CHAPTER 4: Problema?

1626 Words
NANGUNOT ang noo ko nang may marinig akong malakas na kumakatok mula sa pinto ng kʼwarto namin. Bwisit, sinong kumakatok na iyon? Inaantok pa ako! Madaling araw na ako nakatulog kanina dahil sa chikahan namin nina Ivy and Amira, pinag-uusapan namin ang assignment namin sa Economics. Nagpatulong sila sa akin at nag-chikahan na rin about kay Aqua. Nag-away na naman silang dalawa. Sabi ko nga, on and off ang relasyon nilang dalawa. “Liana! Bumangon ka na! Hoy, Liana!” Napapikit ako nang marinig ko ang boses ni tita Carol. Dinilat ko ang aking mga mata at huminga nang malalim para kumalma ako. “Argh! Ang aga-aga panay katok agad si tita Carol!” naiinis na sabi ko at tumayo na ako. Napatingin ako sa itaas ng double deck, nakita kong wala na roon si Pauline. “Anong oras na ba? Kaya iniistorbo ako nitong si tita Carol?” Tinignan ko ang phone ko, nanlalaki ang mga mata ko nang makitang alas-diyes naʼng umaga, eksaktong 10:30AM. “What the?” bulalas ko na lamang sinabi. Mabilis kong inayos ang aking sarili, pinusod ang aking buhok at bumuga nang malakas bago ako lumakad, para buksan ang pinto ng room. “Anong oras na, Liana, tulog ka pa rin nang tulog! Maglalaba ka pa!” malakas na sabi ni tita Carol nang buksan ko ang pinto. “Iyong si Pauline roon nakapag-saing na lahat-lahat, pero ikaw nandito ka pa rin sa loob ng kʼwarto niyo! Bumaba ka na! Feeling senyorita ka rito!” sigaw niya sa akin. I rolled my eyes to her. “Heto na po... Lalabas na ako,” sagot ko sa kanya at lumabas na sa kʼwarto namin, ni-lock ko iyon, dala ko naman ang susi. “Sumasagot ka pa dʼyan, Liana! Tumulong ka dʼyan sa ibaba!” malakas niya pang sabi sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at bumaba na ako. Panay siya dakdak sa akin, pero hindi ko nga narinig ang pangalan ng anak niyang si Cara galing sa bibig niya. Hindi rin gumawa ang isang iyon. Tanging si Pauline lamang ang narinig ko mula sa bibig niya, mukhang ginawang utusan na naman ng mag-nanay na ito ang kapatid kong si Pauline. Pagkababa ko ay nakita ko si Cara na nakaupo sa sofa namin, nanonood ng television habang may ngisi sa labi nang tumingin sa akin. “What?” pananakot ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa akin tanging ngisi pa rin sa labi niya ang nakapaskil doon. Pasalamat siyaʼt nandito ang Mama niya, kung ʼdi tatalakan ko na naman ang isang ito. Makikita niya mamaya. “Liana, maglaba ka pagkatapos mong kumain ng almusal! Aalis na muna ako! Dapat mainis ang buong bahay pag-uwi ko!” malakas niyang sabi. Napailing na lamang ako sa kanya. May pupuntahan? O, baka naman magsusugal maghapon. Iyon naman ang ginagawa niya kapag Sunday. Tumango na lamang ako sa sinabi ni tita Carol, narinig kong bumukas ang pinto namin at lumabas na siya. Dumiretso na ako sa banyo namin, naghilamos at nagsepilyo na ako. Marami pa akong kailangan gawin, katulad na lamang na sinabi ni tita Carol kanina, maglalaba pa ako. Nang matapos akong maghilamos ay lumabas na rin ako sa banyo, nakita ko si Pauline na kapapasok lamang galing sa labas. “Saan ka galing?” tanong ko sa kanya. “Um, ate, bumili ako ng itlog... Gusto kasi ni Cara ng fried egg po,” sagot niya sa akin. Tumaas ang kanang kilay ko sa pagsagot niya sa akin. “Ibigay mo na sa kanya niyang itlog na binili mo. Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin. “Hindi pa po nagluto na po muna ako then pinabili ng itlog.” Uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya. “Ilapag mo niyang itlog, kumain na tayong dalawa.” Naupo na ako at tinanggal ang takip ng pagkain sa lamesa. “Nakasalubong mo ba si tita Carol sa labas?” tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin at nilapag ang itlog na binili niya sa kitchen sink namin. “Opo, ate, maglaba raw po tayo.” “Alam ko. Ginising nga ako bago siya umalis!” inis na sabi ko at ninguso si Cara na nakaupo roon sa sala namin, sitting pretty ang gaga. Narinig kong tumawa lamang siya kaya inirapan ko itong kapatid ko. Kumain na kaming dalawa at nang matapos ay ako na ang naghugas. “Pauline, luto na ba iyong fried egg ko?” Nagsalubong ang aking magkabilang kilay nang marinig ang malakas na boses ni Cara. Tinignan ko siya at tinarayan. “Senyorita ka ba, Cara? Binilhan ka na nga ni Pauline ng itlog sa labas, tapos siya pa ang magluluto? Magluto ka ng itlog mo! Maglalaba pa kaming dalawa,” malakas na sabi ko. Nakita ko ang paa niyang malakas na umapak sa sabog namin. Nagdadabog pa ang gagang ito. “Huwag na! Nawalan na ako ng gana!” sigaw niya sa akin. Lalong tumaas ang kulay ko sa sagot niyang iyon. “Ikaw pa nagsabi na nawalan ka ng gana, ha? Huwag kang kumain! Hindi naman kami ang magugutom, gaga ka!” usal ko sa kanya. Hinawakan ko iyong itlog at muntik ko ng ibato sa kanya, kung hindi lang ako pinigilan ni Pauline. “Ate, huwag na. Sayang din po,” mahinang sabi niya sa akin, kaya binigay ko sa kanya ang itlog. “Huwag kang susunod sa gagang iyon, ha? Magkasing-edad lang naman kayong dalawa,” sabi ko at muling binalikan ang hugasin, para makapaglaba naman kami. “Hay!” I sighed nang makita ang tambak na labahin sa harapan ko. Sunday ngayon kaya laba day para sa amin, may washing machine naman kami pero nasira si Cara. Bwisit na babaeng iyon! Dine-deny pa niyang hindi siya ang nakasira at tinuturo si Pauline. Mabuti na lamang ay may evidence kaming nakita, iyong butones ng uniform niya. Siya ang huling gumamit. Kaya ayon si tita Carol nilunok iyong pinuputak niya kay Pauline. Saka, hello, ako ang bumili ng washing machine na iyan at galing niyan sa mga perang binibigay ng mga ka-flings ko. Kaya ipaayos nila iyan! “Ate Liana, heto pa raw po.” Napalingon ako kay Pauline nang marinig ko ang boses niya, nakita ko ang bedsheets na hawak niya. “Kanino niyan? Kapapalit lang natin ng bedsheets, Pauline! Tatlong araw pa nga lang iyon!” Tumaas ang boses ko nang makita ko ang bitbit niya. Napakamot siya sa kanyang buhok. “Kay Cara, ate Liana. Nang malaman niyang naglalaba tayo binigay niya sa akin ito,” mahinang sabi niya sa akin. Napabuga na lamang ako sa kanya. “Wow, bwisit talaga ang Cara na iyan!” sabi ko sa kanya. Tumayo ako sa inuupuan ko at kinuha ko ang bedsheets na dala niya. Kanina pa niya ako sinasagad! “A—ate...” Narinig ko ang tawag niya, pero hindi ko siya pinansin. Pumasok ako sa room ni Cara at binato ang bedsheets sa mukha niya. “Hoy, Cara, hindi mo kami tagalaba, ha? Labhan mo niyang bedsheets mo, okay? Wala tayong washing machine ngayon at dahil sa iyo iyon!” sigaw ko sa kanya. Nakita kong tulala siyang napatingin sa akin. “Ano? Bubuka pa niyang bibig mo? Maglaba ka! Gamitin mo niyang kamay mo! Kanina ka pa! Maging pagluluto, di mo magawa!” Pinagbantaan ko siya gamit ang mga mata kong matalim. “Tara na, Pauline, maglaba na tayo,” sabi ko at binagsak ang pinto ng room niya. “Ate Liana.” Tinignan ko siya, sobrang bait talaga niya. “Huwag kang matakot, okay? May ambag din tayo sa bahay na ito, Pauline. Iyong pinagbentahan sa bahay natin noon, kinuha ni tita Carol para ipaayos itong bahay nila at magkaroon tayo ng room dito. Pangalawa, nagbibigay ako ng pambili ng grocery and pangatlo, ako mismo ang nagbabayad ng tuition fee ko at ng sa iyo, na dapat siya ang gumagawa dahil guardian natin siya..Kaya huwag kang matatakot!” sigaw ko sa kanya. Nakita ko ang mukha niyang nagulat. Pinakalma ko ang aking sarili. “Iʼm sorry, nainis lang talaga ako. Huwag ka kasing magpapaapi kay Cara na iyon. Tara na, maglaba na tayo para hindi tayo abutin ng hapon,” sabi ko at nauna na akong lumakad. Naupo na muli ako sa bangkito namin at inumpisahan ang paglalaba. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganito, maayos ang buhay namin nang buhay pa sina mama at papa. Hindi man kami mayaman katulad nina Ivy and Amira, hindi naman kami mahirap katulad ngayon. Nakaka-putangina kasi ng taong bumangga sa mga magulang ko habang nakasakay sa motorcycle namin. Nakakagalit kasi lasing ang taong bumangga sa kanila, tapos in the end hindi man lang nabulok sa bilangguan dahil nakapag-piyansa siya. Tapos, sinabihan kami ng mga pamilyang bumangga kina mama at papa na patawarin ang gagong lalaking iyon dahil may pangarap pa raw. Pinagmumura ko sila that time. “Paano naman niyong pangarap ng parents ko para sa amin?” Iyon ang tanong ko sa kanila, hindi sila nakaimik. Totoo naman ang sinabi ko. Nakakagago lang kasi, ang ingat-ingat ni Papa mag-drive, pero may kamoteng nagda-drive na akala mo Hari ng kalsada. Actually, tumakas pa ang lalaking iyon, mabuti na lamang may CCTV, kita ang plate number ng kotse at kung paano niya mabangga ang motor nila papa. Nakakagalit. Napabuga na lamang ako. Pinakalma ang aking sarili. Naiiyak na naman ako, kapag naaalala ko sila. Paano kaya kung hindi namatay sina mama at papa? Ganito kaya kami? Siguro, hindi. Siguro, masaya kami ngayon. Siguro, wala akong gaanong ka-flings ngayon. Normal na babae ako sa campus with Ivy and Amira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD