LUNA
Mabilis ang naging kilos ko at kaagad akong bumalik sa kinaroroonan ni Forrest. Naunahan ko pa sa paghakbang ang mga lalaking susugod sa kanya.
“Bakit ka bumalik? Nagbago na ba ang isip mo?” Nakangiting sabi niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin sa halip ay humarap ako sa mga lalaki at nasa likuran ko na siya.
“Kung ano man ang plano niyo. Huwag niyo ng ituloy.” Seryosong sabi ko sa kanila.
“Miss huwag kang maki-alam dito. May atraso sa boss namin ang lalaking yan.” Wika ng lalaking nasa gitna nila.
“Teka? Anong nangyaya–?”
Hinawi ko siya pabalik sa likuran ko.
“Kung ang boss mo ang may atraso sa kanya. Diba, dapat lang na siya ang gumanti at hindi kayo?”
“Matapang ka Miss para sa isang babae.”
Humawi ang mga lalaki at nasa likuran na nila ang lalaking sumuntok kay Forrest kasama niya ang girlfriend niya na nasa tabi lang niya at wari’y pinipigilan siya sa kung ano ang gusto niyang gawin.
“Hindi ba dapat ikaw ang matangol sa girlfriend mo?” Nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya.
“So may balak ka palang gumanti? Akala mo naman type ko yang girl–”
“Shut up!” Putol ko sa sasabihin pa niya. Nauubusan na rin ako ng pasensya kaya mas mainam siguro na turuan ko muna ng leksyon ang lalaking ito. Mukhang hindi pa nakakatikim ng gulpi de gulat
“Bakit hindi na lang ikaw ang lumaban sa kanya? Para naman alam ng girlfriend mo ang kakayanan mong ipangtangol siya? Saka hindi ka ba nahihiya mag-isa lang ang manyakis na ito anim kayo?”
“Ralf tama na kasi!” Pigil sa kanya ng girlfriend niya. Pero tinangal niya ang kamay nitong nasa kanyang braso.
Lumingon ako sa likuran ko at hinila ko siya pagharap sa kanila.
“Wag kang patatalo.” Bilin ko sa kanya.
“Ha?”
Tinulak ko siya paharap sa kanila. Inabutan ng patalim ang lalaki kaya humugot din ako ng patalim sa likuran ko at binigay ko sa kanya.
“Matalas yan, huwag kang magpapagalos naintindihan mo?”
Naguguluhan na tinangap naman niya ang patalim na inabot ko. Humawi kaming lahat at silang dalawa lang ang nasa gitna.
“Huwag kayong makikialam puputulin ko ang kamay ng lalaking ito at tatapyasin ko ang nguso dahil sa ginawa niya sa girlfriend ko!” Igting ang pangang paalala niya sa kanyang mga kasama.
Nanatili akong kalmado kahit nakita kong hindi maayos ang tindig niya habang hawak niya ang combat knife. Kapag nasugatan siya malalagot ako kay Senator. Pero kailangan niyang matuto ng leksyon. Hindi porke may kalayaan kang gumawa ng masama hindi muna iisipin ang consequence nito. Tumingin siya sa akin at sinuyod ako ng tingin mula ulo hangang paa. Pinag-crossed ko ang kamay ko at sinenyasan ko na siyang umatake.
“Humanda ka sa akin!” Singhal ng lalaki sabay sugod sa kanya. Nasa baba ang kamay nito na may patalim at mabilis siyang nakailag.
Mukhang may ibubuga naman pala ang lalaking ito nagawa niyang ilagan ang unang pag-atake. Tinignan kong maigi ang galaw ng kanyang kalaban. Kahit nababasa ko ang galaw niya hindi ko naman alam ang magiging depensa ni Forrest sa kanya.
“Ang bagal mo! Kaya kita naagawan kaagad eh.” Pag-iinis ni Forrest sa kanya sabay kindat sa babaeng nasa likod ng kalaban niya. Lalo tuloy umusok ang ilong nito at namula ang mukha sa galit kaya muli siyang sumugod kay Forrest. Nakataas ang kamay nito na may hawak na patalim at napigilan yun ni Forrest ng patalim din na bigay ko sa kanya. Unang umatras ang lalaki at sinipa siya nito kaya tumalsik si Forrest at napahiga sa semento. Lumapit ang lalaki sa kanya kaya tinadyakan niya ito sa sikmura kaya napahawak ito sa kanyang tiyan. Mabilis na tumayo si Forrest at akmang sasaksakin na sana siya ulit ng lalaki. Napasinghap ako dahil baka masaksak siya pero napigilan niya ito nang sipain niya ang hawak nitong patalim at tumilapon sa malayo. Tinapon niya ang patalim na bigay ko at inintay ang pagsugod ng lalaki sa kanya. Hindi ko inaasahan na may ibubuga naman pala siya sa martial arts. Dapat lang sa katulad niyang lapitin ng gulo dahil kung wala siyang alam paniguradong malalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay niya.
“Ralf!”
Sigaw ng girlfriend niya nang sumubsob ito sa semento at duguan dahil sa malakas na suntok nito sa kanyang panga.
Habang si Forrest naman ay iniinda ang sakit ng kanyang tiyan dahil sa pagsuntok din ng lalaki sa kanya.
“Ano? Kaya mo pa?!” Mayabang na sigaw ni Forrest sa kanya. Dinura ng lalaki ang dugo mula sa loob ng bibig niya at dahan-dahan na tumayo.
“Huh! Ang yabang mo talaga! Sa tingin mo ba uubra yang kayabangan mo sa baril ko?!”
Nanlaki ang mata ko nang biglang may hinugot ito sa kanyang likuran. Hindi ko alam na may baril pala ito ng dala. Mabilis ang naging kilos ko at kaagad akong tumakbo sa harapan ng lalaki pero napaputok na niya ang baril. Kitang-kita ko ang pagdaplis ng bala sa kanyang balikat at sa gulat niya ay bigla siyang namutla at bumagsak sa semento. Bumalik ang tingin ko sa lalaking may hawak ng baril at mabilis na hinawakan ko ang dulo nito. Buong lakas kong kinasa ang itaas nito at wala pang tatlong segundo ay nagawa kong ma- disassemble ang baril na hawak niya.
“Paano mo nagawa yun?! Sino ka ba?!” Gulat na tanong niya sa akin. Sumilay ang ngisi sa aking labi.
“Hindi ka marunong lumaban ng patas at muntik mo pang mapatay ang manyakis na yun. Kaya magbabayad ka sa akin.”
Kaagad ko siyang sinuntok sa mukha kaya natumba siya sa semento habang hawak ang duguan niyang ilong.
“Ralf!” Nag-aalalang lumapit sa kanya ang girlfriend niya.
Naramdaman ko ang paglapit ng limang lalaki sa likuran ko kaya sila lumingon ako sa kanila. Hangang sa malakas na wangwang ng police car ang paparating na sa gawi namin. Nagtakbuhan ang mga ito na parang mga gangster na takot mahuli.
Kaagad kong nilapitan si Forrest na wala pa ding malay.
“Hoy! Ikaw!” Tawag ko sa lalaking bouncer na nasa pinto ng club.
“Tulungan mo ako dito dali!” Utos ko sa kanya. Mabilis naman siyang lumapit sa gawi ko. Madami na rin ang nakikiusyoso sa amin. Kaya nakaagaw na rin kami ng attensyon. Tinulungan niya akong buhatin si Forrest at isinakay ko siya sa kanyang automatic na kotse. Pauwi sa mansyon nila. Halos madaling araw na kaming nakauwi kaya siguradong tulog na ang mga tao sa mansyon. Bumukas ang gate at ipinasok ko ang kotse. Ipinarada ko sa parking lot ang mamahalin niyang sports car. Pagkatapos ay nagpatulong ako sa guard upang maipasok siya sa loob ng bahay dahil sobrang bigat niya talaga. Kilala naman nila ako dahil galing ako dito noong isang araw.
“Oh my god! Senyorito! Anong nangyari?” Bungad sa amin ng mayordoma nila.
“Saan po ang kuwarto niya?” Magalang na tanong ko sa matanda.
“Dito! Sumunod kayo sa akin.”
Nauna siyang lumakad pero panay ang lingon niya sa kay Forrest. Umakyat kami sa mataas na hagdan at pagkatapos naka tatlong pinto pa kami bago niya binuksan ang tumapat sa amin na pinto. Nilakihan niya ang bukas nito. Siya na rin ang sumalo sa bigat ni Forrest dahil umalis na yung guard na tumulong sa akin.
“Manang, kailangan pong magamot yung sugat niya may medical kit ba kayo?” Tanong ko sa kanya.
“Meron! Sandali kukunin ko.”
Kaagad siyang umalis nang hindi pa namin nabababa sa kama si Forrest kaya napunta sa akin ang lahat ng bigat niya.
“Kung minamalas ka nga naman!” Inis na bulalas ko dahil sa sobrang bigat niya!
Inilapit ko siya sa kama upang alalayan sana na ihiga ngunit nabibitawan ko na siya hinigpitan ko ang hawak ko sa beywang niya paghakbang ko ay hindi ko napansin ang nakakalat na baseball bat kaya nawalan ako ng balanse sabay kaming bumagsak sa kama.
Hindi ko naiwasan ang mapamura sa isip nang mapagtanto ko ang kalagayan naming dalawa. Nasa ilalim ako at nakapatong siya sa ibabaw ko. Nakasubsob pa ang mukha niya sa leeg ko buweset!
“Hoy! Gubat! Gumising ka diyan yawa ka!” Mura ko sa kanya dahil hindi ko na gusto itong nangyayari. Nag-angat siya ng tingin sa akin. At pinandilatan ko ang mapungay niyang mga mata.
“S-Sabi ko na nga ba type mo rin ako.” Nakangiting sabi niya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sumunod na nangyari. Nang ilapat niya ang kanyang labi sa akin. At hindi lang ito basta lapat dahil nararamdaman ko ang pagalaw ng kanyang labi sa virgin ko pang lips.
Umakyat ang init ng ulo ko kaya buong lakas ko siyang tinulak.
“Why? Ayaw mo ba?”
“Walang hiya ka! Manyak ka talaga!”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagawa kong i-untog ang ulo ko sa ulo niya kaya impit siyang napaungol habang sapo niya ito. Umalis siya sa ibabaw ko kaya nagawa kong makatayo ng mabilis.
“Hindi pa ako tapos!”
Gamit ang kamao ko ay kaagad ko siyang sinuntok sa mukha mabilis itong nawalan ng malay.
“Buti nga sayo! Napapala ng mga manyak!” Singhal ko kahit alam kong hindi na niya ito naririnig. Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko alam kung anong klaseng lalaki siya pero kailangan kong tawagan si Mr. X! Baka pwedeng magpalit na lang kami si Sol ng misyon kung hindi baka ako pa ang makapatay sa lalaking ito!