Chapter 7

1175 Words
LUNA Napilitan akong sumama sa loob ng bahay dahil masama din ang kutob kong may nangyayari sa loob. Pero pagbukas ng pinto at pagpasok ni Forrest sa loob ay nadatnan naming nag-uusap si Senator Revilla kaharap nito si Nancy. Katabi naman nito ang isa pang lalaki na sa tingin ko ay ka-edad lang nito si Senator. “Forrest maupo ka.” Mahinahon na utos ng kanyang ama. Pero imbis na sundin ito at bumaling ang tingin niya kay Nancy. “What’s the meaning of this? Diba nag-usap na tayo kanina Nancy?” Yumuko si Nancy at parang maamong tupa na tumingin sa kanyang ama. “Wala ka talagang galang! Hindi mo ba muna babatiin ang girlfriend mo at si Mr. William?!” Singhal ng kanyang ama sa kanya. Umiinit na ang tagpo sa pagitan nila. Hindi ko akalain na pupunta pa talaga dito si Nancy dahil sa ginawang pakikipag-hiwalay sa kanya ni Forrest. Sa tingin ko may hidden agenda ang tatay nito dahil pakiramdam ko hindi ito kumikilala ng katapat at parang si Senator pa ang natatakot sa presensya nila. “Dad, wala na kaming dapat pag-usapan ng babaeng yan. Hiwalay na kami at malinaw kong sinabi sa kanya yun kanina!” Depensa ni Forrest na sa tingin ko ay nauubusan na rin ng pasensya. “Forrest, hindi na kita pipilitin na pakasalan ako agad… kaya ko namang maghintay pero hindi ko kaya na mawala ka sa akin. At yung nangyari sa atin…balewala lang ba yun sa’yo?” Best actress! Pang oscar awards ang litanya ni Nancy. Totoo kaya yung butil ng luha sa kanyang mga mata? Baka talagang mahal na niya ang gubat na ito? Ayan kasi…ang hilig pumasok sa gulo tapos hindi naman alam kung paano lalabas. “Ginusto mo rin yun Nancy!” “Tama na!” Sigaw ng ama ni Nancy at napatayo na ito sa upuan niya. “Kung hindi mo pala kayang panagutan ang anak ko bakit mo siya pinilit na may mangyari sa inyo?!” Igting ang pangang sigaw nito. “Pinilit? Hindi ko siya pinilit Sir. Siya ang nag-offer ng sarili niya sa akin nang malasing ako sa condo niya. At kung yan man ang sinabi sa inyo ni Nancy wala na akong magagawa doon. Tapos na kami at hindi ako makikipagbalikan sa kanya.” May diin na pahayag ni Forrest. Nagulat na lamang ako nang hilahin niya ako sa kamay at tinalikuran niya silang lahat. “Forrest bumalik ka dito!” Tawag ni Senator sa kanya. Pero nagtuloy-tuloy siya palabas ng pinto. Bumungad sa amin ang mga bodyguard ni Mr. William. At sa tingin ko ay wala silang balak na paalisin kami. “Anong ginagawa niyo? Tabi!” Sigaw niya sa mga ito. Napangiwi ako sa paghawak niya ng mahigpit sa kamay ko. Sinubukan niyang itulak ang isang malaki ang katawan na bodyguard nito ngunit gumanti ito ng tulak sa kanya. Kaya napaupo siya sa semento at nabitawan niya ang kamay ko. “Hindi ka puwedeng umalis!” May pagbabanta nitong sabi sa kanya. “Sino ang may sabi sa’yong hindi puwede?” Seryosong sabi ko sa mayabang na bodyguard. “Sabi ng boss namin!” Sagot niya sa akin. Inalalayan kong tumayo si Forrest at buong lakas na sinipa ang lalaking malaki ang katawan. Napahiga ito sa semento. At sumugod na rin sila isa-isa. “Diyan ka lang.” Seryosong sabi ko sa kanya at iniwan ko siya sa gilid ng pinto. Habang ina-antay ang pagsugod ng iba pa. Hinawakan ko ng dalawang kamay ang kamao ng susuntok sana sa akin at pinihit ko ito paikot sa aking balikat. Napangiwi siya sa sakit at buong lakas kong inangat ang katawan niya at ibinagsak sa semento. Sinipa ko naman ang papalapit na isa pa. Kaya napahiga naman ito. Inilagan ko ang mga suntok at sipa nila sa akin. Mukhang may ibubuga din sila pagdating sa mano-manong labanan. Pero mas mabilis lang ako sa kanila. “Itigil niyo yan!” Binitiwan ko ang lalaking duguan na ang ilong nang marinig ko ang sigaw ni Senator. Mabilis na naglapitan ang mga bodyguard ni Senator na galing pa ata sa paghahapunan. Agad silang tinutukan ng baril. Napatingin ako kay Senator at tumango siya sa akin. “Anak ng–” Hinila niya ulit ako papunta sa kotse. Binuksan niya ang driver seat at sumakay sa kabila. “Drive…hindi muna ako uuwi ng ilang araw.” Seryosong sabi niya sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko naman siya puwedeng tangihan. Lalo pa’t alam kong masama talaga ang loob niya. O baka naman takot lang talaga siyang mapikot ni Nancy. Naging tahimik kami sa byahe dahil ayoko din namang magsalita. “Thank you kanina…” Sambit niya na ikinalingon ko sa kanya. “Para saan?” Kunwari’y tanong ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. “Sa pagtatangol mo sa akin. Nakita ko kung gaano ka ka-sexy.” Marahas ko siyang nilingon at hindi nakaligtas sa akin ang pagsilay ng ngisi sa kanyang labi. “Sira ulo talaga.” Mahinang bulong ko. “Yes, you’re right. Pero alam mo? Kahit sira-ulo ako guwapo pa rin ako.” Napahigpit ang kapit ko sa manibela at lumabas ang hangin sa ilong ko dahil sa kayabangan na naman niya. Kanina lang hindi maipinta ang mukha niya ngayon parang demonyo nang bumubulong sa akin. “Naka-alis na siguro sila umuwi na tayo.” Suhestion ko. “No, ayoko pa. Naririndi ako sa boses ni daddy. Dalhin mo na lamang muna ako sa private resort namin.” Kunot noo ko siyang nilingon. “At saan naman ang private resort na yun aber?” Mataray na tanong ko sa kanya. “Sa Batangas.” Sagot niya sa akin. “Ano? Ang layo noon!” Angil ko sa kanya. Nandito kami sa Manila at ilang oras pa ang aabutin bago kami makarating doon baka manhid na ang puwet ko at ngalay na ang braso ko sa pagmamaneho. “Itigil mo ang kotse.” Utos niya sa akin. Naguguluhan man ay itinabi ko ang kotse sa gilid ng kalsada. Bumaba siya at umikot sa kabila. “Umusog ka.” Utos niya sa akin. Lumipat ako sa kabila at siya naman ang pumalit sa driver seat. “Magpahinga ka lang diyan. Pagising mo nandoon na tayo.” Nakangiting sabi niya sa akin. At ayoko nang umangal pa dahil nakaramdam na rin naman ako ng pagod. Ginusto niya yan kaya bahala siyang mapagod. “Pinapaalala ko lang sa’yo na parang manok lang akong matulog. Kapag may ginawa ka sa akin habangtulog ako. Patay ka talaga sa akin.” Banta ko sa kanya na ikinalingon niya sa akin. “Asus! Para namang naakit ako sa’yo. Matulog ka na nga lang diyan.” Litanya niya. Akala mo naman inaakit ko siya at naisip niya yun. Syempre babae pa rin ako at alam ko sa sarili kong maganda ako. Napahikab ako at isinandal ko ang likod ko sa upuan. Maya-maya ay bumigat na rin ang talukap ng mga mata ko. Hangang sa tuluyan na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD