LUNA
Para akong asong sunod ng sunod sa kanilang dalawa kahit saan sila magpunta. Masyado din palang maluho ang girlfriend niya. Kanina nasa mamahaling bag kami nagpunta. Pagkatapos niyang bumili ng isa ay nagpunta naman kami sa store ng mga mamahaling sapatos at ngayon ay nasa jewelry store naman kami. Nasa labas lang ako ng store dahil naririndi ako sa kaartehan ng girlfriend niya. Masama pa ang tingin sa akin akala niya siguro ikinaganda pa niya ang pag-irap sa akin. Pasalamat na lamang siya at kailangan kong magtimpi dahil sa misyon ko. Kaya kinakaya ko ang maging sunod-sunuran sa kanya.
Pagkatapos ng halos kinse minutos ay nakalabas na rin sila. Napatingin ako kay Forrest nang i-abot niya sa akin ang mga paper bag na dala niya.
“Dalhin mo ito.” Utos niya sa akin.
“Bakit ako? Bodyguard mo ako at hindi alalay!” Madiin na sabi ko sa kanya.
“What? Anong pinagkaiba noon? Dalhin mo na yan at may pupuntahan pa kami.”
Inilapag niya ang paper bag sa paanan ko. At pagkatapos ay hinila na siya ng babae. Naikuyom ko ang aking kamao sa inis. Pero wala na naman akong choice kundi ang damputin ang mga paper bag at bitbitin ng dalawang kamay ko. Nasa make-up store na naman sila pumasok. Grabe talaga ang babaeng yun! Ito namang si Gubat uto-uto din dahil siya ang nagbayad lahat ng pinamili ng babaeng yun.
“Luna?” Napatingin ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin.
“Mon, anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Kasamahan ko siya sa TAJSO. Naging partner niya si Riya sa misyon nilang maging bodyguard ng prisendente at ang alam ko girlfriend niya pa rin ang kapatid ni Pres. Xander.
“Bibilhan ko sana ng regalong make-up si Kathy eh, kaya lang hindi ko alam kung anong shades ng lipstick ang palaging nasa labi niya. Yun kasi ang gusto kong kulay. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong niya sa akin. Inilapit ko ang aking labi sa kanyang tenga.
“Nasa mission ako, maging bodyguard ng anak ni Senator.” Mahinang bulong ko sa kanya.
“Ah ganun ba? Sige hindi na kita aabalahin pero tulungan mo muna akong mamili ng lipstick para kay Kathy pwede ba?”
Tumango ako sa kanya at sabay kaming pumasok sa loob. Nagpunta kami sa lipstick section at hinanap ko siya ng kulay. Kumuha ako ng isang tester at inabot ko sa kanya.
“Ano bang kulay ng lips niya? Para may reference tayo.”
“Parang orange o peach ata yun. Hindi ko alam eh.” Kamot ulo niyang sabi sa akin. Kumuha ako ng coral ang kulay at pinahid ko sa aking labi. Habang nakatingin sa salamin ngunit nagulat ako nang makita ko si Forrest na masama ang tingin sa akin.
Wala naman akong ginagawang masama kaya bakit siya magagalit? At isa pa busy naman sila ng jowa niya. Dapat nga ako ang magalit dahil pinagbitbit niya ako ng mga pinamili nila kahit hindi naman nila ako alalay. Inirapan ko siya para makaganti at pagkatapos ay tumingin ako kay Mon.
“Ganitong kulay ba?” Tanong ko sa kanya. Ganito din kasi ang type kong color aside sa red lipstick.
“Ganyan nga! Yan nga yung lipstick niya.” Natutuwang sabi niya sa akin. Kumuha ako ng nakasealed pa at inabot ko sa kanya.
“Bilhin mo na yan. Malapit ng bumuga ng apoy yung amo ko.” Mahinang sabi ko sa kanya.
“Salamat ha, ang galing mo talaga.” Nakangiting sabi niya sa akin. Bago niya ako layasan upang magpunta sa counter. Dinamot ko ulit ang mga letcheng bitbit ko at may taong nakatayo na sa harapan ko.
“Sinong maysabi sayong makipaglandian ka sa oras ng trabaho?” Nakataas ang makapal na kilay niyang tanong sa akin.
“Hindi ako nakikipaglandian sir, nagpatulong lang sa akin ang kaibigan ko na ihanap ang girlfriend niya ng lipstick.”
Mataray na sagot ko din sa kanya. Nagsukatan kami ng tingin pero hindi ako umiwas dahil gusto ko talaga siya ang sumuko sa aming dalawa!
“May mga assistant naman sila dito. At bakit kailangan mo ding maglipstick?”
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
“Sir, bakit ka ba nagagalit? Bakit hindi mo na lamang puntahan ang girlfriend mong pinakyaw na ata ang lahat ng tester ng make-up sa mukha niya.” Inis na sabi ko. Kalmado pa ako ng lagay na ito.
“Burahin mo yan hindi bagay sa’yo.”
Awang ang labi ko nang sabihin niya yun. Hindi daw bagay sa akin ang kulay ng lips ko samantalang hindi naman yun totoo! Tinalikuran niya ako at bumalik sa kanyang girlfriend.
“Luna, alis na ako. Salamat ha!” Paalam sa akin ni Mon na ikinatango ko din sa kanya.
Pagkatapos ng sampung minuto ay lumabas na kami.
“Love nagugutom na ako. Kain muna tayo.” Narinig kong sabi ng girlfriend niya. Pumasok sila sa loob ng restaurant kaya sumunod din ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Tumigil sa paghakbang papasok sa pinto si Forrest at lumingon sa akin.
“Saan ka pupunta? Diyan ka lang, antayin mo na lamang kami.” Wika niya sa akin na hindi ko inaasahan. Hindi ako nag-breakfast at pasado alas-dose na kaya pala parang nag-aaway na naman ang mga alaga ko sa tiyan.
Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lamang sila. Kaya ko pa naman magtiis ng gutom mamaya na lang siguro ako kakain pagdating. Ayoko din namang makasabay ang dalawang yun baka mawalan pa ako ng gana.
“Halos isang oras akong nakatayo sa labas ng restaurant habang inaantay ko silang matapos kumain. Ngalay na ang mga paa ko at masakit na rin ang tiyan ko pero kaya ko pa naman.
“Love, kawawa naman itong bodyguard mo baka gutom na siya.” Parinig sa akin ng girlfriend niya. Halata naman na kunwari’y concern siya sa akin.
“It's okay Love, trabaho niya ang bantayan ang kanyang boss at isa pa hindi naman siya mamatay kung malipasan siya ng gutom.” Sagot ni Forrest sa kanya. Napasinghap ako upang dugtungan ang natitira kong pasensya.
Sige lang gubat, pahirapan mo pa ako!
Igting ang pangang dinampot ko ang mga paper bags at sumunod ako sa kanila. Pababa na kami sa ground floor at siguradong paunwi na rin kami.
Pagdating namin sa baba ay pinagbuksan siya ng pintuan sa passenger seat ni Forrest. Akala ko pa naman may sarili itong kotse dahil mukha naman itong mayaman.
“Sa Vistamonte condominuim tayo, ihahatid ko lang ang girlfriend ko.” Utos niya sa akin nang makasakay na ako sa driver seat. Nanatili akong walang imik dahil hindi ko na kayang makipagtalo pa sa kanya.
“Love? Kailan mo balak lumagay sa tahimik? Tinatanong kasi ni Daddy kung kailan daw ako mag-aasawa sabi ko hindi ka handa.” Narinig kong sabi ng babae sa kanya.
“What? Gusto mong magpakasal na tayo?”
Kahit ayokong makinig sa personal nilang usapan ay hindi ko maiwasan kaya itinuon ko na lang ang aking focus sa pagmamaneho.
“Oo, pero kung ayaw mo. Kaya ko namang maghintay Love.”
Natahimik si Gubat, sa tingin ko ayaw pa niya pero ang babae ready nang pakasalan siya. Hindi niya ata alam na babaero ang jinowa niya.
“I’m sorry Nancy. Pero hindi pa ako handa sa kasal na sinasabi mo.”
Sabi ko na nga ba eh walang bayag ang lalaking ito! Hindi kayang maging seryoso sa relasyon. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa girlfriend niya. Pero ganun talaga.
Dumaan ang katahimikan sa kanila hangang makarating na kami sa building kung saan siya nakatira. Naunang bumaba si Forrest at umikot siya sa kabila upang alalayan na bumaba ang jowa niya. Bumaba din ako para kunin ang mga pinamili niya.
“Maghiwalay na tayo.”
Nabitawan ko ang mga paper bag na hawak ko nang marinig kong sinabi yun ni Forrest sa kanya.
“Maghiwalay? Bakit? Dahil ba sa sinabi ko kanina? Okay lang naman kahit hindi tayo magpakasal Forrest. I understand naman.” Pagmamakawa nito.
“Ayokong magpakasal sayo Nancy. Yung nangyari sa atin noong isang linggo aksidente lang yun dahil lasing ako. Pero hindi talaga kita mahal.”
Mabilis akong pumasok sa driver seat nang makita kong sinampal siya ng babae. Kulang pa yun kung tutuusin! Dapat sinipa niya pa ang junjun para mapisa. Kung ako ang harap-harapang sinabihan noon. Kinabukasan siguradong headline ka na!
Nagulat pa ako nang sumakay si Forrest sa harapan.
“Let’s go.” Utos niya sa akin.
“Forrest! Forrest! Huwag mo akong iwan!” Sigaw ng babae habang kinakalampag ang bintana ng kotse.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan paalis. Tinanaw ko pa ang kawawang babae na nag-iiyak pa rin.
“Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ko siya hiniwalayan?”
Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy ako sa pagmamaneho. Wala akong paki-alam kung ano pa man ang rason niya. Pero hindi dapat ganun ang pagtrato sa mga babae.
Napahawak ako sa aking tiyan dahil kumirot ulit sa gutom hangang sa tumunog na talaga siya.
“Stop the car.” Utos niya sa akin.
“Why? My date ka ba dito?” Usisa ko dahil nasa tapat kami ng japanese restaurant.
“Hindi ako nabusog kanina kaya gusto ko ulit kumain.” Seryosong sagot niya sa akin. Napilitan akong bumaba dahil bumaba na rin siya.