FORREST “Himala ata na wala akong naririnig na reklamo sayo?” Nagtatakang tanong ko sa kanya nang utusan ko siyang subuan niya ako ng pagkain. “Pagod na akong makipag-away sa’yo kaya susundin ko na lang lahat ng utos mo.” Nakangiting sagot niya. Nakaupo siya sa kama ko at sinusubuan niya ako ng pagkain. Ngayon ang alis namin sa hospital. I decided na sa bahay na lamang magpagaling. Okay na naman ako at gusto ko na ring lumabas dito. Hindi rin ako comportable na narito ako. “Huwag mo akong titigan ng ganyan baka ma-inlove ka sa akin.” Seryosong sabi niya habang nagbabalat ng orange. Kahit hindi siya nakatingin sa akin alam niyang sa kanya ako nakatitig. “Matagal na kitang gusto kaya hindi mo na kailangan sabihin pa yan. Ikaw lang naman ang ina-antay ko kung kailan mo rin ako magugust