CHAPTER 14: Panandaliang Aliw

2090 Words

"HUH?!" Napatakip akong bigla sa aking bibig at halos lumuwa ang aking mga mata sa nakita kong amount na nilalaman na ngayon ng savings account ko. "Is there a problem?" Napalingon ako kay Ma'am Damzel na nasa office table na rin niya ngayon. "N-Naku, wala po, Ma'am. Pasensiya na po, nagulat lang ako sa nakita ko dito sa phone ko." Kaagad kong ibinaba ang phone ko sa table ko at isinara ang mobile banking app ko. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko ngayon. Hindi ko mapaniwalaan ang nakita ko. Isang milyon ang pumasok na pera sa savings account ko! Si Sir Dame Lei ba ang nagpasok niyon? Ang sabi niya kasi kanina ay ipinasok na niya sa savings account ko ang sahod ko, pero bakit ganun kalaki? Parang panghabambuhay ko na 'yong pagtatrabahuhan sa kanya! Naku naman, hindi pwede 'to.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD