LUNA Pagkarating ko sa aking kuwarto ay kaagad akong naligo at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay inayos ko ang lahat ng aking gamit. Mabilisan ang aking naging pagkilos dahil ayokong abutin ng dilim dito at ilang oras din ang magiging byahe ko pabalik sa headquarters. I decided na huwag nang tawagan si Mr. X dahil baka hindi niya ako payagan. Bahala na siyang mamoblema pagdating ko roon. Sa ngayon ito lang ang kaya kong gawin para hindi ako makagawa ng ikakapahamak ko at ng bastos na lalaking yun! Kahit masuspended pa ako sa TAJSO wala akong paki-alam basta makalayo lang ako sa lalaking yun! “Luna, sigurado ka na ba sa gagawin mo? Tinawagan ko si Senator at sinabi ko ang ginawa ni Sir Forrest. Sabi niya sa akin, kausapin daw kita para magbago ang desisyon mo.” Pigil sa akin ni Sir James h