FORREST “San ka galing? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako gising at kanina pa rin kita hinahanap.” Kunot noo na litanya ko sa kanya nang buksan niya ang pinto. “Ang sungit mo naman, nagmadali na nga akong pumunta dito. Su-sungitan mo pa ako ng ganyan.” Malambing na sabi niya sa akin na ikinapagtataka ko. Hindi ganito ang inaasahan kong sagot niya. Hindi kaya? “Natakot ka sigurong hindi na ako gigising ano?” Lumakad siya patungo sa aking kama. Akala ko uupo siya sa tabi ko pero binuksan niya ang malaking kurtina sa bintana. “Bakit mo ba ako hinahanap?” Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. Umikot siya sa kabilang side ko at tumayo siya sa tabi ko. “Kailangan pa bang itanong yan? Sino ba ang dapat kung hanapin pagkatapos kong makaligtas at mabuhay ulit?” Seryosong tanong