LUNA
Nakaupo kaming dalawa ni Gubat sa isang private room. Pwede kang kumain sa labas at meron din sila for VIP’S clients. Ayoko sanang sumama pero pinilit niya ako at dahil gutom ako at naamoy ko pa ang mga dishes nila ay sumama na ako sa loob.
“Bakit dito pa tayo? Puwede naman tayo sa labas. Hindi naman natin kailangan na dito sa loob ng hiwalay na kuwarto kumain.” Wika ko sa kanya habang namimili siya sa menu.
“Ayoko ng maingay at isa pa may pag-uusapan tayong dalawa. Baka may makarinig sa atin sa labas kaya dito na tayo sa private space.” Sagot niya sa akin. Habang hindi niya parin ako tinatapunan ng tingin.
“At ano naman ang pag-uusapan natin? Wala akong oras makinig sa mga kalokohan mo. Sumama lang ako dito dahil pinilit mo ako. Pero sa tingin ko nakukunsensya ka lang dahil sa ginawa mo kanina sa restaurant.”
Binaba niya ang hawak niyang menu at seryoso niya akong tinignan.
“I’m sorry sa ginawa ko kanina. Sinadya ko talaga yun dahil mas gusto ko kasabay ka kaysa sa babaeng yun.” Sagot niya sa akin na ikinakunot lalo ng noo ko.
“At bakit naman? Don’t tell me dahil sa akin kaya ka nakipag-break sa babaeng yun! Pinapaalala ko lang sa’yo Sir na trabaho ang pinunta ko sa pamilya niyo at wala akong time sa mga kalokohan niyo.” Madiin na pahayag ko sa kanya. Nakatigil lang siya at nakatitig pa rin sa akin.
“I broke up with her dahil hindi ko na kaya ang ginagawa niya sa akin. Anong palagay niya sa akin? Habang buhay na magpapatali sa isang gaya niya? Yes, we had s*x pero hindi ko naman sinabing pakakasalan ko siya. At isa pa, almost two million pesos na ang nagagastos ko sa kanya in just three months. Manang-mana siya sa kanyang ama na mangagantso. Mabuti nga at pinabunan ko pa siya ng regalo. Kahit paano bawi na ako sa pag-iwan ko sa kanya.”
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Tatlong buwan pa lamang sila pero milyon na ang nagastos niya sa babaeng yun. Samantalang ako mas masinop ako sa pera kahit mayaman kami. Sa totoo nga puwede na akong magretiro sa TAJSO at hindi ko na rin kailangan ang supporta nila Mom and Dad. Mahal ang magpamilya at mahal din magkaroon ng anak. Nasa tamang edad na rin kami ni Sol para mag-asawa kaya lang wala pa yun sa isip ko. Mahirap makahanap ng matinong lalaki sa panahon ngayon.
“Bakit ka kasi nagpapauto sa babaeng yun.”
“Alam mo naman kung bakit diba? She’s beautiful and sexy. Puwedeng gawing girlfriend pampalipas oras.” Mayabang na sagot niya sa akin.
Nagdugtong ang kilay ko sa sinabi niya. Pampalipas oras lang pala talaga ang tingin niya sa mga babae! Ang mokong na ito!
“Nancy is like my father’s mistress. And my Mom died because mas pinili ni Dad ang babaeng yun kaysa sa amin na family niya. Hindi nakayanan ni Mommy ang ginawa ni Dad na pag-iwan sa amin. Then I saw how she helplessly took her own life.”
Natigalgal ako sa patuloy na kuwento niya. Sa likod ng mayabang at masamang ugali na meron siya. Ay may matindi pala siyang pinagdaanan sa buhay. Minsan talaga may mga bagay na nangyayari na magpapabago sa isang tao. Ito rin kaya ang dahilan kung bakit ganun na lamang niya kababang tignan ang mga babae?
“I’m sorry to hear that.” Wika ko sa kanya. Hindi naman ako manhid para hindi maapektuhan sa lahat ng sinabi niya. Suwerte pa rin ako dahil lumaki kami na may mapagmahal na mommy at daddy. Matindi rin ang pinagdaanan ng pamilya namin. But they choose to be strong. At hangang ngayon nakikita ko pa rin na mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Minsan lang talaga kapag pasaway si Daddy at late na umuuwi ay nagliliparan ang mga patalim ni Mommy sa bahay. Pero magaling naman umilag si Daddy kaya hindi naman kami nag-alala. Kaunting lambing lang okay na ulit si Mommy. Pero sa case niya may other woman na involve.
“Pero Sir, hindi pa rin yun sapat na dahilan kaya ginagawa mong laruan ang mga babae.” Katwiran ko sa kanya. Napabuntong hininga siya sa sinabi ko.
“I don't know, kahit ako hindi ko pa rin kilala ang sarili ko. All I want is to enjoy my life hangang sa itakwil na ulit ako ni Dad. Kagaya ng ginawa niya sa amin noon.”
Dumaan ang mahabang katahimikan sa amin. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya i-cocomfort or kailangan ba niya ito. Matigas ako pero kapag nakikita ko na sincere ang isang tao na nagsasabi ng kanyang pinagdaraanan handa naman akong makinig. Pero wala akong maibibigay sa kanyang payo dahil hindi naman ako makarelate.
Bumukas ang di tulak na pinto at pumasok ang tatlong babaeng may bitbit ng order namin. Natulala siya nang makita niya ang inorder ko. Dahil sa gutom kasi dinamihan ko talaga ang order ko.
“Kaya mong ubusin lahat ng yan?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Marami talaga ako kumain pero hindi ako tumataba dahil sa exercise ko tuwing umaga. At ngayon magpapakabusog ako dahil ginutom niya ako.
“Kumain ka na lang diyan at bayaran mo itong kakainin ko.” Sabi ko sa kanya. Naiiling na ngumiti siya sa akin. Kahit na sinabi niya sa akin ang tungkol sa pinagdaanan niya hindi ko pa rin ilalapit ang loob ko sa kanya. Dahil sa umpisa pa lamang ay alam ko na kung bakit ako naririto.
Naubos ko lahat ng inorder ko at kahit nakatitig lang siya sa akin habang nakain ako ay hindi ko na siya pinansin.
Nang matapos kami ay nagpahinga muna kami sandali habang abala naman siya sa pagtitipa ng kanyang phone.
Mga ilang minuto pa ay nagbayad na siya gamit ang card niya.
Pagkarating namin sa bahay ay may nakita kaming ibang kotse na maraming bodyguard din na nakatayo sa labas.
“Nandito si Nancy at ang tatay niya.” Wika ni Forrest kaya napalingon ako sa kanya.