CHAPTER 5: Flings ni Liana!

2168 Words
MONDAY, maaga akong nagising dahil na rin sa alarm ni Pauline, sobrang lakas kasi. Napaupo ako sa kama at pinatay iyon. “Sobrang sakit ng katawan ko kalalaba kahapon,” sabi ko sa aking sarili at hinawakan ang aking balakang. Napatingin ako sa itaas, hindi pa bumababa si Pauline, ha? Tumayo na ako at tinapik si Pauline. “Hoy, Pauline, gumising ka na! Tumunog na iyong alarm na sinet mo,” sabi ko sa kanya. “Ako pa iyong naunang nagising kaysa iyo.” Tinapik ko siya nang paulit-ulit hanggang magising. “Hmm... Ate, s—sorry, b—babangon na ako,” saad niya sa akin habang ang kanyang mga mata ay nakapikit pa. “Bumaba ka na dʼyan, ha? Magpapainit ako ng tubig panligo,” sabi ko sa kanya. Alas-sais pa lang ng umaga, maaga ang pasok niya kaysa sa akin, nine ang sa kanya at ako ay ten ng umaga, pero sabay na kami pumapasok sa Maravilla University. Ayokong ma-late. “Opo, ate, bababa na rin ako...” Nakita ko ang paghikab niya. Napailing na lamang ako sa kanya at kumuha na ako ng aking underwear at cycling shorts, maging ang towel ko. Mas sanay akong magbihis sa banyo kaya minsan ang damit ko ay dinadala ko na roon except ngayon dahil naka-uniform ako baka mahulog sa loob ng banyo. “Pauline, mauuna na akong bumaba sa iyo, ha? Sumunod ka na dʼyan,” sabi ko pa habang tulala siyang nakatingin sa harap ng plywood. Hindi ko na lamang siya pinansin at sinarado ko na ang pinto, bumaba na ako at nakita ko si tita Carol na nagluluto. Himala nandito pa siya? Dapat nasa palengke na siya ngayon at binabantayan ang paninda niyang manok at baboy. “Mabuti naman at nagising ka na, Liana. Akala ko pupuntahan ko pa kayo sa kʼwarto niyo para gisingin! Si Pauline? Gising na rin ba?” pagtatanong niya sa akin at hinango ang fried egg. “Hoy, Liana, naririnig mo ba ako? Gising na ba ang kapatid mo?” “Ah? Um, opo, tita Carol... Pero, bakit nandito pa po kayo? Sino po ang bantay sa palengke ngayon?” takang tanong ko sa kanya. “Si Milagring, pinabantayan ko muna dahil alam kong late kayong magigising, tama nga ang hinala ko! Lulutuin ko lang itong almusal niyo at aalis na rin ako, ha! Si Cara pakigising na rin kapag umalis na kayo, mamaya pa raw alas-onse ang pasok ng isang iyon,” bilin niyang sabi sa akin kaya tinanguan ko siya. “Okay po, tita Carol.” Kinuha ko ang takure at naglagay ng tubig doon. Nagpainit ako sa kabilang kalan. Nakarinig ako ng yapak pababa at nakita ko na rin si Pauline na dala ang kanyang towel. Umupo siya sa tabi ko at humikab. “Gising ka na rin pala, Pauline... Aalis na ako, babalik na ako sa pʼwesto sa may palengke. Ang binilin ko sa iyo, Liana. Gisingin mo si Cara kapag umalis na kayo,” paalala niya muli sa akin. Tinanguan ko siya. “Opo, tita Carol. Pero, paano kung hindi magising ang isang iyan kahit anong gising ko? Anong gagawin ko?” Tulog mantika pa man din ang anak niya. Akala mo prinsesa. “Iwanan niyo na. Pabayaan niyo siya. Oh, siya aalis na ako!” sabi niya at kinuha ang inumin niyang tubig at lumabas na siya sa bahay. “Narinig mo ba iyon, Pauline. Iwanan natin kapag hindi nagising. Hayaan mo siyang umabsent sa klase niya,” sabi ko sa kapatid ko. Kinuha ko na ang takure at sinalin sa palanggana naman para pampaligo ni Pauline. “Maligo ka na. Ako, ang susunod.” Ninguso ko ang banyo at muling nilagyan ng tubig ang takure. “Opo, ate Liana.” Nakita ko na siyang pumasok doon at ako naman ay nag-asikaso na rin. Tinakpan ko ang niluto ni tita Carol at nagwalis na muna rito sa buong baba namin habang hinihintay na lumabas sa banyo si Pauline, sabay kasi kaming kakain ng almusal. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na rin siya sa banyo, pumasok na rin ako at binuhos na rin ang pinainit kong tubig, binalik ang takure sa labas at naligo na ako. Halos tatlongpuʼt minuto lamang ako sa banyo at lumabas na rin ako. Umakyat ako sa kʼwarto namin at nag-asikaso na ako, Nakasuot na ako ng aming uniform. Skirt na maroon na hanggang sa kahalati ng aking hita at fitted na uniform na white. Kita ang hubog ng aking katawan at maging ang boobs ko ay halata. “Sobrang pretty natin today, Liana! Marami na naman mai-in love sa atin today,” kausap ko sa aking sarili at naglagay ng highlights sa cheek bones. Iʼm so pretty! Kinuha ko na ang aking handbag kung nasaʼn ang aking gamit at laptop ko. Hindi ako nagba-backpack dahil panget tignan kapag ako nagsusuot. Lumabas na rin ako sa kʼwarto ko at napatingin sa kʼwarto ng pinsan kong gaga, mamaya ko na lamang siya gigisingin kapag nakakain na kami ni Pauline. “Ate, kain na po tayo,” sabi ni Pauline nang makababa ako. Umupo ako sa monoblock namin at nagsandok na rin ako, bago kami kumain ay nagdasal naa muna si Pauline. Marunong pa rin naman akong magdasal, mukha lang hindi. After with pray ay kumain na rin kami ni Pauline, nagtira rin kami ng pagkain para sa pinsan naming si Cara na tulog pa rin. “Ate, ako na po ang maghuhugas sa pinagkainan natin. Gisingin niyo na lang po si Cara,” sabi ni Pauline sa akin. Paano ko siya mapapaalis doon, tinatanggalan na niya ng dumi iyong mga pinagkainan namin. “Okay, Pauline. Pero, kapag hindi nagising ang isang iyon, bababa na ako,” sabi ko sa kanya, tinanguan niya ako at umakyat na ako sa second floor ng bahay. Tumapat na ako a kʼwarto ni Cara at kinalampag ang pinto ng room niya. “Hoy, Cara! Alas-otso naʼng umaga! Gumising ka na dʼyan!” malakas na sabi ko at kinalampag ang pinto ng kanyang kʼwarto. Tumigil ako sa pagkalampag at pinapakinggan kung may maririnig na boses mula sa loob, pero wala. Aba, ayaw mong gumising? “Cara Castro! Gumising ka na dʼyan! Lunes na ngayon kaya idilat mo na ang mga mata mo! Hindi naman mabigat ang katawan mo dahil ang dyoga mo ay kasing liit ng mansanas! Kaya bumangon ka na dʼyan!” malakas na sabi ko at muling kinalampag ang pinto ng kʼwarto niya, sinisipa ko na rin. Malapit na itong mawasak. Ilang minuto na akong nandito sa harap ng kʼwarto niya, pero wala pa rin nagbubukas. “Ayaw mong buksan? Eh ʼdi go! Patay ka na ba, Cara, kaya hindi ka nagsasalita o gumagalaw dʼyan? Ipagdadasal ka na lang namin!” malakas na sabi ko at bumaba na ako. Bahala siya. Walang kwentang manggising sa mga taong gising na. “Ate, gising na po ba si Cara?” pagtatanong ni Pauline sa akin. “Oo! Nagpapabebe lang sa loob ng kʼwarto niya! Tara na, hayaan mo ang Cara na iyon! Basta ginising na natin siya, malapit ko na nga masira iyong pinto ng kʼwarto niya,” sabi ko sa kanya at kinuha ang aking handbag. “Ganoʼn ba, ate?” nakangiwing tanong niya habang nakatingin sa itaas. Tumingin din ako at lumapit sa may hagdan. “Hoy, Cara! Kapag natapos kang kumain ligpitin mo ang pinagkainan mo! At, tanggalin mo rin ang mga saksakan kung gagamitin mo ang TV at electric fan! Nakapatay na rin ang kalan! Kapag niyan naiwan mo, ihanda mo na lang ang sarili mo kay tita Carol para pagalitan ka! Ipaalala ko lang sa iyo, kapag may nakalimutan ka ni-isa sa sinabi ko, wala na tayong bahay na titirahan!” malakas na sabi ko, sapat na iyon para marinig niya. Baka nga narinig pa ako ng mga kapitbahay namin. Inayos ko ang aking sarili at tinignan si Pauline. “Tara na, pumasok na tayo, Pauline! Hayaan na natin si Cara rito, baka ma-late ka pa at mawalan ka ng scholar!” sabi ko sa kapatid ko. Lumabas na kami sa bahay at sinarado ang pinto, hinayaan namin si Cara sa bahay namin. Alam kong gising na siya, may narinig akong tunog na notification sa loob ng kʼwarto niya kanina. Gaga talaga ang isang iyon kahit kailan! Nakarating na rin kami sa Maravilla University, isang oras pa bago ang first class ni Pauline, kumukuha siya ng kursong edukasyon major sa Filipino kaya sobrang proud ako sa kapatid kong niyan. “Ate, una na ako sa iyo, ha?” sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Pupunta na ako sa building namin. Aral nang mabuti, Pauline. Kapag may nang-away sa iyo ay sabihin mo sa akin. Kapag may nanligaw naman, sabihin mo rin sa akin. Kikilatisin kong mabuti,” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagngiwi niya. “Ate Liana naman. Wala po akong manliligaw. Oh, siya, alis na po ako!” sabi niya kaya tinanguan ko siya. Walang manliligaw? Sa ganda ng kapatid ko, mana pa sa akin, impossible! Kaya lintik lang talaga ang mga lalaking manliligaw sa kapatid ko. Nakaupo na ako rito sa seat ko rito sa classroom naming mga Marketing course. Hinihintay ko na lamang dumating sina Ivy and Amira, pero paniguradong mamaya pa ang dating ng dalawang iyon, iyong tipong malapit na mag-bell, ganoʼn. Chineck ko na lamang ang phone ko at tinignan kung may chats ako sa mga ka-fling ko, una kong nakita si Miro. Miro: Hello, babe! How are you? I miss you so badly! I want to kiss you again on your red lips. I want to suck your boobs ang paungulin kita gamit ang aking bibig. See you again, babe! I frowned at what I read. Miro is really cringing, and then I'm going to moan at him? He doesn't know how to kiss. Pinagta-tiyagaan ko lamang siya dahil bigatin siyang magbigay, pero wala talaga. Panigurado ang ibang ka-fling niya ay same sa nararamdaman ko. Hindi siya magaling humalik, kaya paniguradong hindi rin marunong kumaldag. Auto pass sa kanya! Gusto ko iyong lalaking marunong humalik at marunong kumaldag! Nagreply na lang din ako sa kanya dahil nabuksan ko ang message niya. Liana: Me too, Miro! I miss you so much! I hope to see you soon! Nangilabot ako sa aking reply. Sunod kong binuksan ay ang foreigner kong ka-fling, alam niyang fling lang ang habol ko, pero pinatos pa rin niya ako. Kaya kapag ka-chat ko ang isang ito ay nauubusan lagi ako ng English. Crassus: Hey, babe! How are you? Are you sad today? do you want me to cheer you up? I can send my d**k to make you happy. And, of course, I'll give you your allowance, babe. Just chat me, okay? Alam mo gwapo ang isang ito, pero pakiramdam ko ay psycho. Kaya hindi ko masyadong pinapansin. Never ko pa rin nakikita ang isang ito, tanging video call lamang. Hindi ako nagreply kaya ang ginawa ko ay unread message ko siya. Ang d**k nito ay maliit kaya paniguradong hindi rin ako sasaya. Akala ko pa naman lahat ng foreigner ay mahahaba, false alarm! Sunod kong binuksan ay ang chat ni Klein, pangatlo at last kong ka-fling. Nakilala ko lang ito sa bar last last month. Mukhang mabait naman kaya kinaibigan ko, pero ang lakas ng tama sa akin. Naging crush agad ako, pero sinabi kong hanggang fling lang ang gusto ko, pumayag naman ang siraulo. Klein: Hello, babe! Pupunta ba kayo this Friday night sa BGC bar? We can make it ni Razel. See you sa Friday night in case. May ibibigay ako sa iyo. Sa kanilang tatlo na ka-fling ko, mas maayos itong si Klein. Gusto ko rin siyang maging boyfriend, pero sobrang higpit ng gago. Kapag magkasama kami dapat walang titingin na ibang lalaki sa akin. Wala rin akong ka-chat na iba, dapat sa kanya ang atensyon ko. Ayoko kaya iyon. So, hanggang fling lang talaga siya. Liana: Sure, if pupunta kami this Friday night, Klein. Anong ibibigay mo sa akin? Pʼwede mo na bang i-share rito? Reply ko sa kanya na may kasamang lip bite emoji. Hindi rin nagtagal ay nagreply siya, online ang isang ito. Klein: Itʼs a secret, babe. Oh, by the way, hindi pa start ang class mo? Nakapag-reply ka pa sa akin. I miss you, babe. Canʼt wait to see you. Grabe talaga ang alindog ko sa mga ka-fling ko, ano? Liana: Almost, Klein. Okay, see you sa Friday in case na matuloy kami nina Amira and Ivy. Bye! Reply ko at binaba ang aking phone. Hahaba pa ang message namin today. Pero, pupunta kaya kami sa bar this Friday? Ang kasagutan, depende kay Ivy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD