LUNA
“I’m sorry Luna, pero hindi na maaring magpalit kayo ng misyon ni Sol. Iniligay kita sa misyon na yan dahil may tiwala ako sa kakayanan mo. Kung dahil lang sa anak ni Senator kaya tinatangihan mo ang misyon hindi ko magagawa yun.” Paliwanag ni Mr. X nang tawagan ko siya.
“Pero Mr. X, manyakis ang gubat na yun! Pasalamat nga siya nakapagpigil pa ako kagabi kung hindi baka nabasag ko na ang bungo niya.” Reklamo ko sa kanya. Alam niya naman na hindi ganun kahaba ang pasensya ko kaya nga ako na mismo ang uma-atras sa misyong ito. Narinig ko ang pagbutong-hininga niya sa kabilang linya. Ngayon ko lamang gagawin ito kaya sana pumayag siya.
“Luna, makinig ka sa akin. Matagal ka ng agent ng TAJSO at isa pa naging agent ka din sa Underground organization kung saan nangaling ang yung ama. Sa lahat ng naging agent ko isa ka sa pinakamagaling. At mabilis mong natatapos ang misyon mo. Dahil sa lalaking yun, magpapa-apekto ka ng ganyan? Bakit hindi mo na lang linawin sa kanya kung ano ba talaga ang trabaho mo. Ipaintindi mo sa lalaking yun kung ano ang duties at responsibility mo. I’ll give you two weeks to decide.”
“Two weeks? Pero–”
Mariin akong napapikit dahil sa labis na inis. Pinatayan niya lang naman ako ng phone kahit hindi pa ako tapos na magsalita. Kung alam ko lang na ganito sana noong una pa lamang ay nakipagpalit na ako kay Sol. Nasa probinsya kasi siya ngayon at pumasok sa asukarera kasama si Gabriel.
Kaya lang mukhang wala na talaga akong magagawa kundi harapin ang manyakis na yun! Nag-ipon ako ng hangin sa dibdib. Bago muling bumalik sa likuran ng mansyon ni Senator. Titipunin kasi kaming mga in close bodyguards ng pamilya para ipaalala sa amin ang magiging trabaho namin sa mga babantayan namin.
“Luna! Kanina pa kita hinahanap!” Tawag sa akin ni James nang makita niya akong papalapit sa kanya siya ang pinaka-matagal na bodyguard ng pamilya, kaya siya din ang head naming lahat. Mabilis akong lumapit sa kanya.
“I’m sorry Sir James. May importanteng call lang akong sinagot.” Pagdadahilan ko sa kanya.
“Okay, go to your line now.” Seryosong sabi niya sa akin. Hindi naman siya galit, talagang lalaking-lalaki lamang ang boses niya. Sampu kaming lahat na naririto at apat sa amin ay babae. Lahat sila ay pare-pareho ang tindig at halata ding magaling sa pakikipaglaban.
Pinasok ako ni Mr. X sa PSG group upang maging bantay ni Senator Revillia. Pero dahil sa katigasan ng ulo ng kanyang pangalawang anak. Ini-assign niya ako upang bantayan ito. Baka daw kasi kapag babae ang naging bantay nito ay magbago na ang kanyang anak. Binigyan niya ako ng pahintulot na manghimasok sa gulong kakasangkutan ni Forrest kaya malakas ang loob kong suntukin siya kagabi.
“Makinig kayong lahat! Prioridad natin ang kaligtasan ng lahat ng myembro ng pamilya ni Senator kaya dapat handa kayong itaya ang buhay niyo para sa kanila. Maging human shield kung kinakailangan. Upang hindi sila mapahamak. Lingid naman sa kaalaman ninyong matagal nang may nagpapadala ng death threats kay Senator Revillia. Kaya walang ligtas ang kanyang pamilya at dapat niyong siguraduhin ang kaligtasan nila araw-araw naintindihan niyo!” Malakas na sigaw niya sa amin.
“Yes Sir!” Sabay-sabay naming sagot. Pagkatapos ng mahaba niyang paglilinaw sa kung ano talaga ang magiging trabaho namin ay nag-intay na lamang kami sa harapan ng mansyon. Inabutan kami ng tig-iisang kape. Hindi naman ako sanay kumain sa umaga kaya okay na ako sa kape lang.
“Luna.”
Napatingin ako kay Sir James dahil tinawag niya ako ulit at humakbang ako papalapit sa kanya.
“Ano po yun?” Usisa ko dahil mag-isa lamang akong tinawag niya. Hinipan ko ang umuusok kong kape at paunti-unti kong inuubos ang laman dahil baka may lakad na naman ang lalaking yun at kailangan kong maging buntot niya.
“Sa inyong apat na babae ikaw ang naka-duty kay Sir Forrest. Gusto lang kitang paalalahanan na kahit anong mangyari huwag kang magkakagusto sa kanya.” Paalala niya na ikinasamid ko. Hindi ko napigilan ang mabuga ang kape na iniinom ko.
“Sir? Ako?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya nang tumigil na ako sa pag-ubo.
“Oo, kilala ko Si Sir Forrest. Wala pang babaeng sene-seryoso yan at isa pa, marami na rin niyang inuuwi sa condo niya. Pinapa-alalahanan lang kita na maging ma-ingat ka–”
“Bakit niyo po ito sinasabi sa akin Sir?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ang alam ko hindi sakop ng concern niya ang bagay na yun kaya nagtataka ako.
“W-Wag mong bigyan ng masamang kahulugan ang paalala ko sa’yo. Dahil kahit sa ibang in-close bodyguard pa ang malagay sa sitwasyon mo. Ganun pa rin ang sasabihin ko.” Seryosong sabi niya sa akin bago niya ako tinalikuran. Pero hindi ako kumbinsido sa tingin ko may something sa kanya kung bakit niya nasabi yun sa akin. May itsura din naman si James at lalaking-lalaki pa nga ito kung lumakad kaya lang–
Hindi kaya type niya si Gubat? Kaya niya ako pinapaiwas dito? Naiiling na pinanuod ko ang paglakad niya palayo. Mukha naman siyang hindi ganun, pero malay ko kung may itinatago pala ito.
At bakit naman ako magkakagusto sa Gubat na yun? Mas gugustuhin ko pang wag nang mag-asawa kaysa mag-asawa ng lalaking gaya niya!
Pagkatapos kong uminom ng kape ay inabot ko na ito sa babaeng nagbigay sa amin kanina.
“Ms. Luna, tawag ka po pala ni Senator. Nasa dining table po siya.”
Napakunot ang noo ko nang sabihin niya yun sa akin pero pumasok agad ako sa loob ng mansyon. Sumunod ako sa kanya patungo sa dining table. Pero malayo pa lamang ako ay tanaw ko na ang nakayukong si Forrest. Habang naghihiwa ng pancake sa plato. Kitang-kita ko din ang pasa sa labi niya at pisngi pati na rin ang nag-violet niyang noo. Mariin kong nakagat ang ibabang labi.
“Nandyan ka na pala, maari bang ikaw na ang magpaliwanag sa akin kung bakit nagkaganito ang mukha ng basagulero kong anak?” Seryosong sabi ni Senator sa akin. Napa-angat ng tingin si Forrest at nagtama ang mata naming dalawa.
“Ikaw?!” Singhal niya nang mapagtanto niya kung sino ang nasa harapan niya.
“Siya si Luna, ang bodyguard mo.” Sambit ni Senator. Napatayo si Forrest sa mesa at umikot sa gawi ko. Pigil ang hininga ko dahil kung may choice lang ako gusto ko nang maglaho sa harapan nila.
“Siya? Bodyguard ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni Forrest. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa. Itim na pantalon at puting long sleeve polo ang suot ko. Nakatupi ang dulo ng mangas sa siko ko. At itinaas ko naman ng tali ang buhok ko. Nilagyan ko din ng hairpin ang bangs ko upang hindi maglaglagan sa mukha ko.
Hindi ko siya pinansin at humarap ako kay Senator.
“Senator, nanghalik po ng babae ang anak niyo sa dance floor kahit may kasama itong boyfriend kaya po nagkainitan sila.” Sumbong ko sa tatay niya.
Alam kong nasa-akin pa rin ang tingin niya. Pero hindi ko siya tinatapunan ng tingin.
“Ano ba talagang nangyayari sa’yo Forrest? Hangang ganyan na lang ba talaga ang pangarap mo sa buhay? Kailan ka ba titino kapag wala na ako?” Wika ng kanyang ama sa kanya.
Yumuko ako upang iwasan ang titig ni Forrest sa akin.
“Huh! Bodyguard? May bodyguard bang nambubugbog ng boss niya?”
Napa-angat ako ng tingin derecho na kanyang mukha dahil nakuha pa niyang magsumbong sa ama niya. At sa palagay ko may kasamang galit na ang tingin niya sa akin.
“Bakit? Siya ba ang may gawa niyang pasa sa mukha mo?” Tanong ulit ng kanyang ama.
“Oo, ang babaeng ito ang sumuntok sa akin kagabi!”
Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya. Akala niya siguro matatakot ako kung isusumbong niya ako. Mas mainam nga yun para matangal na ako sa pagiging bodyguard niya nang sa ganun makaalis na rin ako dito!
“Magaling Luna, simula sa araw na ito. Ikaw na ang bahala sa anak ko. Bibigyan kita ng pahintulot na bugbugin siya ulit kapag may ginawa siyang masama.” Wika ni Senator na ikina-awang ng labi ko. Hindi ito ang inaasahan kong sagot mula sa kanya.
“Po? Hindi niyo po ako tatangalin sa trabaho?” Nagtatakang tanong ko na ikina-iling niya. Tumayo na siya at nagpaalam sa amin. Naiwan kaming dalawa ni Forrest. Aalis na sana ako pero hinarangan niya ako. Napa-atras ako hangang sa mapasandal ang likuran ko sa mesa.
“A-Anong gagawin mo? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Senator?” Kinakabahan pero matapang na tanong ko sa kanya.
“Alin? Yung puwede mo akong saktan kapag gusto mo?”
Napunta sa labi ko ang mga mata niya at sobrang lapit na niya sa akin.
“Subukan mong gawin ulit ang ginawa mo kagabi. Ibabaon kita ng buhay.” Banta ko sa kanya. Nanatiling matalim ang tingin ko sa kanya at hindi ako nagpatalo. Kung akala niya matatakot niya ako ay nagkakamali siya pero kapag may ginawa siyang hindi ko gusto lagot talaga siya sa akin!
“Wala akong balak na halikan ka ulit. Hindi rin naman masarap ang labi mo. Magbihis ka ng mas normal na damit. Pupunta ako sa mall para mag-shopping.” Nakangising sabi niya sa akin. Bago niya ako nilayuan. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tumalikod na siya at naglakad palayo. Saka pa lamang nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya.
Hindi rin daw masarap ang labi ko? Huh! Naikuyom ko ang aking kamao sa pang-iinsulto niya sa akin.