LUNA “Aray! Dahan-dahan naman miss.” Reklamo niya sa nurse na gumagamot sa mga pasa niya sa mukha. Nandito kasi kami sa clinic ng resort dahil hindi ko napigilan ang aking sarili kaya nabugbog ko siya kanina. Tumigil lang ako nang makita kong dumugo na ang ilong niya dahil sa malakas na suntok ko sa kanyang mukha. Wala akong paki-alam kung nabali man ang matangos niyang ilong dapat lang yun sa kanya dahil manyakis siya. Akala niya siguro nagbibiro lang ako. Mahaba pa nga ang pasenysa ko eh. Kung si Sol ang naging kasama niya at ginawan niya ng kabastusan iwan ko na lang kung aabutin pa siya ng buhay. Malambing at masayahin ang kakambal ko na yun pero mas nakakatakot pa siyang magalit kaysa sa akin. Hindi ko din akalain na ganun ang kakambal ko. Dahil since elementary ay ako na palagi ang