LUNA Nabitawan ko ang hawak kong binocular nang makita ko kung paano hinalikan ni Sol si Forrest. Hindi ko akalain na gagawin niya yun. Wala sa usapan namin na gagamitin niya ang mukha ko para gumawa ng kalokohan! Pero bakit parang na-apektuhan ako ng ganito? Wala naman akong nararamdaman sa lalaking yun. Bakit parang gusto kong puntahan si Sol at sabunutan sa kalokohan na ginawa niya. Hindi kaya tipo niya si Forrest? Dinampot ko ulit ang binocular at sumilip ulit ako sa kabilang building. Lumabas na si Nancy sa kuwarto niya at may sinabi si Sol sa kanya bago siya lumabas ng kuwarto kasama si James. Bumalik siya sa kama at nahiga. Dapat pala nilagyan ko ng hearing device ang gamit ni Sol para kahit paano alam ko ang pinag-uusapan nilang dalawa. Pinagmasdan ko si Forrest mula sa kinaro