LUNA
Nagising ako dahil sa mahinang tapik ni Forrest sa balikat ko.
“Gising na, nandito na tayo.” Nakangiting sabi niya sa akin. Nag-unat ako ng braso at inaninag ang paligid. Pagtingin ko sa wristwatch ko ay mag-alas singko na ng umaga.
“Nasaan tayo?” Kunot noong tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot at bumaba siya ng kotse kaya bumaba na rin ako.
Nagulat ako dahil bumungad sa akin ang malawak na dagat.
“Hey! Akala ko sa farm tayo pupunta? Bakit nasa beach na tayo?”
Naguguluhang tanong ko sa kanya. May nakita rin akong may pailan-ilan na naglalakad sa tabing dagat sa tingin ko beach resort ito.
“Nandito tayo sa Laiya Bantangas. Farm at beach resort ito ng pamilya namin. Dati bakasyunan lang ito namin. Pero naging negosyo na rin ni daddy. At mas dinivelop pa niya ito para sa convenient sa mga tourist. At maraming nagpupunta dito para mag-unwind at lumanghap ng sariwang hangin. Nanduon naman ang farm.” Wika niya sabay turo niya sa gawing kanan namin sa malawak na lupain na may bakod.
“Ang yaman pala ng Senator.” Usal ko habang iniikot ang buong paligid. Kaya siguro gusto niya dito dahil marami siyang makikitang naka-bikini dito. Sana hindi na lang niya ako sinama.
“Let’s go!” Tawag niya sa akin.
Susunod na sana ako sa kanya ngunit tumunog ang phone ko kaya kinuha ko muna sa loob ng jacket ko. Nakita ko ang pag-rehistro ng phone number ni Senator.
“Hello, Mr. Senator?”
“Luna, nasa Laiya Bantangas ba kayo ni Forrest?”
Napatingin ako kay Forrest dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tumango siya sa akin wari’y alam niyang daddy niya ang tumawag sa akin.
“Yes, Mr. Senator. Kakarating lang po namin.” Sagot ko sa kanya.
“Okay, diyan muna kayo habang hindi ko pa ulit nakakausap si William. Bantayan mo siyang mabuti. Kilala ko ang William na yun. Hindi niya palalampasin ang ginawa ni Forrest sa anak niya. Tawagan mo ako kaagad kapag may nangyari okay?” Paalala niya sa akin.
“Yes, Mr. Senator.”
Pagkatapos niyang patayin ang phone ay ibinaba ko na rin ang phone ko at muli kong pinasok sa bulsa.
“Anong sabi ni daddy? Gusto ba niyang umuwi na ako?”
Umiling ako bilang sagot sa kanya.
“Sabi niya mag-ingat ka lang daw at huwag ko daw i-aalis ang paningin ko sa’yo.”
“Tsk! Akala naman niya hindi ko kayang protektahan ang aking sarili.” Mahabang nguso na sabi niya. Simula kagabi napapaisip na ako tungkol kay Senator at ni Mr. William. Dapat ko sigurong tawagan si Mr. X para makahanap ng impormation tungkol kay Mr. William. May kutob kasi akong hindi lang sila magkakilala ni Senator Revillia. Kaya siguro pinalalahanan niya ako na bantayang mabuti si Forrest.
Bumabaon ang boots na suot ko sa buhangin. Sabi niya kas dito daw muna ako sa nipa hut cottage na nakatayo sa dalampasigan. Ilang hakbang lang ay tabing dagat na. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang tray. May dalawang kape at sa tinapay sa plato. Nagtataka na rin ako sa mga kilos ni Forrest. Hindi ata siya napagod sa magdamag niyang pagdrive at imbis na magpahinga ay gusto niya munang magkape kami habang pinagmamasdan ang pagputok ng araw.
“Salamat.” Sambit ko nang ilapag niya sa harapan ko ang isang tasa ng kape.
“Marunong ka palang maging mahinahon. Masarap siguro ang naging tulog mo sa kotse ko. Dinig ko pa ang lakas ng hilik mo eh!” Natatawang sabi niya sa akin.
Nabitin ang paghigop ko sa mainit na kape nang dahil sa sinabi niya.
“FYI, hindi ako nahilik.” Depensa ko sa kanya. Napatingin ako sa pagdukot niya sa kanyang bulsa ng phone niya.
“I know sasabihin mo yan kaya may proweba na ako.”
Nanlaki ang mata ko nang ipakita niya sa akin ang video kung saan naka-awang ang labi ko at humihilik ng malakas.
“Hoy! Burahin mo yan!” Sita ko sa kanya dinuro ko pa siya para pilitin siyang burahin ang video.
“There’s more…” Nakangising sabi niya. Iniharap din niya ang mga pictures ko habang natutulog at nakasandal sa upuan. Well, maganda pa rin naman ako kahit naka-nganga pero hindi puwedeng hindi niya buburahin ang pictures ko!
“Soveiner ko ito kaya hindi puwedeng burahin.”
Tumayo na ako sa upuan na kahoy at tinangka kung hablutin ang phone niya pero mabilis din niyang naiwas ito.
“Hoy Gubat! Kapag hindi mo binura yan lagot ka sa akin!” Singhal ko sa kanya. Mahirap na baka i-upload pa niya o ipasa sa mga kaibigan niya.
“What did you call me? Gubat?” Kunot noo na tanong niya sa akin. Habang umaatras akala niya siguro matatakasan niya ako.
“Oo! Diba ang tagalog ng Forrest ay Gubat!” Taas kilay na sagot ko sa kanya. Lumaki ang ngisi niya sa labi hangang sa sumambulat na siya ng tawa.
“Anong nakakatawa? Buburahin mo ba yan o kukunin ko yan ng puwersahan!” Banta ko sa kanya. Nakahawak na siya sa tiyan niya dahil sa pagtawa niya.
“Don’t search my name meaning in ancient greek okay?” Natatawa pa ring sabi niya. May saltik na rin siguro siya. At bakit ko naman gagawin yun?
At dahil abala siya sa mababaw niyang kaligayahan ay kaagad ko siyang sinugod. Pero dahil matangkad siya itinaas lang niya ang phone sa ulo niya.
“Buburahin mo ba o magkakasakitan pa tayo dito?” Seryosong tanong ko sa kanya. Isang hakbang na lamang ang katawan naming dalawa dahil dumistansya talaga ako. Mahirap na baka yakapin pa ako nito. Manyakis pa naman ito o baka gamitin niya ang picture ko habang may ginagawa siyang kalokohan naku! Talagang mapapatay ko ang lalaking ito!
“Maganda mag-exercise kapag ganitong oras!” Wika niya sabay takbo sa harapan ko.
Parang batang nagtatakbo habang winawagayway pa niya ang phone ko.
“Gubat! Kapag nahabol kita gulpi de gulat ka sa akin! Hindi lang black eye ang aabutin mo!” May pagbabanta ko sa kanya. Pero imbis na matakot ay nagtatalon pa ito na parang bata. Napahilamos ako sa aking mukha. Talagang sinusubukan ako ng lalaking ito! Hindi ko talaga siya tatantanan! Hanga’t hindi niya binubura ang video at pictures ko!
Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan niya. Hindi man lang natatakot sa akin ang lalaking ito nakuha pang maglandi sa dalampasigan. Ngayon ko lang napansin na naka-tsinelas na rin pala siya. Nang makalapit ako sa kanya ay kaagad kong hinawakan ang braso niyang may phone ko pero nailipat niya yun sa kabila at muling itinaas niya para hindi ko maabot.
“Sinusubukan mo ba talaga ang pasensya ko?” May pagtitimpi kong tanong sa kanya. Kapag pinilit kong kunin ang phone ay baka mahulog pa ito at mabasa ng tubig.
“Kunin mo kung kaya mo.” Paghahamon niya sa akin. Akmang tatakbuhan niya ako ulit kaya mahigpit kong hinawakan ang kaliwang braso niya.
“Hindi ako mahilig makipaglaro. Huling chance muna ito. Kapag hindi mo binigay sa akin ang phone mo. Uuwi kang panda.” Seryosong banta ko sa kanya. Tinignan ko siya ng masama pero ibang tingin ang sinukli niya sa akin.
“I lied when I said na hindi ko nagustuhan ang labi mo.” Seryosong sabi niya na ikinagulat ko dahil doon napunta ang usapan naming dalawa.
“To tell you the truth, gusto ko ulit na halikan ka.”
Hindi nag-sink in sa utak ko ang huli niyang sinabi. Namalayan ko na lang mabilis na niyang kinabig ang katawan ko palapit sa kanya at bihag na niyang muli ang labi ko.