez,” maikling sabi niya at nagpatuloy sa pagkain. Napatango-tango naman ako.
Oh, so his name is Felix. Ngayon, alam ko na.