CHAPTER 6: New Professor sa Taxation?

2179 Words
BEFORE ten in the morning ay dumating na rin sina Ivy and Amira. Naupo sila sa magkabilang gilid ko at tinignan nila ako, nakangiti. “Whereʼs the laptop?” tanong ni Ivy sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tinuro ang dala kong shoulder bag. “Nasa loob. Manipis and magaan siya kumpara sa unang laptop na binili ko, Ivy and Amira. Bagong labas daw niyan, sabi ng salesman sa akin,” sabi ko sa kanila. “Wooh! Really? May I see, Liana?” Wala pa naman ang professor namin para sa Economics, kaya kinuha ko ang aking laptop at pinakita ko iyon sa kanila ni Amira. “Heto, oh! Sobrang nipis at ang gaan kumpara sa lumang laptop ko. Binigay ko na iyon kay Pauline, need na rin niya ang ganitong klaseng bagay lalo naʼt scholar siya,” sabi ko sa kanya. Kinuha iyon ni Ivy sa akin at wine-weight niya iyon gamit ang isang kamay niya. “Yes, you are right! It's lighter than your old lappy, Liana. And, it's also lighter compared to what I'm carrying now. Should I buy it too?” maarteng tanong niya sa akin. “Pahawak nga rin ako, Ivy!” Kinuha rin iyon ni Amira. “Oh, me too, Ivy! I should buy it too! Where did you buy, Liana?” tanong din ni Amira sa akin. Kinuha ko ka iyon kay Amira at binalik sa shoulder bag ko. “SM North EDSA, that's the only mall near us, Ivy and Amira. Buy now, especially since you always complain that your bag is heavy because of the lappy you're carrying, like me. Ngayon para akong walang dalang lappy, parang tatlong notebook lamang ang laman ng shoulder bag ko ngayon,” sabi ko sa kanila. “I'll buy later! How about you, Amira? You're going to buy it too?” Tumango si Amira sa tanong ni Ivy. “So, sabay na tayo bumili after the class!” nakangiting sabi ni Ivy. “Thatʼs good to hear! Pare-parehas muli tayo ng lappy! Twinnings... I mean, thrinnings!” natatawang sabi ko sa kanilang dalawa, tatlo kasi kaming magkakaibigan. “Yes, thrinnings! Anyway, kanina pa nag-bell, right? Bakit wala pa rin ang Professor natin sa Brand Management? Sumuko na siya agad? Aww! How sad!” nakangiwing sabi ni Ivy. Napatingin ako sa aking wristwatch at nakita kong kinseng minuto na ang nakalipas nang mag-ten naʼng umaga. Siya ang first class namin every MWF, then wala pa siya. Next namin ay two hours sa Taxation, isa rin iyon na matanda na rin. Inaasar ng mga classmates namin na hindi raw nila marinig ang sinasabi ng Professor namin doon. “Hay! Mayor, anong nangyari sa Prof. natin sa Brand Management? Ayaw na ba niya agad sa atin? Oh my gosh! Ang weak naman niya!” maarteng sabi ni Ivy at napapailing na lamang siya. “Tine-text ko ang Prof. natin doon, pero walang reply akong nakukuha! Hindi ko alam kung absent! Wala rin siya rito sa faculty, may ibang university pa siyang tinuturuan bago pumunta rito sa Maravilla University,” sagot ng Mayor namin. Kada section ay may Mayor na tinatawag, sila ang class representative namin every meeting na mayroʼn ang course namin. “Oh, really? Sana nagsabi siya agad kahapon na hindi siya makakapasok, like, para eleven na tayo pumasok today. Oh my gosh! Sayang ang maagang paggising.” “Okay na rin iyon na maaga tayong pumasok. Every Monday traffic ang way rito sa Maravilla University, Ivy,” sabi ko sa kanya at binuksan na lamang ang phone ko. “You have a point, Liana. Nakakairita ma-stuck sa traffic here. Oh, anyway, may new ka-fling ka ba?” Tinignan ko siya at umiling. “Wala, why? Nag-away na naman ba kayo ni Aqua?” tanong ko sa kanya. “As always,” iritang sabi niya sa akin. “Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan. Chinat ako ni Klein kanina kung magba-bar ba tayo this Friday. Sinabi kong not sure pa... Ano, G ba tayo this Friday?” tanong ko kay Ivy. Siya naman ang financer namin ni Amira. Kapag nag-go siya, sasama kami. Nakita ko ang pag-iisip niya. “Let me think about first, Liana. Huwag mo munang reply-an ang Klein na iyon... We have four days pa naman before the Friday night, right? So, let me think first!” sabi niya sa amin. Nagkatinginan kami ni Amira at tumango sa kanya. Pag-iisipan pa niya kung hanggang Friday ay hindi sila magbabati ni Aqua. Kapag hindi sila nagbati, tuloy ang bar hopping namin sa Friday. Naubos ang isang oras namin sa Brand Management, hindi dumating ang Professor namin kaya ang next subject ay ang Taxation namin na two hours. Boring pa man din magturo ang taxation Professor namin tapos natapat pa ang oras na tanghali sa kanya, nakakaantok. “Hey, wala rin ang Professor natin here? Araw ba ngayon ng absent, ha? Or, may Monday sickness sila? Akala ko ba tuwing Friday ang sickness?” pagtatanong ni Ivy. Ang daldal niya ngayon. Wala kasing ka-chat, magkaaway nga sila ni Aqua. “Maghintay lang tayo, baka na-late lang siya!” sigaw ng Mayor namin. “Okay, but, Iʼm bored na!” “Kausapin mo na lang si Aqua, Ivy,” sabi ko sa kanya. “No, magkagalit kami. Dapat siya ang unang magcha-chat sa akin! Siya ang may kasalanan, kaya dapat siya ang magsuyo!” Tinignan namin siya ni Amira. “Hey, this time, siya na talaga! Sinabihan kong huwag umattend ng birthday party ng best friend niyang babae, but he did not obey me. Then I found out he was drunk! I called him this morning and bigla niya akong binabaan! Ganoon ba ang boyfriend, bababaan ako bigla! Kaya no way!” malakas niyang sabi at pinag-krus pa ang kanyang kamay. Paano hindi siya bababaan, mukhang may hang-over ang boyfriend niyang si Aqua, pero mali rin si Aqua. Alam naman niyang pinagseselosan ni Ivy ang best friend niyang babae. “Huwag mo ngang i-chat si Aqua, Ivy. Hayaan mo muna ang sarili mo,” sabi ko sa kanya. “Liana! May naghahanap sa iyo!” Nagulat ako nang may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako sa likod at tinignan ko ang classmate naming mga lalaki. “Sino? Kapatid ko ba?” tanong ko sa kanila. Mababait ang mga classmate namin, maging ang girls. “Hindi! Tatlong first year from cosmetic course! Gusto kang kausapin!” malakas na sabi ng classmate naming lalaki. “Cosmetic course? Oh, baka niyan iyong nangungulit sa iyo na maging model ka nila? Naalala mo last year, may kumausap sa iyo? Need kang maging model ng nail art?” paalala ni Ivy sa akin. “Totoo. Sinundan ka pa nga nila hanggang canteen papunta sa restroom, para alukin ka lang. Natatandaan kong pink ang tag sa ID nila, for sure first year ang mga iyon,” sabi ni Amira habang nakaharap sa phone niyang hindi mabitawan. Ka-chat niya ang boyfriend niyang si Zoren. Tumayo na lamang ako. “Baka nga sila. Puntahan ko lang, baka need talaga nila akong maging nail model,” sabi ko at pinaalis nila ako. Lumakad ako hanggang sa pinto ng classroom namin, doon ay nakita ko ang babaeng kumausap sa akin last week. “Why? Need niyo ko bilang nail model niyo?” bungad na tanong ko sa kanila. Paano naman kasi nagtuturuan silang tatlo sa harapan ko? Akala naman nila kakainin ko sila. Humarap sa akin ang babaeng naka-bangs, siya rin ang kumausap sa akin. “Um, opo, sana, Miss Liana...” nakayukong sabi niya. Napangiwi ako sa sinabi niya. “Miss Liana? Hoy, estudyante lang din ako, twenty one pa lamang ako, ha? Liana na lamang ang itawag mo sa akin. Saka, bakit ako ang pinili niyo?” tanong ko sa kanila at sumandal sa hamba ng pinto. “Um, n—nagustuhan po namin ang daliri niyo po. M—makinis at maputi po,” mabilis niyang sabi at tinignan ang aking kamay. Hindi na nga malambot dahil gumagawa na ako ng gawaing bahay. “Hindi na maganda ang kamay ko. Gumagawa rin ako ng gawaing bahay sa amin. Sure kayong ako ang kukunin niyo? Ayoko ng mahabang kuko,” sabi ko sa kanila. “Baka bumaba ang grades niyo dahil sa akin.” Hindi talaga ako sanay sa mahahabang kuko. Fake nails ang ginagamit ko kapag nagba-bar kami. “Um, okay lang po... H—hindi naman po pahabaan ang labanan sa performance po namin, kung ʼdi ang nail art po,” mahinang sagot nila. “Okay, pumapayag na akong maging nail model niyo. Kailan ba niyan para makapag-excuse ako sa Prof. na sasagasa sa oras niya,” sabi ko sa kanila. “B—bukas po, ate Liana! M—maaga po... Start po ng nine in the morning!” malakas niyang sabi sa akin, na halos mabingi ako. Napatingin nga ang ibang estudyante sa amin. “Inaaway na naman ni Liana ang first year!” Sinamaan ko ng tingin itong si Mike. “f**k you!” sabi ko at tinaas ang aking middle finger sa kanya. Tumawa lamang ang siraulo, kaya bumalik ang tingin ko sa tatlong first year na ito. “Bukas, nine in the morning?” ulit na tanong ko sa kanila, tumango sila sa akin. “Okay, saan ako pupunta? Sa cosmetic building niyo? Anong room number?” Napatingin sila sa akin. “O—opo, sa cosmetic building po! Room 103 po. T—thank you po, ate Liana! Hintayin ka po namin bukas!” sabi nila at yumuko sa akin. Tinanguan ko na lamang sila at bumalik na sa loob. Naawa ako sa kanila, katulad nila ay first year din si Pauline, paano kung need din niya ng tulong katulad ng tatlong ito? Alam ko namang iba ang course ng tatlong iyon kaysa sa kapatid ko, pero alam mo na. Need ko pa rin sila tulungan. “Hindi mo natiis?” Ngumiti ako sa tanong ni Ivy. “Yes. Mukhang need talaga nila ako, at baka bumagsak pa sila kung hindi ko pabigyan,” sagot ko. “Kailangan daw?” “Bukas, nine in the morning! Sana gandahan nila ang kuko ko tomorrow. Sinabihan ko rin silang hindi ako nagpapahaba ng kuko, sila na raw bahala lalo naʼt nail arts daw ang titignan ng Professor nila.” “Paniguradong mataas ang grades ng tatlong iyon,” sabi ni Amira. “Sana nga.” Isang oras ang nakalipas sa subject naming Taxation nang may dumating na Professor. Tumahimik kaming lahat at tinignan ang lalaking nasa harap namin, hindi siya ang Prof. namin, siya si Prof. Coby, ang professor namin sa Banking Finance and E-commerce. Dalawang subject ang sa kanya. “Good afternoon, fourth year Marketing course, Iʼd like to tell you that your Professor has been absent for two months due to his illness. He needs a bed rest for two months.” Nagulat kami sa sinabi ni Professor Coby. May sakit pala siya? Ang Professor namin sa Taxation. Ginagalit pa man din namin siya. “Eh, Prof. Coby, two months kaming walang Professor? Paano iyon? Two months na lang din ay Midterm namin? Sa midterm namin siya babalik?” pagtatanong ng Mayor namin. Oo nga, ano? Two months na lamang ay midterm na. “Hala, oo nga ano?” “Anong isasagot namin sa midterm nito?” “Ibabagsak ba niya kami?” “Graduating na kami!” sari-saring sabi ng mga classmates namin. “Quiet! May papalit sa kanya ng two months! Siya ang magiging Professor sa loob ng two months! Kaya manahimik na kayo!” malakas niyang sabi sa amin. Nakahinga ako nang maluwag. Ayokong bumagsak, ano. Lalo naʼt i-a-apply ko ang grades ko sa Latin honor. “Sir Coby, sino naman ang papalit sa kanya? Matanda rin?” pagtatanong ni Ivy. Nakita ko ang paghagod na tingin ni Prof. Coby kay Ivy. May gusto talaga itong Professor namin kay Ivy. “Ka-edad ko, pero mas gwapo ako roon. And, alam kong masungit ang magiging Professor niyo roon, kaya umayos kayo! Iyon lang ang gusto kong sabihin sa inyo! Pʼwede na kayong mag-early lunch!” malakas na sabi ni Prof. Coby. “And, dapat before two in the afternoon ay nandito na kayong lahat. Ako ang next subject niyo!” dagdag niyang sabi. “Yes, Professor!” sigaw ng mga classmates namin at isa-isa na silang lumalabas sa classroom. “Ivy, eat well, ha?” malumanay na sabi ni Prof. Coby at ningitian naman ni Ivy. Napailing na lamang kami ni Amira. “May crush talaga sa akin si Prof, ano? Pero, hindi ko siya bet!” sabi niya. “Tara, lunch na tayo! Treat ko kayo, katulad ng pinangako ko kahapon!” saad ko sa dalawa. “Thanks agad, Liana!” sabay nilang sabi at lumabas na rin kami sa classroom. Sino kaya ang papalit sa Professor namin? Ka-edad kaya ni Prof. Coby? So, nasa 30ʼs lamang siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD