Chapter 4

1302 Words
LUNA “Aalis kayo si Sir Forrest?” Bungad na tanong sa akin ni Sir James nang bumalik ako dahil nagpalit ako ng damit. Napili ko lang itong fitted black sleeveless blouse na may zipper na white sa gitna. At nagpalit na rin ako ng snickers shoes na kulay puti. “Ah, opo Sir. James. Pupunta ata sa mall si Gu– este! Si Sir Forrest.” Nakapamulsa na sagot ko sa kanya. Ito ang isa sa pinaka-ayaw ko ang magpangap na ibang tao para hindi nila mahalata ang tunay na pakay ko. “Ah, ganun ba? Sige mag-ingat kayo. At huwag mong i-aalis sa paningin mo si Sir Forrest. Madalas niyang ginagawa ang tumakas sa mga bodyguard niya. Kaya marami na rin sa kanila ang nase-sesante.” Paliwanag niya sa akin. “Salamat po sa paalala.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Hoy!” Sabay kaming napalingon ni Sir James nang bumukas ang pinto ang nakasimangot na mukha ni Gubat ang bumungad sa akin. “Agang-aga.” Pa-irap niyang sabi sabay bato sa akin ng susi sa kamay niya. Mabuti na lang at mabilis ko itong nasalo. “Para saan po ito?” Nagtatakang tanong ko sa kanya habang ipinapakita ang susi na hinagis niya sa akin. “Obvious ba? Susi yan ng kotse ko.” Antipatikong sagot niya sa akin. At pagkatapos ay lumakad na siya patungo sa parking space. Hindi na ako nakapagpaalam kay Sir James dahil tumakbo na ako para habulin ang malalaki at nagmamadali na hakbang ni Forrest. “Teka Sir!” Pigil ko sa kanya nang papasakay na siya sa likuran ng kotse. Nilingon niya ako at tinignan ng masama. Sa tingin ko may nilagay din siya sa kanyang mukha dahil nabawasan ang pasa niya sa mukha. “Bakit ako ang magiging driver niyo? Bodyguard po ang trabaho ko sa inyo.” Reklamo ko sa kanya. Imposible naman na wala siyang driver at ako ang uutusan niyang magmaneho ng kotse niya. “Wala akong driver Ms. Pakipot. Alangan naman na ako ang magmaneho ng car at ikaw ang nasa passenger seat diba?” Taas kilay niyang tanong sa akin. At hindi ko na siya napigilan nang sumakay na siya sa passenger seat. Nag-ipon ako ng hangin sa dibdib dahil nag-uumpisa na namang mag-init ang bumbunan ko nang tawagin niya akong Ms. Pakipot at hindi na ako naka-angal. May two weeks ka pa Luna! Kapag hindi pa rin ako pinalitan ni Mr. X magre-resign na talaga ako sa TAJSO! Binuksan ko ang harapang pinto ng kanyang kotse at napilitan akong sumakay. “Pinapaalala ko po Sir Forrest, Luna ang pangalan ko. At hindi ako nagpapakipot sa’yo. Sadyang hindi lang kita type. At hindi rin ako kagaya ng mga babaeng basta niyo na lamang pinupulot sa club. Yung pagsuntok ko sa inyo kagabi deserve mo yun dahil hinalikan mo ako.” Mataray na sabi ko sa kanya habang nakatingin siya sa akin sa rearview mirror. Pagkatapos kong sabihin yun ay pinaandar ko na ang sasakyan. “Sa totoo lang, ikaw lang ang babaeng nagalit nang hinalikan ko. Bakit? Siguro naman hindi ako ang first kiss mo di– aray! Ano ba!? Puwede bang dahan-dahan sa pagmamaneho?!” Singhal niya sa akin nang bigla kong kinabig pakanan ang manibela. Kaya sumubsub siya sa bintana ng kotse. “Masyado po kayong maingay. Kung ayaw niyong ma-aksidente tayo manahimik ka na lang.” Seryosong utos ko sa kanya. Nakita ko ang pag-ayos niya ng upo at naglagay din siya ng seat belt. “Alam ko na kung bakit ka nagagalit.” Napatingin ako sa rear view mirror nang sabihin niya yun. Pero hindi ko akalain ang itsura ng mukha niya habang nakatingin sa akin. Nasa labi niya ang kanyang hinlalaking daliri at pinapasadahan ng haplos ang kanyang labi. Pagkatapos ang nakangisi siyang tumingin sa akin na parang nang-aakit. At pinapaalala sa akin ang ginawa niya kagabi. Sa inis ko ay nilipat ko ang aking paningin sa harapan ng sasakyan at madiin kong tinapakan ang selinyador ng sasakyan. Makakangisi pa kaya siya kapag binanga ko na ang milyones niyang kotse? “Hoy! Ms. Pakipot! Dahan-dahan lang sa pagmamaneho! Over speeding ka na!” Sigaw niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin kapag nagtagal pa kami sa loob ng sasakyan niya baka mamura ko na siya! “Hoy! Ano ba! Lunaaaa!” Tinapakan ko ang break dahil may nakita akong malaking bus na sumulpot sa kanto. Mabuti na lamang at nakalagpas agad ang bus dahil nabitin ang pagtapak ko sa preno. Kung hindi baka napahamak pa ako dahil sa kalokohan ng lalaking ito! Wala talagang maidudulot kung paiiralin ang init ng ulo. Paglingon ko sa likod ay nakayuko siya at nakasandal ang kamay niya sa likuran ng upuan ko pati na rin ang kanyang ulo. Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Who the hell are you? Gusto mo ba talaga akong mamatay?” Seryosong tanong niya sa akin. Dinig ko pa ang mabigat niyang paghinga dahil siguro sa nerbiyos. “I’m Luna, your bodyguard. Kung ayaw mo sa akin, tangalin mo ako sa trabaho. Pero wag mo akong tinatrato ng kagaya sa mga babaeng kinakama mo at pinaglalaruan Mr. Forrest Revillia. Dahil sa susunod na manyakin at asarin mo pa ako ulit. Pasensyahan na lamang tayo kahit boss pa kita hindi ako magdadalawang isip na saktan ka.” Seryosong banta ko sa kanya. Sana lang madala na siya sa pang-iinis sa akin. Ibinalik ko ulit ang aking attensyon sa manibela ng sasakyan at ngayon i mas kalmado na akong nagpatakbo ng kotse. Wala na rin akong narinig pa mula sa kanya. Mabuti na rin yun dahil kung balak niyang mag-sorry hindi ko rin naman tatangapin. Pagkarating namin sa mall ay ipinarada ko muna sa groundfloor ang kotse. Bumaba ako at pinagbuksan ko na lang siya kaysa utusan pa niya akong magbukas. Pag baba niya ay seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at sinarado ko na ang pinto. Nauna siyang maglakad patungo sa elevator at nakasunod lang ako sa kanya. “1st floor.” Sabi niya sa elevator attendant. Saglit lang ay nasa first floor na kami ng mall. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit mukha namang walang banta sa kanyang buhay. “Forrest!” Napatingin ako sa harapan nang marinig ko ang babaeng tumawag sa kanyang pangalan. Maganda ito at sexy rin dahil hapit na hapit sa katawan ang suot nitong damit na bumagay sa kanyang maputing kulay. “Hi love.” Bati ni Forrest sa kanya. So, bukod sa babae sa club may iba pa siyang girlfriend at kaya siguro siya nandito para magdate silang dalawa. Nag-iwas ako ng tingin nang maglaplapan silang dalawa sa harapan ko. Hindi na nahiya sa mga taong dumaraan! “Kanina kapa naghihintay?” Tanong ni Forrest sa kanya. “Nope hindi naman masyado. Wait– sino siya?” Tanong ng babae habang nakaduro sa akin ang daliri niyang may mahabang kuko na kasing pula ng labi niya. “Ah, wag mo na lang siyang pansinin. Bodyguard ko lan yan. Alam mo naman si Daddy.” Sagot ni Forrest na ikinasama ng tingin ko sa kanya. “Bodyguard? Sigurado ka bang hindi mo babae yan?” Taas kilay na tanong ng babaeng maganda na insecure pa sa kagandahan ko. Pasalamat siya wala kong make-up dahil wala akong time maglagay kung hindi baka nga hindi siya maniwalang bodyguard lang ako ni Gubat. “Yes, Love. Bodyguard ko lang talaga siya. Sa tingin mo papatol ako sa isang bodyguard lang? Tara na, bilhin na natin yung gusto mo.” Aya ni Forrest sa kanya. Ang kapal talaga ng mukha! As if naman na papatulan ko din siya! Humanda ka sa akin kapag natapos ko na ang misyon ko sa pamilya mo babalikan talaga kita at itatapon sa Bermuda triangle!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD